CHAPTER NINETEEN

1572 Words
Talagang hindi naman maintindihan ni Kharvin Ang sarili at nakadama siya ng selos na di niya mapipigilan. Alam Naman Kasi ni Ernesto Ang tungkol sa kanila ni Alexa kaya di naman napigilang uminit Ang kanyang ulo dahil parang dinisksartehan nito si Alexa! Nakisali nga si Kharvin sa table ng mga ito. Para namang Hindi komportable si Ernesto sa pag- join sa kanila ni Kharvin. At ganoon din si Alexa. At dahil kanina pa din nakatapos sa pagkain at kanina pa sana gustong umuwi si Ernesto ay napatayo nalang ito at nagpaalam. " Ahh. Mauna na ako Kharvin at Alexa.." Paalam ni Ernesto. "Oh bakit uuwi kana? Wala nang kasiyahan dito sa table niyo ni Alexa kung uuwi ka pareng Ernesto." Sarkastikong wika ni Kharvin. Nahimigan Naman ni Ernesto at Alexa ang mga Sarkastikong tono ng pananalita ni Kharvin. Nakadama ng inis at kaba si Alexa dahil sa paglapit ni Kharvin sa kanila. Hindi Naman nagustohan ni Alexa Ang pagpaalam ng kaibigang si Ernesto. " Teka, lang.. bakit ka ba uuwi na? Nakapagpaalam kana ba Kay Sheena?" Tanong Naman ni Alexa sa kaibigan nilang binata ni Sheena. " Ahh.. magpaalam muna ako Kay Sheena." Sagot Naman ni Ernesto. " Actually, Kanina pa din sana akong gustong umuwi kaya Sige Alexa, kita kits nalang tayo ulit." Paalam pa ni Ernesto sabay tayo. Tumayo din si Alexa. "Halika, samahan na kita Ernesto, lapitan mo Muna si Sheena at ihatid kita sa kotse mo." Sabi pa ni Alexa. At sinadya niya iyon dahil sa galit niya Kay Kharvin. Ipadama niya ritong walang valid reason ito kung bakit disturbuhin sila ni Ernesto sa masaya nilang kwentohan. Ipinahalata lang talaga nitong nagkagusto ito sa kanya. Mas lalong maging malamig Ang pakikitungo sa kanya Ng Kapatid na si Arriana pag malaman nitong parang nagkagusto Ang Asawa nito sa kanya! Para namang nag- alinlangan si Ernesto nang ihatid at samahan ito ni Alexa. Sumunod talaga Si Alexa rito papuntang garahe nang ito'y matapos makapagpaalam kay Sheena. " Bye Friend! " Kaway pa ni Alexa rito nang pinaandar na ni Ernesto ang dala nitong simpleng sasakyan. At bumalik na agad si Alexa sa Kabilang side ng bakuran ng Bahay ng mga Torres Kung saan naroon ang wedding party at napadaan naman Siya sa medyo madilim na area pero di Naman talaga totally na madilim doon. Laking gulat niya naman nang may Isang pigura Ng lalaki ang tila naghihintay sa kanya doon sa areang iyon! at kaagad niyang nakilala kung sino ito. Si Kharvin iyon, ang Asawa ng kanyang Kapatid! " K- Kharvin?" Malakas ang kabog ng dibdib na tanong niya rito. " Yes, it's me. Ano bang napapasok sa isipan mo? Babae ka Alexa, at inihatid mo pa si Ernesto? Wala kaba sa sarili mong pag- iisip?" Galit ang himig na tanong nito sa kanya. " Ni Hindi ka rin ba nag- iisip Kharvin? labas kana roon. Wala kang pakialam.. Hindi kita maiintindihan sa inasta mo." Inis na Sagot niya rito at mabilis ang kilos na iiwan na sana niya ito ngunit malakas siyang hinila nito at niyakap Ng mahigpit. " What the hell-" Aniyang naputol ang kanyang sinasabi nang mapangahas