Chapter 14

1118 Words

KUNG nagulat ang mga nakarinig ay mas higit si Maryey. Ano ba’ng pinagsasabi ni Sergio? Napatingin siya sa table kung saan ukupado ng pamilya niya. Ang Papa Rico niya ay napainom ng wine sa glass wine nito. Ibinalik niya ang tingin kay Sergio. "Bakit sinabi mo 'yon?" At ang heroids ginamit pa talaga ang mic sa pagsagot sa tanong niya. "Syempre dahil gusto kong malaman ng lahat ang status ko. And I'm proud to be your boyfriend, Maryey." Napamaang siya. Gusto niyang itama ang lahat ng kasinungalingang sinabi nito. Ngunit nakaramdam siya ng panghihina. Ngayon tumino sa isip niya kung bakit gumagawa ito ng ganoon kalaking eksena sa buhay niya. Gumaganti ito sa ginawa niyang eksena way back in Ortigas kung saan ito napahiya sa harap ng marami. Pero bakit ngayon pa nito napili? At sa lugar pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD