Chapter 27

1783 Words

MATAPOS kumain nina Maryey at Sergio sa Savanna’s Side ay nag-aya naman si Maryey na maglakad-lakad, para magpababa na rin ng kinain, sa nakitang hardin na malapit lang sa kinainang restaurant. Nasa gilid lang iyon kasama ng mga nagtataasang puno. Nang mapagod ay naupo naman sila sa bench na nasa gilid ng biking lane na ang hinahayon ay ang hangar. Nasa gilid ng mismong kalye para sa mga sasakyan ang naturang biking lane. Maganda sa puwestong iyon dahil mahangin. Idagdag pa ang napaka-aliwalas na view ng Savanna. Napakalawak na kaparangan. “Hon, parang ang sarap magtatakbo riyan sa damuhan,” nakangiti pa niyang bulalas habang binubusog ang mga mata sa magandang tanawin. Berdeng-berde ang mga d**o. “Kabayo lang ang tumatakbo riyan.” Nabura ang ngiti niya sa labi nang balingan ang nobyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD