Chapter 30

1099 Words

SINIMANGUTAN ni Maryey si Sergio nang pagtawanan siya nito dahil nanginginig na siya sa sobrang lamig. Napakalamig ng tubig sa Mishi River. Nakasuot na siya ng roba at may balabal pa na tuwalya ngunit nanginginig pa rin siya. “Bakit kasi sobrang lamig ng tubig diyan?” reklamo pa rin niya na muling tinawanan ni Sergio. “Fresh from Mt. Banahaw,” anito na tumabi ng upo sa kanya. Inakbayan siya nito pagkuwan ay niyakap para daw mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. “What do you want?” Umiling siya. “Maligo ka na.” “You’re shivering, hon. Gusto mo na bang umuwi?” “I’m fine. Mamaya wala na ‘to.” Pero hindi umalis sa tabi niya si Sergio. Yakap pa rin siya nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Maganda sa lugar na iyon. Hindi lang talaga niya kinaya ang malamig na tubig sa Mishi Rive

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD