SUMILAY na naman ang matamis na ngiti ni Maryey sa labi nang muling matitigan ang diamond ring sa kanyang ring finger. Iyong pakiramdam na para pa rin siyang nasa cloud nine matapos ang nangyaring marriage proposal sa kanya kagabi ni Sergio Delavin. Soon, magiging Mrs. Delavin na rin siya. Sino ba ang mag-aakala na sa murang edad niyang iyon ay ma-e-engage na agad siya? Ni hindi niya naisip ang bagay na iyon noon. Naiiling pa si Nati nang makita siyang pinagmamasdan ang kanyang singsing habang nakahiga sa mahabang sofa. “Baka naman matunaw ‘yan, Maryey?” Ibinaba niya ang kamay at binalingan ang kanyang kapatid na naupo sa may bandang paanan niya. Siguradong kitang-kita pa rin ni Nati ang pag-spark ng kanyang mga mata. “Ate,” para pa ring timang na sabi niya. “I’m engage!” Ekseheradang