Chapter 41 - Ph care

1048 Words

EVA "Ano bang ginagawa natin dito, Eva?" Ilang beses na iyang tinanong ni Tinay sa akin. "Bakit ba kailangan pa nating magtago? Para tayong mga masasamang loob na may hoholdapin." Ilang beses na rin iyang sinasabi ni Rebecca. "Kung gusto ninyong sikatan pa ng araw, sumunod na lang kayo," seryoso kong sabi habang nagpalinga-linga. Nandito kami sa harap ng mall. Nagtatago sa may puno. Nakasuot kami ng mga wig at nakasalamin sa mata. Para hindi kami makilala ng mga bantay ni Hujin kung sakali ngang pinapabantayan niya ako. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap at nagkikita. Abala siya sa kampanya niya. Nagmi-message naman siya, pero hindi ko nire-reply-an. Ang sabi pa ni Karina, siya raw ang bahala sa mga tauhan ni Hujin. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat, lalo pa at konektado rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD