"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Nabalik ako sa kasalukuyan galing sa pag-alala sa nakaraan, nang marinig ang sinabi ni Rebecca. Matanda siya ng limang taon sa akin. Nakasampung taon na siya nang ipinasok ako ng walang hiyang recruiter kuno na iyon. Oo, menor de edad pa lang siya nang sapilitang ipasok ng madrasta niya. Hanggang ngayon nga, pinagdadasal ko na sana makita ko ang Emily na iyon! Kaso... Apat na taon na ako rito. Isang taon na lang at makakalaya na ako. Pero... "Ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa, Eva. Isang bilyon, isang gabi sa kama. Higit sa lahat , p'wede ka nang umuwi sa inyo." Ni minsan ay hindi ako nagpa-table kahit pa malaki ang offer nila. Kapag kasi nag-request ang isang customer na i-table ka, dagdag kita rin iyon. Pero may karapatan silang hawakan ka sa