"Shît, Eva!" Salubong ang kilay na napatingin ako sa kanya, "Minumura mo ba ako?" "Tâng ina naman kasi, ba't ganyan ang suot mo!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka umiwas ng tingin. Nakakailang man ang ginawa niyang pagtingin, pero hindi nakalampas sa pandinig ko ang sinabi niya, "Bakit? Anong masama sa suot ko!" "Hindi ako sanay na makita kang ganyan ang suot!" Mas lalong nag-init ang ulo ko, "Para mo na ring sinabi na hindi bagay sa akin ang ganitong damit!" Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin, "Hi-Hindi gano'n 'yon!" "Ewan ko sa 'yo!" Akma na akong babalik sa loob ng bar nang mahawakan niya ako ulit. Kaagad ko ring binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya, dahil napapaso ako. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbago ang epekto niya sa akin.