PAGKABAYAD ni Maryey sa biniling cellphone ay ipinasya na rin niyang umuwi. Noong huling punta niya sa Monterey Mall ay hindi niya nagawang bumili ng bagong cellphone dahil kay Sergio. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang binata. Wala siyang anumang contact dito. Kaya naman halos tatlong araw na rin ng huli niya itong makita at makausap. At nami-miss na niya ito. Habang naglalakad sa second floor ng Mall ay nakasalubong pa niya si Wayne Monterey, ang pinsan ni Sergio at anak ng may-ari ng Monterey Mall. Animo naging anghel ito sa paningin niya. Kahit na may kasama itong mga security guard ay walang hiya-hiyang nilapitan niya ito. "Excuse me," aniya rito. Nakahinga siya ng maluwag ng pansinin siya nito. Kumunot ang noo nito. "Bakit?" "Ah," paano ba niya sasabihin dito na hihingi s