Nagkalat na ang mga lata ng beer sa sahig. Nandito kami sa sala ng condo ni Joaquin at kanina pa kami tahimik lang na nag-iinuman. Syete! Hindi ako madaling malasing sa mga mamahaling champagne, pero sa simpleng beer lang para ng lumilindol ang mundo ko. "Hoy! Huwakin... wala ka bang planong magshalita riyan? Aba, eh... mukha nang guguho ang mundo ko!" Napapikit ako at sumandig sa sofa na nasa likod ko. Nakasalampak ako sa sahig at parang wala ng lakas ang katawan ko. "Sinadya ko talagang malasing ka para hindi mo na maalala ang mga sasabihin ko ngayon." "Naku! Pushtahan! My memory card itong utak ko, ulôl!" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "Lasing ka na talaga. Akala ko ba hindi ko nalalasing?" "Shinong lashing? Ako? Nibir!" Narinig ko ang pagbuntonghininga niya, "Kung siguro