Chapter 05

851 Words
PINAKAMALAS na nga yatang maituturing na parte ng maghapon ni Maryey ay ang umaga. Abala siya sa pag-re-replenish ng item niya nang mapansin si Sergio Delavin na patingin-tingin ng item sa electrical kung saan siya naka-assign. “Yes, Sir?” aniya sa pormal na tono kahit na ang totoo ay pinanlalambutan siya ng mga tuhod. Nakaka-intimidate ang presensiya nito. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya. Patuloy ito sa pagsuri sa isang bladeless fan na bagong labas sa merkado. Lihim siyang nagngitngit dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya. Tinalikuran na muna niya ito at balak sanang ituloy ang naudlot na ginagawa. “Hindi magandang asal sa isang guest o customer ang ginawa mong basta na lang pagtalikod at pag-alis.” Naiikot niya ang mga mata bago ito muling hinarap. Nginitian niya ito. “Hindi naman po kayo customer.” Huli na upang bawiin ang nasabi na niya rito. Lihim na nakagat niya ang ibabang labi kapagkuwan. Baka i-report siya nito kay Ma’am Lani. Lagot. Me and my big mouth, aniya sa isip. “What if?” bale-walang tanong nito na mukha namang hindi nagalit sa sinabi niya. Lihim na nakahinga nang maluwag si Maryey. Pero kung si Sir Carlos ito ay hinding-hindi niya maibubulalas ang nasabi kanina. Pahamak talaga na bibig at hindi nakapagpigil sa sinabi. “I-I know my responsibility, Sir.” Napatingin siya sa DM niya na natatanaw niya sa tabi ng counter. Pati mga checker at cashier ay nakatingin sa kanila. Sa pamamagitan ng tingin ay humihingi siya ng saklolo sa manager niya. Ngunit nginitian lang siya ni Ma’am Lani at tinanguan. Kung maaari lang mag-walk-out sa harap ni Sergio ay ginawa na niya. Napabuntong-hininga siya. “Know what? I was kinda surprised to see you here. Hindi kasi bagay na nagtatrabaho ka rito.” Napatingin siyang muli kay Sergio na malapit lang halos sa kanya. Tama nga siya ng hinala na tanda siya nito. Hindi siya nagpahalatamg apektado sa presensiya nito kahit na ang totoo ay nanlalambot na ang tuhod niya. Nagpatuloy si Sergio. “Sa isang tulad mo na may pagka-careless. By the way no hurt feelings, I’m just stating the fact.” Napamaang siya sa sinabi nito. “I—” napalunok siya. “Sir Delavin, nakuha ko na po itong pinapakuha ninyo,” magiliw na sabi ng assistant nito dahilan upang mawala sa kanya ang atensiyon nito. Pagkuwan ay iniabot ang isang puting folder. “Thank you, Miss Perl.” Nagbaba siya ng tingin. Hindi pa nito deretsong sinabi na, ‘Ang tanga-tanga mo para dito ka magtrabaho’. Kung tutuusin ay hindi naman niya sinasadya ang nangyari noon na pagtawid na lang bigla. “Sir, hinihintay po kayo ni Ma’am JVC sa back office,” inporma pa nito. Isang sulyap pa sa kanya bago nito tinanguan ang kausap. “Okay, let’s go.” Saka lang siya nakahinga ng maluwag noong mawala ito sa paningin niya. “Bakit ba palagi na lang akong nahuhuli sa eksena? Ang cute talaga ni Sir,” ani Mylene na abot na naman sa mga mata ang ngiti. “Lagi ka kasing nagkukulong sa stock room mo.” “Nag-inventory ako. Gagawa pa ako ng report ko tungkol sa sales ng Kyowa. Hay, sakit sa ulo. Dito na lang muna ako sa selling area para matanggal ang sakit ng ulo ko. Mas maganda ang tanawin dito.” Tumawa pa ito. “Okay. Magre-replenish lang ako. Dito ka muna.” Siya naman ang pumasok sa stock room at pilit iwinaksi ang nangyaring eksena kanina.   “ATE NATI, hindi ka ba pupunta sa Monterey Mall mamaya?” Ibinaba nito ang kamay na may hawak na kubyertos at mataman siyang tiningnan. “Puwede ba, Maryey? Ako pa ang tinanong mo. May meeting kami mamayang hapon nina Papa. At mas importante ‘yon.” Napatingin siya sa Papa at Mama niya na patuloy pa rin sa tahimik na pagkain ng almusal. “Naroon mamaya si Kuya Alfie para sa endorsement niya.” Walang tumugon. “Ikaw, ‘Ma? Wala naman po kayong lakad. Gusto niyo naman pong makita si Kuya Alfie, ‘di ba?” “Maryey, nag-iisip ka ba?” saway na naman ni Nati sa kanya. “Hindi nga niya magawang dumalaw dito sa bahay para personal tayong kumustahin. Baka nga nakalimutan na niya tayo sa sobrang busy niya sa trabaho.” Hindi niya maiwasang magdamdam sa isiping iyon. Sabi naman ng Kuya Alfie niya na mahal na mahal sila nito. Gusto lang nitong tuparin ang pangarap nito kaya bumukod ito sa kanila. Tutol kasi ang ama nila sa tinahak nitong daan. Isinubo niya ang hot dog upang matahimik ang bibig niya. “Don’t worry, hija, pupuntahan ko ang Kuya mo mamaya.” “’Ma!” apila ni Nati. Napatingin siya sa kanyang ina. “Talaga po?” “Mama naman, baka hindi kayo pansinin ni Kuya Alfie. Alam niyo namang famous na ang isang iyon,” matabang nitong sabi. Kinontra niya ang sinabing iyon ng kanyang kapatid. “Imposible ang sinasabi mo, Ate Nati. Nanay niya si Mama Bheng kaya imposibleng hindi siya pansinin ni Kuya. Mama,” baling niyang muli sa ina. “Picture-an mo po si Kuya, ha?” Nakangiting tumango ito. Nami-miss na rin niya ang kapatid. Ayaw naman siyang papuntahin ng kanyang ama sa Maynila upang puntahan ang kanyang kapatid. Matuto raw umuwi ang Kuya niya. “Manang Delia,” tawag ni Bheng sa kawaksi nila. “Po?” “Pakilinis ng silid ni Alfie.” “Ah, sige po,” excited pa nitong sabi. “As if naman ay matutulog ‘yon dito,” bulong pa ni Nati. “Ang kontrabida mo talaga, Ate Nati.” “Kumain na lang kayo,” sita ng papa nila kaya nagpatuloy na siyang muli sa pagkain habang may ngiti sa mga labi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD