Panindigan mo ito Eva! Paano kung... kung mapunta kami sa bagay na iyon? Hindi... hindi ko hahayaang mangyari iyon. Naalala ko ang sinabi ni Rebecca. "Kapag may boylet ka na, pasarapin mo... pero h'wag mong papasukin. Lagi mong tatandaan, dangal na lang ang maipagmamayabang mo. Iyan ang wala sa akin kaya okay lang na may magmina sa kweba ko." Kinakabahan man, pero iyon na lang ang gagawin ko. Pero paano? Pasarapin... pero h'wag papasukin. Isa pa kailangan ko itong gawin para tuluyang maisip ni Hujin na hindi na nga ako inosente. Tama... Bahala na. Akala ko kasi talaga magagalit na siya pero... Ang lambot ng mga labi niya. Biglang nag-init ang pakiramdam ko nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko. Ang mainit niyang mga haplos ay mas lalong nagpaalab sa init nararamdaman