Naalimpungatan ako sa tunog ng doorbell. Syete! Nasaan ba si Rebecca! Hinayaan ko na lang at natulog ulit. Kaso hindi pa rin tumitigil ang kung sino mang hâyop sa kakapindot ng doorbell. "Arghh!" Bumalikwas ako ng bangon at padabog na bumaba sa kama. Nakapikit pa akong lumabas ng kwarto ko. Humanda talaga kung sino man siya! Makakatikim siya ng mura sa akin! Marahas kong binuksan ang pinto, "Syete! Nananadya ka ba!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa labas. Si Hujin! Oo, si Hujin na soon to be mayor! Si Hujin na ikakasal sa babaeng mahal ni Joaquin. Kaagad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga buhok ko. Bahala na kung magmukha akong si Sadako! Syete! Wala pa akong hilamos at baka may mga laway pang natuyo sa mukha ko! "Pa-Paano mo nalaman kung saan ang bahay