na muli siyang inangkin nito sa labi. Sa Galit niya ay muli siyang nanlaban rito ngunit Ano namang magagawa niya sa katulad nito? Walang kahirap-hirap na pinagsawa nito ang sarili na angkinin Ang kanyang mga labi Ng mga sandaling iyon. " Damn, don't do this to me Alexa. you make me jealous.." Mariing wika nito at muling sinakop ang kanyang mga labi. Para siyang nanghihina sa ginawa nitong iyon sa kanya. Gusto na sana siyang magparaya nalang ngunit di iyon pwedi, napakalaking eskandalo ito dahil Asawa ito Ng kanyang Kapatid, at sobrang pangit kung iisipin iyon! " Walang hiya ka, bitawan mo ako." Aniyang nagsisikap na makawala sa mga yakap at halik nito sa kanya. Sa narinig niya mula rito ay nagseselos Pala talaga ito! " Napakasama ng ginawa mo, Hindi tama ito!" Aniya rito na patuloy na tinutukak ito. Pero balewala Ang lahat na lakas niya upang makawala lang rito. " Ohh.. Sweet Alexa." Sambit pa nito. Natigilan Siya nang tinawag Siya nitong 'sweet Alexa!' At parang hindi bago iyon sa kanyang pandinig! At di inaasahan ni Alexa ang susunod na mga pangyayari. Biglang dumating si Arriana sa kanilang kinaroroonan at naabutan Sila sa ganoong ayos at ginagawang paghalik at pagyakap sa kanya ni Kharvin! " Mga hayop!!!" Malakas na sigaw ni Arriana. Gulat na gulat naman si Kharvin sa biglang pagsulpot roon ni Arriana at ganoon din si Alexa. " Arriana! Wala akong kasalanan! kasalanan to ng Asawa mo! " Namumutlang Paliwanag ni Alexa. Ngunit walang sabi- sabi'y hinablot ni Arriana Ang kanyang ate Alexa at sinabunutan nito si Alexa. " Ang landi mo ate!! Nilalandi mo Ang Asawa ko!! mga hayop kayo!!!" Galit na galit na pagsisigaw ni Arriana habang hinila Ng hinila Ang Mahabang buhok ng kanyang ate Alexa. " Arriana, tumigil ka! Tama na!! Walang kasalanan si Alexa! walang kasalanan Ang ate mo!" Malakas ding saway ni Kharvin sa Asawa. Ngunit Hindi nakinig si Arriana at tinalo nito ang lakas ni Alexa at malakas na itinulak Ang ate nito sa galit nito. Sumuray at humandusay naman si Alexa sa Sementadong lupang area na iyon malapit sa may garahe at nauntog ang kanyang ulo roon! " Aahhh!!" Sigaw ni Alexa at nawalan agad ito ng Malay. " Alexa!!" Sambit ni Kharvin na mabilis na tinulongan si Alexa. At Saka naman ang pagdating ng mga tao roon dahil sa narinig ng mga ito ang kagulohang nangyari. Nanlaki Naman Ang mga mata Ng mga magulang ni Arriana at Alexa sa Nakita at pati na Ang mga magulang ni Kharvin at Sheena. Si Sheena Naman ay nahuling dumating roon at namangha ito sa nakikita. " Jusko Alexa!!" Sigaw pa ni Mrs. ofelia nang makitang nawalan ng Malay Ang Isang anak at may kunting dugo Ang ulo nito mula sa pagkauntog kung saan ito humandusay. " Mga taksil! pinagtaksilan nila Ako!! pinagtaksilan nila Ako!! mga hayop!!" Di paaawat na sigaw ni Arriana. " Walang kasalanan si Alexa! aaminin ko Ako Ang may kasalanan Arriana!!" Sigaw din ni Kharvin rito na Hindi napigilang buhatin si Alexa upang dalhin ito sa hospital. " Damian!! tulongan natin Ang anak mo! dalhin natin siya sa hospital! bilis!!" Sigaw ni Ofelia sa Asawa. Natigil Ang party sa kasal na iyon ni Sheena dahil sa naganap na kagulohang iyon. At dinala Naman agad sa hospital ng mag- asawang Ofelia at Damian Ang kanilang panganay na anak. Sumama na rin si Sheena sa hospital at Gusto sanang sumama din si Kharvin ngunit sinita ito Ng mga magulang Nina Arriana at Alexa. Galit si Mr. Damian Sanchez sa ginawa ni Kharvin na parang muli itong nagpapakita ng pagkagusto Kay Alexa kahit Asawa na nito, ang kanilang Isang anak na si Arriana. Isang malaking away Ang naganap kina Arriana at Kharvin. " Anong gusto mo ha!? Sabihin mo, ilalayo ko sayo ang anak mo! Hindi ko akalaing magagawa mo to dahil nangako ka sa akin na kami Ng anak mo Ang fofocusan mo kahit nagbalik na at Nagising na si ate mula sa coma! pero anong ginawa mo? Hanggang ngayon ay Hindi mo pa pala Siya kayang kalimutan!! hayop ka, sobrang sinaktan mo Ako dahil sa ginawa mo Kharvin, para mo na ring sinaktan pati ang anak natin!!" Humagulhol na wika at asik ni Arriana kay Kharvin. Tahimik lang si Kharvin at walang salitang lumabas sa bibig nito ng mga Oras na iyon. Hindi niya napigilan Ang sariling lapitan si Alexa. Kahit Anong pigil at pagtitimpi na ginawa niya. " Masisisi mo ba Ako Arriana?? Yes, sinabi ko yan Sayo, pero habang pilit kong iwaglit sa isip ko Ang kapatid mo ay mas Lalo ko lang siyang hinahanap at minamahal! at ngayon, Ano ba Ang dapat Kong gagawin upang mawala Siya sa isip at puso ko? may idea ka ba ha?? Hindi ko matuturuan Ang puso na huwag na siyang mamahalin!" Mahabang sagot ni Kharvin. At dahil doon ay pinagsampal- sampal ni Arriana ang Asawang si Kharvin habang patuloy na umiiyak. " Kalimutan mo na Siya!! kalimutan mo na Siya!! may anak na tayo!! kalimutan mo na ng tuloyan si ate!! Gawin mo Ang lahat!! iiwasan mo Siya! huwag mo siyang kakausapin! dahil kung Hindi ay ilalayo ko Sayo Ang Bata!! hinding-hindi mo na makikita si Baby Avy!! huwag na huwag mo akong susubukan Kharvin dahil Hindi mo pa Ako Kilala Ng lubusan kung paano ako Magalit ng husto!!" Mahabang wika ni Arriana habang patuloy na naghihisterya sa harap ng Asawang si Kharvin. ***** Samantalang sa hospital naman ay unti- unting nagmulat na Ng mga mata si Alexa habang binabantayan ito ng sariling Ina. Natuwa Naman si Mrs. Ofelia nang makitang nagmulat na Ng mga mata si Alexa at Nagising na ito. " Alexa anak.. how's your feeling iha??" Tanong ni Ofeila sa anak. Napatitig si Alexa sa Ina at dahan- dahang bumangon. " M- mommy??" Aniya sa Ina. At Bigla niyang naisapan kung Anong nangyari sa kanya. Sumagi Kasi sa isip niya na kasal niya ngayon Kay Kharvin. " Sandali, a- anong nangyari sa akin mommy?? Bakit nandito tayo?" tanong ni Alexa at napatingin sa sariling suot. labis siyang nagtaka kung bakit Hindi na Siya nakasuot Ng wedding gown. " Mommy, bakit Hindi na Ako nakasuot Ng wedding gown? Diba kasal namin ngayon ni Kharvin??" Tanong niya sa Ina. At labis namang ikinagulat iyon ni Mrs. Ofeila Sanchez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD