Chapter 04

1299 Words
BUHAT yata ng pumasok si Maryey sa locker room ng major consignor ay hindi na matapos-tapos ang topic tungkol sa bagong Acting Manager ng Department Store. Kaliwa’t kanan ay iyon halos ang topic. Dahil nakipagpalit ng rest day ang kanyang kasama na outright din sa Kitchenware na si Rachel kaya naman rest day siya kahapon, araw ng Lunes, dahilan upang hindi niya nakita ang pagpasok ng pansamantalang pumalit sa puwesto ni Sir Carlos. Huwebes kasi ang talagang rest day niya. “Sobrang guwapo to the point na gaganahan akong pumasok araw-araw.” “Suwerte natin dahil opening din si Sir Sergio.” Mukhang hindi forty plus ang edad ng naturang lalaki na sa hinuha niya ay doon naglalaro ang edad. Tiningnan niya si Jessah na outright din ng Sport Central na brand. “Guwapo ba talaga?” “Oo, super. Saka binata pa. Teka, wala ka ba kahapon?” kunot pa ang noo na tanong ni Jessah sa kanya. Umiling si Maryey. “May nakipagpalit sa akin ng rest day.” “Ah, kaya pala. Sayang hindi mo nakita kahapon. Naku, literal na kinilig ang sambayanan ng ipakilala siya ni Mr. Takinaga. Grabe ang guwapo!” impit pa itong tumili. “Bakla!” palirit ni Mylene nang makita siya. Kadarating lang din nito. Sanay itong manawag ng ‘bakla’ palibhasa may mga kaibigang ganoon. Bagay na nakasanayan na rin niya. “O, ano? Hindi ka rin maka-get-over sa bagong manager?” Sunod-sunod ang naging pagtango nito. Pati mga mata ay animo Christmas lights na nag-i-spark. “Korak. Grabe ang guwapo at ang hot.” “Mukha nga. Kasi halos lahat kayo ay ganyan ang reaksiyon. Sumasakit na nga ang tainga ko, eh.” Tumawa ito. “Grabe! Baka ipagpalit mo na si Sir Jin kapag nakita mo si Sir Sergio. Mamaya once na makita mo siya makaka-relate ka rin sa nararamdaman namin.” Nagkibit balikat siya. “Titingnan natin.” Hindi na bago sa kanya ang makakita ng guwapo dahil maraming customer na guwapo ang kumpanya ng papa niya. Naupo na si Mylene sa tabi niya nang may umalis na demo. Nag-retouch lang ito dahil naka-make-up na ito kapag pumapasok. Akala mo ay rarampa sa klase ng ayos nito. Palibhasa ay inaayusan ito ng pinsan nitong bakla. Kapag pumapasok siya ay hindi agad siya naglalagay ng kolorete sa mukha kagaya ng iba. Doon na siya mismo nag-aayos. “Kailangang magandang-maganda ako mamaya para hindi naman nakakahiya kapag nakita ako ni Sir. Pahiram ng mascara mo, ha?’ “Okay.” Inayos muna niya ang pagkaka-ponytail ng kanyang buhok. Sinuklay-suklay pa niya iyon. “Buti ka pa, nakakapag-bangs ng ganyan,” komento ni Tin na outright naman sa Watson. Nginitian niya ito. “Hindi naman kasi ako makapaglugay ng buhok sa electrical kaya ito na lang bangs ko ang inilulugay ko.” Nagpatuloy siya sa pag-aayos. Mahigpit na pinagbabawal sa ibang department ang mag-bangs kaya naman karamihan ay nakapusod ang buhok. Sa department naman nila ay walang sumisita sa kanya na Department Manager. Habang naglalagay ng lipstick sa kanyang labi ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nga ba ang hitsura ni Sergio Delavin. Ganoon ba talaga ito kaguwapo? Sabagay, guwapo ang mga anak ni Mr. Takinaga kaya siguro guwapo rin ang Sergio na ‘yon. “Kaso lang may pagka-istrikto ang aura ni Sir Sergio at may pagka-snob.” Napasulyap si Maryey kay Mylene. “Talaga?” “Yep.” Kapag hindi pumasa sa taste niya ang Sergio Delavin na iyon ay iuumpog talaga niya ang ulo ni Mylene sa microwave oven ng matauhan ito. Nakapag-pledge na sila at pep talk ay hindi pa rin niya nakikita ni anino ng bagong manager. Nangangati na ang bunbunan niya na makita ito. Pinagmasdan ni Maryey ang pinupunasang hot pot. “Ano na? Nasaan na ang pinagmamalaki nilang guwapo, matangkad, hot at malakas ang dating? Kung makapuri naman sila, sobrang wagas. As if naman ka-level ng mga UHB Boys ang kaguwapuhan,” tukoy niya sa mga member ng UHB Leisure Club na pagmamay-ari ni Daizuke Niwa na matatagpuan din sa Pagbilao City. “Maryey,” tawag sa kanya ni Andrea makalipas ang ilan pang sandali, demo ng Ultima. Mga bed sheet cover, comforter at unan ang item nito sa Linen Department. Napatingin siya rito. “Ha?” Inginuso nito ang entrance at exit ng mga empleyado. Sa area iyon ng brand na Uratext at Salem. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang kasama ni Wayne Monterey, panganay na anak ito ni Mr. Takinaga. Dahil parang pamilyar sa kanya ang kasama nitong matangkad din na lalaki. “Si Sir Sergio ang kasama ni Sir Wayne,” impit nitong sabi na agad inayos ang sarili. “S-Sergio?” Biglang pumasok sa isip niya ang muntikan na niyang pagkakabangga. “S-Siya ‘yon,” anas niya. Hindi siya maaaring magkamali sa bagay na iyon. Gusto sana niyang umalis sa tabi ng hallway ngunit animo nanigas sa kinatatayuan ang mga paa niya. Nabitiwan pa niya ang basahang hawak nang mapatingin ito sa kanyang direksiyon. Damang-dama niya iyong pakiramdam na animo may dagang naghahabulan sa kanyang dibdib. “Good morning, Sir,” magiliw na bati ni Andrea sa mga ito. Si Wayne lang ang nag-respond dahil hindi inalis ni Sergio ang tingin sa kanya. Bahagya pang kumunot ang noo nito. Nang makahuma ay agad niyang dinampot ang basahan. Pagkuwan ay agad lumipat ng puwesto. Mabilis ang t***k ng puso niya at pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya. “H-Hindi maaari,” anas niya na napalunok pa. Pati lalamunan niya ay biglang nanuyo. “Ang lalaking iyon.” Napailing-iling siya. “No way. As in, no way!” mariin niyang sabi. Sinilip siya ni Andrea nang makalampas ang dalawang lalaki. “Ang guwapo, ‘di ba?” Napakurap siya pagkuwan ay tiningnan si Andrea. “Ah, o-oo.” Pinilit pa niyang ngumiti. Kahit na ang totoo ay shock pa rin siya sa muli nilang pagkikita. Napalunok siya. Ito rin ang lalaking nakita niya noon sa bar na pinuntahan nila ng kaibigang si Irene. Sa kakaisip dito kaya naalala niya ang mukhang iyon. At hindi niya lubos maisip na sobrang liit ng mundo dahil ito pa ang pansamantalang Acting Manager ng Department Store. Grabe namang makapagbiro ang tadhana. Dahil sa nangyari kaya naman hindi makapag-trabaho ng maayos si Maryey dahil sa natuklasan. Natatandaan kaya siya nito? Posible iyon dahil ganoon na lang kung titigan siya nito kanina. Tinitigan siya nito na animo kinikilala. How she wished na hindi na nga lamang siya nito maalala. “Nakita mo na?” nakangiti pang tanong ni Ma’am Lani nang lapitan siya nito. Pinapirma siya nito para sa susuwelduhin niya. Napilitan siyang tumango at ngumiti. “Opo, artistahin. Parang madamot lang sa ngiti.” Totoo naman iyon. Napabuntong-hininga siya ng umalis si Ma’am Lani at pumunta sa Glassware Department. Wala masyadong customer ng umagang iyon kaya tamang nakatayo lang siya sa tabi ng isa sa mga naka-floor display na mga box ng rice cooker. Tulala na naman siya sa kawalan. “Maraming puwedeng gawin sa area mo.” Napakurap siya nang marinig ang boses na iyon. Agad ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso ng makita ang guwapong mukha ni Sergio. “S-Sir…” “Don’t waste your time, doing nothing.” Napalunok siya at bahagyang napayuko. “Y-Yes, Sir.” Ang daming puwedeng sitahin ngunit siya pa talaga ang nakita nito. Buwisit! Napaiktad siya ng hawakan nito ang ID niya at suriin. “Maryey Natividad,” sambit nito sa buo niyang pangalan. Binitiwan na nito iyon at muli siyang tiningnan. “Maalikabok ang,” tumingin ito sa rice cooker. “Takip ng rice cooker. Punasan mo.” Iyon lang at hinayon na nito ang escalator. Maang tuloy na hinabol niya ito ng tingin. “Bakla, ano’ng sinabi ni Sir? Kita ko ‘yon, kinausap ka niya.” Napatingin siya kay Mylene na animo nagpipigil na mapatili. “Wala naman. Maalikabok daw ang rice cooker mo kaya punasan mo.” Tiningnan nga nito iyon. “Oo nga,” anito na tumawa pa. “Teka at pupunasan ko. Naturingang nasa loob na nga ng Mall, nagkakaroon pa rin ng alikabok,” palatak pa nito. Sa nangyaring iyon ay ramdam niya ang lalong pagsisikip ng mundong ginagalawan niya sa Department Store lalo na kapag dumaraan si Sergio Delavin sa area na kinaroroonan niya. Lagi ring seryoso ang hitsura nito na bagay lang sa guwapo nitong mukha. Pero sigurado siya na mas guwapo pa ito kung ngingiti ito. Small world nga dahil sa dinamirami ng lugar sa Pagbilao City ay doon pa sila muling magkikita. And worst, araw-araw niya itong makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD