Martir na kung martir, pero kanina pa ako nakatingin sa dalawang taong nagsasayaw sa pinakagitna ng venue. Magkahawak ang mga kamay at nakatitig sa isa't isa. Kapwa sumasayaw sa saliw n g musika. Parang kanila ang mundo at wala silang pakialam kung may nasasaktan ba sila o hindi. Ganoon siguro talaga sa mundo. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. Na hindi ko kayang makibagay sa mundong ginagalawan ni Hujin. Nilingon ko si Joaquin at nakitang nakatingin lang siya sa sahig. "Ano bang drama ng buhay ninyo? Bakit kailangan ko pang madamay sa gulo ninyo?" tanong ko sa kanya. Kahit maingay ang musika, alam ko namang narinig niya ang tinanong ko. Nilingon niya ako at napansin ko ang sakit sa mga mata niya. Ano bang problema nila? Ang tahimik na ng mundo