CHAPTER EIGHTEEN

1559 Words
Mabuti nalang at humupa agad ang sakit ng ulo ni Alexa kaya tuloy-tuloy na Sila sa church kung Saan gaganapin ang kasal ni Sheena. Nauna na rin pala sa church ang mga magulang nina Sheena at pati na rin ang mga magulang nina Alexa at Arriana ay naroon na din at ang lahat na mga invited na bisita sa wedding ng kaibigan. At siyempre, naroon din ang kanyang Kapatid na si Arriana at ang asawa nitong si Kharvin na kuya naman ng kaibigan. Minabuti niyang huwag mapagawi ang tingin niya sa kinaroroonan kung saan nakaupo sina Kharvin at ang kanyang Kapatid na si Arriana. Ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata nito. Hindi parin maalis- alis sa kanyang isipan na siya'y hinalikan nito at Isang gabi ay napanaginipan pa niya ito na nakipag s*x daw Siya sa Asawa ng kanyang Kapatid ! Isang masama at pagtataksil na panaginip iyon sa kanyang kapatid. Akalain mo ay malinaw na malinaw Ang kanyang napanaginipan na siya'y inangkin daw ni Kharvin sa kanyang panaginip! Nanindig pa ang kanyang mga balahibo nang siya'y nagising dahil don. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit naramdaman niyang parang totoo ang lahat? Na para bang naranasan na talaga niyang maangkin ni Kharvin? Napa krus pa Siya sa sarili nang maisip iyon. Feeling niya tuloy ay napakasama na niya dahil sa dami ng lalaki ay ang asawa pa talaga ng Kapatid niya ang kusang sumisingit ng ganoon sa kanyang isipan! Sigurado siya sa Oras na iyon na pagtitingin siya sa kinaroroonan nito ay nakatingin rin ito sa kanya kaya naging maingat na lang Siya upang di mapatingin sa kinalalagyan ng mga ito at ng kanyang kapatid na si Arriana. Hindi naman alam ni Alexa na ang kanyang escort bilang best man ay ang dati din nilang kaibigan noong high school pa sila ni Sheena, si Ernesto. Paglipas ng mga taon ay naging isang Successful din ito sa kursong Criminology. At infairness ay gumwapo din ang kaibigan nilang ito. Napansin pa niyang matamis na mga ngiti Ang iginawad sa kanya ng best man, iyon pala'y kaibigan nila pala ito na di niya din nakikilala. Alam naman ng kaibigan nilang ito ang kondisyon ni Alexa dahil sinabi rito ni Sheena na siya'y may Amnesia pa. Marami namang lihim na humanga sa ganda ni Alexa habang siya'y nakasuot ng magandang gown bilang Maid of honor ni Sheena. Mabilis namang lumipas ang mga Oras at natapos din Ang seremonyas ng kasal kaya lumapit siya kay Sheena at saglit itong hinalikan sabay bumati rito ng Congratulations at sa bagong asawa nitong si Carl. At dahil sa dami na ang lumapit sa bagong mag-asawa ay tumabi na Siya at nagulat nalang Siya nang bigla siyang lapitan ng kanyang escort na best man. " Kumusta ka na Alexa?" Nakangiting bati nito sa kanya. Napatingin naman siya rito, Hindi niya akalaing Kilala pala Siya nito at ginantihan ito ng matamis na ngiti. " Kilala mo pala ako?" Tanong pa niya rito. " Yes, kaibigan mo naman Ako dati noong high school, kayo ni Sheena. Ako si Ernesto, Hindi ka pa ba makaalala ?" Tanong pa nito. Bigla naman siyang nalungkot . Di niya talaga alam na kaibigan niya Pala ito at di niya ito nakilala dahil sa kondisyon niya ngayon. " Pasensya kana, Hindi parin bumabalik ang memorya ko. Kaya pala panay ang ngiti mo sa akin.. Kilala mo pala ako." Sabi pa niya rito. Napasarap Naman ang usapan nila ng nagngangalang Ernesto daw na kaibigan nila ni Sheena. Natawa naman Siya sa pagka joker ni Ernesto at parang naaliw siyang kausap ito. Habang sila'y nag- uusap ay di naman niya sinasadyang mapatungin ang kanyang mga mata sa bandang kaliwa nila. At nasalubong niya ang nagdilim na anyo ni Kharvin na nakatingin sa kanila! Di naman niya maintindihan kung bakit malakas na kumabog agad ang kanyang dibdib sa mga matitiim na mga titig nito sa kanya at Kay Ernesto. Ngunit hinayaan niya ito . Ano naman kasi ang pakialam nito kung masaya siyang makikipag-usap Kay Ernesto? Bakit ba ganoon ang mga ipinakita sa kanya ni Kharvin? Ni hindi ito nahihiyang magpakita ng sign na nagkagusto ito sa kanya at ni Hindi ito natatakot na siya'y halikan nito. Ano ba ang ibig sabihin ng mga masasamang tingin nito ngayon sa kanila ni Ernesto? Nagseselos ba ito? Kung totoo man ang hinala niya ay sobrang pangit na talaga kung iisipin! Ang samà naman na iisipin na asawa ng Kapatid mo ay nagseselos dahil may kausap kang lalaki. Kanina pa niya iniiwasang mapadako ang tingin niya kay Kharvin pero talagang hindi niya sinasadyang matapunan ito ng tingin. Hanggang sa bumalik na ang lahat sa pamamahay ng mga Torres mula sa church. At nakahanda na doon ang nag cater ng wedding ni Sheena. Pagdating nila ay nakahanda na rin ang mga masasarap na menu sa bawat nakalinyang mga table roon. Nasa bakuran ng malaking bahay ng mga Torres inarranged ang mga design ng wedding nina Sheena at napakaganda naman itong tingnan. Halatang nag- effort talaga ang gumawa non. Pagkatapos mag pray sa pagkain na hinanda ay Nagsimula agad na kumain ang lahat. Busyng- busy naman si Sheena dahil sa pag- entertain nito sa sa Side ng pamilya ng Asawa nitong si Carl. Nakita naman ni Alexa na nakipag- usap ang kanilang mga magulang sa mga magulang nina Kharvin at Sheena sa inookopang table ng mga ito . Samantalang ang kanyang kapatid na si Arriana naman ay nasa gitna ang table na inookopa nito at ng asawang si Kharvin. Ewan ba niya, pero nagtataka din siya kung bakit parang malamig ang pakikitungo sa kanya ng kanyang Kapatid na si Arriana. Nahalata niya iyon mula pa noong galing pa Siya nakalabas sa hospital. Para bang naramdaman niyang di Siya gusto nito at hilaw ang nakikita niyang reaksyon sa pakikipag- usap nito sa kanya.. Or baka sadyang negative lang talaga ang isipan niya tungkol sa kanyang bunsong kapatid? Bigla naman siyang nilapitan Nina Ernesto at ni Sheena sa table kung saan siya nag- iisang umupo. " Alexa besh, kayo muna magkuwentohan ni Ernesto, dahil may Marami pa akong asikasuhin..babalikan ko kayo mamaya." Sabi pa ni Sheena sa kanya. Malawak naman siyang napangiti nang masalubong din Ang mga ngisi ni Ernesto. " Okay! no problem besh! huwag mo kaming alalahanin.." Sabi pa niya kay Sheena. Nagpaalam Naman agad ito sa kanila ni Ernesto. At nang Sila nalang ang naiiwan nito ay maingay na muli agad silang nagkukuwentuhan nito habang sila'y kumakain. Agad niya Kasing napalagayan ng loob ito kaya kahit di niya ito maalala ay naging komportable agad Siya Kay Ernesto bilang kaibigan niya. Sa mesa namang kinauupuan nina Kharvin at Arriana ay napansin ni Arriana na Simpleng sinuliyapan ng Asawa ang kanyang ate Alexa at Ang lalaking kausap nito. " Bakit mo ba Sila tinitingnan?" Di napigilang tanong ni Arriana sa asawa. Nalipat naman ang tingin ni Kharvin sa Asawang si Arriana . " Arriana naman , lahat yata ng kilos ko ay binabantayan mo." Mahina ngunit mariing sagot ni Kharvin. " Kanina pa kita napapansin sa church Kharvin, At nakikita kong parang galit ka na nakatingin kina ate at sa best man na escort niya.. Nagseselos ka ba?" Tanong ni Arriana. Mas lalong uminit naman ang ulo ni Kharvin sa Tanong na iyon sa kanya ni Arriana. "Arriana, will you shut your mouth? baka may makarinig pa Sa'yo." Galit na saway ni Kharvin. "Bakit? Wala ba akong karapatang magalit? sa mga ipinakita mo ay nagpapahalata ka lang na may gusto ka parin sa ate ko." Gigil na tugon ni Arriana. " What? why Arriana? Akala mo ba na ganoon nalang kadaling kakalimutan ko ang ate mo? " Sagot na rin ni Kharvin dahil sa init na rin ng ulo niya. Biglang napatayo si Arriana. " Sa ngayon , iintindihin na muna kita pero once na malaman kong gumawa ka ng hindi maganda ay makikita mo Kharvin kung anong gagawin ko." Mahinang tugon ni Arriana. At napatayo ito at umalis sa kanilang inuupuan. Pumasok si Arriana sa loob ng pamamahay ng mga Torres at iniwan si Kharvin sa mesa. Nagtaka naman ang mga bisitang katabi lang din Ang mesa sa mesa ng mga ito. Ngunit parang hindi tinablan si Kharvin sa pag walk out ng Asawang si Arriana. At di niya napigilang muling mapatingin kina Alexa at sa best man na escort nito kanina sa church. Napopoot talaga Ang dibdib niya na makitang Masayang nakipagkuwentuhan si Alexa sa Isang best man na binatang si Ernesto na Kilala naman niya. Wala Namang kamalay-malay sina Alexa at Ernesto na sa kanila lang ngayon nakatingin si Kharvin. Di naman sinasadyang napatawa Siya dahil ipinaalala sa kanya dati ni Ernesto Ang kanilang mga kalokohan noong high school pa sila nito. Tawa ng tawa na rin Ang binata. Napatayo si Kharvin at di napigilang nilapitan sina Alexa at Ernesto. Sa Dami ng mga bisita ay di Naman napapansin Ng mga magulang si Kharvin ang paglapit nito kina Alexa . " May I join here? Mukha kasing masaya dito." Biglang wika ni Kharvin sa kanila na bigla nalang lumapit. Kapwa naman natigilan sina Alexa at Ernesto sa presensya ni Kharvin. Hindi Naman inosente si Ernesto tungkol kina Alexa at Kharvin dati. Kaya naisip ni Ernesto na baka nagseselos ito sa kanya. " Oh! Kharvin. Sure, join ka dito." Tugon naman ni Ernesto nang makabawi sa pagkabigla at muling napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD