MUKHA lang kalmado si Maryey pero naghuhurumintado na ang puso niya sa excitement. Kadarating lang nila ni Sergio sa Yadoya Hotel sa UHB Leisure Club. Nakapag-check in na rin sila sa suite. Iyon ang unang beses na magkakasama sila ng binata ng buong dalawang araw. At unang beses na magtatabing matulog. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi sa huling naisip. Kung dumating man sa punto na mawalan ng self-control si Sergio sa kanya, nakahanda na ang sarili niya para dito. Kinakabahan siya sa bagay na iyon pero hindi naman siya aatras kung sakali man. Napangiti pa siya. Inabala agad ni Maryey ang paglalagay ng mga dala nilang personal na gamit sa wardrobe. Natutuwa siya dahil magkasama ang mga gamit nila ni Sergio sa iisang cabinet. “Hon, matagal ka pa ba?” ani Sergio na nilapitan na siya