Parang biglang bumigat ang tensyon sa pagitan naming apat. Nararamdaman ko iyon sa higpit nang hawak ni Joaquin sa kamay ko. Anong nangyayari? "Wow... may girlfriend ka pala?" sabi ng babaeng kasama ni Hujin. Mula kay Joaquin ay nalipat ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya. Para bang matagal na silang magkakilala sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi ko rin alam kung anong klaseng tingin ang ibinibigay niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang gustong iparating ng mga mata niya. They were emotionless. They were dull, lifeless, and expressionless. Kaya hindi ko rin masabi kung mabait ba siya o hindi. Isa pa... Wala akong pakialam. Kaagad kong naramdaman ang panliliit sa sarili. Siya ba ang dahilan kung bakit nasabi ni Hujin na kapag nagkita n