A PLACE like this… Huminga nang malalim si Maryey at pinuno ang kanyang baga ng sariwa at malamig na hangin. Nakapikit pa siya at bahagyang nakatingala habang dinadama ang paglapat ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Dinukot ni Sergio sa bulsa ng pants nito ang cellphone nito at kinuhanan siya ng litrato na lingid sa kaalaman niya. Napangiti pa ito nang makontento sa isang larawan niya. Ginawa agad nito iyong home screen ng cellphone nito. Nang magmulat si Maryey ng mga mata ay napangiti pa siya. Umulan kagabi kaya naman malamig ang klema nang umagang iyon. Nakaka-relax din sa pakiramdam iyong huni ng mga ibon sa puno. Binalingan niya si Sergio na kababalik lang ng cellphone sa suot nitong pantalon. “Ang sarap sa lugar na ito, tapos may bahay ka na nakatayo rito.” Napangiti siyang l