Chapter 35

1315 Words

HINAYAAN lang ni Maryey na yakapin siya ni Sergio nang mahiga ito sa tabi niya. Inayos pa nito ang pagkakakumot sa kanilang kahubdan ng comforter. “Tired?” he asked. Tumango siya. Ipinikit niya ang mga mata at isiniksik ang sarili rito. Kahit isa, wala siyang nakakapang pagsisisi sa pagpapaubaya sa nobyo. Hindi niya alam kung bakit pero napakasaya ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Napangiti si Maryey nang may maalala. “Sinuway mo si papa.” Gumuhit din ang ngiti sa labi ni Sergio. “Hindi naman niya malalaman. Puwera na lang kung magsusumbong ka. Anyways, I don’t mind. Kahit sabihin mo pa ngayon.” Bahagya niya itong tiningala para makita ang guwapo nitong mukha. “Handa kang masuntok sa mukha?” “Kahit tatlong ulit pa.” Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Talaga lang, ha?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD