CHAPTER SEVENTEEN

1534 Words
" Ha? bakit nasaan pala Sila, may dala pa naman akong masarap na dessert sa Kapatid ko at sa pamangkin ko. Sayang at Wala pala Sila." Wika ni Alexa at parang naasiwa sa mga titig sa kanya ni Kharvin. At kinabahan Siya. Sa totoo lang ay matagal na niyang napansin na parang may kakaiba Ang mga titig nito sa kanya. Lalo na sa mga kilos nitong ipinakita sa kanya. Pero hindi na niya binigyan ng malalim na kahulogan iyon dahil pangit iisipin na asawa ng Kapatid niya ay pag- iisipan niya ng masama. Baka Kasi ay ganoon lang talaga ang paraan ng pagtitig nito sa kahit sino. Kung alam lang niya na wala pala sina Arriana roon at Ang pamangkin ay never talaga siyang sisipot roon. " Bakit hindi mo alam na nasa Bahay niyo ang Kapatid mo at si baby avy? Dumalaw Sila roon kasama ang Yaya ng Bata." Anang malaki at malamig na boses ni Kharvin. May bitbit itong tasa ng kape at inilapag muna nito iyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. " Ahh okay! S- Sige, hindi na ako magtatagal Kharvin. Nag shopping kasi kami ng sister mo kaya di ko alam na nasa Bahay Pala sina Arriana at ang anak niyo. Sige aalis na ako." Aniyang nagmamadaling lumapit sa pinto upang buksan agad iyon muli at lalabas na. Di niya maiintintdihan ang kabang naramdaman ng mga sandaling iyon lalo at Sila lang dalawa nito. Para siyang napapaso sa loob Ng Condong iyon na sila lang dalawa ng asawa ng kanyang Kapatid. At para bang pamilyar na pamilyar na sa kanya ang alindog nito habang nakatayo at nakatitig sa kanya. Matagal na niyang napansin na parang sobrang pamilyar sa kanya pati na ang amoy nito ngunit naisip ni Alexa na natural lang talaga na pamilyar ito sa kanya dahil baka noon pa niya ito laging nakasalamuha nang magnobyo pa ito at ang Kapatid niya. Nang buksan na sana niya ang pinto ay laking pagkagulat niya nang sabay ding napahawak si Kharvin sa seradura ng pinto at siya'y pinipigilan. " Teka lang Alexa." Sambit nito. Nanlaki Ang kanyang mga mata nang tiningnan ito. Nagtama Naman ang kanilang mga mata at ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang nagkatitigan Sila nito! Nag- iwas Siya agad ng tingin at napatuon ang kanyang mga mata sa kanyang kamay na nahawakan nito sa may seradura dahil pinipigilan nito iyon upang di siya tuloyang makabukas Ng pinto. " B- bakit? " Parang nanginig na tanong niya. Iba talaga ang kutob niya rito. Para bang pakiramdam niya ay may gusto ito sa kanya. " I'm sorry.. Alexa but I miss you .." Mahinang wika nito sa kanya sabay hawak sa kanyang pisngi. Nag- init Ang kanyang buong mukha sa sinabi nito at galit na tinabig niya ang kamay nitong napahawak sa kanyang mukha. Ngunit mas nagulat Siya sa kasunod na ginawa nito sa kanya bigla siyang mahigpit na niyakap nito sabay mariin siyang hinalikan sa labi! Gulat na gulat siya sa ginawa nito. Inubos niya Ang buong lakas upang makawala sa mga braso nitong nakayapos sa kanya ngunit parang ginamitan din talaga siya ng lakas nito at patuloy na siniil ng mga halik! " Oh sh*t! I really miss you!" Narinig pa niyang sambit nito. Galit na galit siyang nagpupumiglas upang makawala mula rito At nang magkaroon siya ng pagkakataon at nakawala ang kanyang Isang kamay ay malakas niya itong sinampal sa Mukha! Para Naman itong natauhan sa ginagawa nito at binitawan Siya nito. " Alexa, i'm sorry, Hindi ko lang napigilan ang sarili ko..Kung lam mo lang .." Hinging paumanhin at Sabi nito sa kanya. Ngunit di niya matanggap ang karahasang ginawa nito ngayon sa kanya. Kaya muli niyang sinigundahan ng malakas na isa pang sampal ito. " Oh Sige, sampalin mo pa ako hangga't gusto mo, hindi mo lang Kasi ako naiintindihan, pero darating Ang araw na maiintindihan mo Ako . kung bakit nagkaganito ako." Mahinang wika ni Kharvin. " Napaka salbahi mo! huwag na huwag mo nang uulitin ang ginawa mo! At mula ngayon, ayokong lalapit ka pa sa akin! Taksil ka sa asawa mo, sa kapatid ko!" Gigil na wika rito ni Alexa. Ngunit kinontrol naman niya Ang kanyang boses, dahil ayaw niyang magmukhang eskandalo Sila ng mga Oras na iyon at may makarinig sa kanila. " Maiintindihan mo rin ako Alexa, at sana darating na ang araw na iyon .." Sabi pa ni Kharvin. Mas Lalo pang namula Ang Mukha Niya sa kung anong mga pinagsasabi nito ngayon sa kanya. " You're crazy!" Galit niyang singhal rito at nagmamadaling lumabas ng Condong iyon. Naiwang napahilamos si Kharvin sa kanyang mga Kamay sa mukha. Napakahirap ng