Chapter 22 - Kilala

1182 Words

Kanina pa kami tahimik. Nakatingin lang ako sa sahig. Nakakahiya ang ayos ko! Samantalang sila kahit siguro mga nakapangbahay ay aakalain mong rarampa sa isang catwalk. "Fûck you, Huex Jin!" "Fûck you to, Hades Joaquin!" Nabaling kaagad ang tingin ko sa magkapatid. "Gracious goodness! Hindi pa rin kayo nagbabago!" Mas nagulat ako sa pagsigaw ni Eurice. Kahit pagsigaw niya ay babaeng-babae pa rin. Samantalang kung ako ang sisigaw parang tagabola ng bingo sa perya. Sa O, kalbo! Mga ganoon. Hays! Sinasaniban na naman ako ng kaluluwa ni Tinay. Nilingon ako ni Eurice, "Ganito sila kapag hindi nakatuon ang atensyon ng mga tao sa kanila. Pero kapag nasa labas, aakalain mong mga santo at hindi makabali ng toothpick." Tama ba ang narinig ko? Si Eurice ba talaga ang nagsalita? O sinaniban na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD