“HINDI KA na ba talaga mapipigilan?” Nakangiting tanong kay Sergio ng pinsan niyang si Wayne. “Hind na.” Nang maisara ang travelling bag ay dinala na niya iyon sa may living room ng tinutuluyan niyang Hotel. “Okay. By the way, salamat uli ng marami sa pagpayag na i-manage ang Department Store. Maraming makaka-miss sa iyo for sure.” Ngumisi pa ito. “Nakakatuwa dahil sa loob ng dalawang buwan ay wala akong nabalitaan na shoplifting.” “Dahil magaling akong magpasunod ng tao.” “Eh, ‘di ikaw na. So kailan ka uli maliligaw rito sa Pagbilao?” Pagkaupo niya sa sofa ay saka siya sumagot. “Hindi ko pa alam kung kailan na uli. Hindi na rin ako a-attend ng anniversary ng kumpanya dahil paniguradong kukulitin na naman ako ni Daddy.” “Alam mo kasi Sergio matanda na rin si Uncle Eugine. Bakit hindi