“SIMULA nang mag-end of contract ka sa trabaho mo ay parati ka na lang narito sa bahay. Ayaw mo bang gumala-gala sa labas?” “Kapag nasa mood na po ako ay lalabas din po ako,” sagot ni Maryey sa kanyang ina. “Pumunta ka sa kumpanya ng ama mo ng hindi ka mainip dito sa loob ng bahay.” Napaisip siya pagkuwan ay marahang tumango. “Sige po.” Tumayo na siya mula sa pagkakasalampak ng upo sa gilid ng swimming pool at sumunod dito sa loob ng bahay. Naligo agad siya at gumayak. Nagpahatid lang din siya sa driver nila dahil hindi siya marunong mag-drive ng sasakyan. Lalo na at ayaw siyang pahawakin ng kanyang ama ng manibela. Natatakot itong baka maaksidente siya. Kinahapunan habang nakikipag-chika-han si Maryey kay Weng sa may front desk ng Natividad Company ay napa-second look pa siya sa tat