lahat. kahit anong pilit niyang kalimutan at iwaglit si Alexa sa kanyang puso at isipan pero habang tumatagal ay mas lalong napamahal ito sa kanya na di naman niya sinasadya. Alam niyang masama na ngayon ang tingin nito sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Kung makaalala na sana ito ay maiintindihan na Siya nito. Pero pagdating ng Araw na iyon ay alam niyang kamumuhian Siya nito at si Arriana. Nasa kanyang kotse na si Alexa at pinasibad niya agad iyon. Nanatiling nanginginig pa rin Siya dahil sa ginawa sa kanya ni Kharvin. Hindi talaga pala Siya nagkamali sa kanyang hinala na parang may kakaiba itong kilos na ipinakita sa kanya. At ngayon ay talagang ginagawa na talaga nito sa kanya ang pambabastos. Mariin siyang hinalikan nito sa labi! at jusko, damang- dam pa niya sa kanyang mga labi ang mga Mariing halik nito. Hindi niya nagustohan ang ginawa nitong karahasan sa kanya. Anong kala nito sa kanya? na siya'y papatol agad ng ganoon kadali sa Asawa Ng kanyang kapatid? Mas mabuti nang hindi nalang niya sa sabihin Kay Arriana ang masamang ginawa nito sa kanya baka kung iyon pa ang dahilan Ng pag- aaway ng mga ito. Iiwasan na lamang niya si Kharvin. Parang nainis naman Siya sa sarili dahil galit nga siya sa karahasan nito ngunit bakit gustong- gusto naman niya ang mga halik nito? Parang pamilyar sa kanya ang pagdikit ng labi nito sa kanyang mga labi. Para bang dati na niya itong nalasahan.. Hindi niya talaga maiintindihan ang kanyang naramdaman dahil sa pinaranas na mga halik nito sa kanya! may tila bumubuhay sa kanyang pagkatao dahil sa ginawa nito. Finocus muna niya ang pagda-drive. Kailangang maging maingat Siya upang di na maulit ang nangyari sa kanya. ****** Lumipas ang dalawang linggo. Nakatanggap nalang isang Araw si Alexa at ang kanyang mga magulang ng Isang invitation card para sa Wedding party ni Sheena. Siya pa naman ang maid of honor ng kasal nito. Sa isang araw na ang kasal kaya naghanda na rin siya para sa nasabing wedding party. Gustong- gusto pa naman ng pamilya ni Sheena sa kanya. Napansin niyang malapit ang loob ng mga ito sa kanya. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi close sa mga ito ang kapatid niyang si Arriana na asawa naman ito ni Kharvin. **** Pagdating nga ng araw ng kasal ni Sheena ay maaga pa siyang nagpunta sa pamamahay ng mga Torres. Kasabay niya ang mga bridesmaid na mini- make-upan roon at maging si Sheena ay nakabihis na rin ito at pinagandahan ng make- up artist na request ng mga ito. Ganoon rin Siya at ang mga bridesmaid ay isa- isang may nag-aayos sa kanilang mga make-up artist. " Wow, you look more beautiful besh Alexa!" Puri pa ni Sheena sa kanyang kaibigan nang kapwa matapos na silang mag- ayos at ilang minuto nalang ay pupunta na Sila sa simbahan. "Pareho lang naman tayong magaganda dahil mag best friend tayo." Nakangiting tugon ni Alexa sa kaibigan. Ngunit biglang kumirot Ang kanyang ulo kaya nawaglit ang kanyang ngiti at napahawak sa kanyang ulo. Biglang may Isang eksenang kumislap sa kanyang isipan! Biglang nagflash Ang Isang pangyayari sa kanyang isip na nakasuot Siya ng gown! at kasunod ay pumasok Siya sa Isang bridal car upang sila'y aalis na. Napansin Naman siya Ng kaibigang si Sheena nang napahawak Siya sa kanyang ulo. " Besh? bakit? Anong nangyari sa'yo?* Kinabahang tanong ni Sheena at nag- alala nang makitang napahawak ng mariin si Alexa sa kanyang ulo. " A- ang sakit! ba- bakit nakita kong ako Ang ikakasal Sheena? Biglang may pilit sumingitvsa aKing isipan na Ako Ang nakasuot ng wedding gown!" Ani Alexa. " Ano!?" Sambit ni Sheena. " Ang gamot ko, Sheena.. pakuha Ako ng tubig upang makainom ng gamot.. umaatake na naman ang sakit ng aking ulo! Di ko maipaliwanag ang sakit!" Aniyang mahigpit na napahawak sa kanyang ulo. " Oh my god. Teka, magpakuha muna ako ng tubig Alexa! sandali lang!" Nabahala namang wika ni Sheena at mabilis na tinawag at inutusan ang kanilang Isang maid. Pagbigay sa tubig Ng katulong ay uminom kaagad ng gamot si Alexa. mabuti nalang at may baon siyang gamot para sa kanyang ulo dahil may time talaga na aatake ang sakit ng kanyang ulo. Ang ipinagtataka lang niya kung bakit may Isang eksenang nagflash sa kanyang isipan na siya'y ikakasal din at kitang - kita niya sa kanyang isipan Ang pagsakay niya sa Isang bridal car! Ano ba Ang ibig Sabihin ng lahat? bakit iyon ang sumingit sa kanyang isipan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD