KARINA Naghanap ako ng ibang bar na pag-iinuman. Ayaw ko nang pumunta sa bar na pag-aari ni Nickoriel. Gusto ko na siyang kalimutan. Dapat matagal ko nang ginawa. Kung natuturuan lang sana ang puso, wala na sanang problema pa. Nararamdaman ko pa rin ang epekto ng shábu sa akin. Lagi niyang pinapagawa sa akin iyon at bini-video. Kaya kahit ilang bote pa ng alak ang tutunggain ko, walang epekto sa akin. Kaagad akong pumwesto sa barstool nang makapasok ako sa loob ng isang bar. Marami-rami rin ang mga narito. May mga nagsasayawan sa dance floor at may DJ na nagri-remix sa harapan. Medyo sikat din na bar itong napasukan ko. "Red Label nga," sabi ko sa bartender. "Plano mo bang maglasing?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ng bartender. The fûck is he doing