"KANINA ka pang tahimik. Ayaw mo ba ng pagkain dito? Sabihin mo lang." Pinagmasdan ni Maryey ang baklang kaibigan na kauuwi lang ng bansa galing Thailand. Kaibigan nila ito ni Irene, hindi lang nakasama ang bruha niyang kaibigan sa lunch treat ni Nikko dahil out of town ito ng araw na iyon. Isa ito sa mga baklang hindi ladlad sa kapilantikan. Guwapo ito kung tutuusin. Napabuntong-hininga siya at nakangiting umiling. "Okay na rito. May naalala lang ako, Nikko." Tinusok niya ng tinidor ang hiniwang karne at isinubo. "Sino naman 'yan. Hmmm?" "Someone you don't know," sagot niya na nakatuon ang tingin sa pagkain. Sumulyap itong muli sa bandang likuran niya pagkuwan ay bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. "Anyways, may kanina pang masama ang tingin dito sa table natin. Particularly sa ak