NASAPO ni Sergio ang noo. “Nakaalis na si Maryey…” Animo batingaw iyon na paulit-ulit sa isipan ng binata. “Problema niyan?” pansin sa kanya ni Daizuke nang lumapit ito sa kanila ni Wayne sa may bar counter ng Night Out Bar. “Pinuntahan si Maryey sa bahay nila. Pero huli na, nakaalis na raw,” sagot ni Wayne. “Bakit hindi sundan?” “Isang oras na raw nakakaalis papunta sa airport.” Napailing-iling si Daizuke. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng coat nito at may tinawagan. “Pakihanda ng private jet. Yeah. Sa NAIA. Ngayon na. Yes.” Matapos ang tawag na iyon ay tinapik siya ni Daizuke sa balikat. “Tumayo ka na riyan. Wayne,” baling ni Daizuke sa pinsan ni Sergio. “Sumunod na kayo sa may hangar.” Iyon lang at nagpatiuna ng umalis si Daizuke. Hindi napigilan ni Sergio na sundan ng tingi