bc

MY SISTER'S HUSBAND IS MY EX-BOYFRIEND

book_age18+
425
FOLLOW
5.0K
READ
HE
second chance
drama
gxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Ikasasal na sana sina Alexa at Ang kanyang kasintahang si Kharvin subalit isang di inaasahang aksidenteng nangyari Kay Alexa nang siya'y papunta na ng simbahan. At dahil niyon ay na comatose Siya ng Six years. Ang buong Akala ng pamilya niya ay di na Siya magising sa coma at yun din ang akala ng kasintahang si Kharvin. Ngunit sa muling pagbabalik ni Alexa sa kanyang katawan at siya'y muling nagising ay nagkaroon pa Siya ng ilang buwan na amnesia bago tuloyang gumaling. At sa kanyang paggaling ay nayanig siya dahil sa kanyang nalaman! May asawa na si Kharvin at Ang kanyang mismong Kapatid na si Arriana Ang Asawa nito at may Isang anak na Ang mga ito..

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Sa Mataas na paaralan ng Makati City ay nag-aaral ng High school si Alexa Faye Sanchez. Isang Sixteen Years old at anak ng Mayor sa kanilang lugar. Maganda siyang Bata at may maamong Mukha at idagdag pa ang mabuting ugali niya na siyang dahilan kung bakit ipinagmamalaki Siya ng kanyang magulang Lalo pa at top 3 Siya sa buong campus school ng kanyang pinapasukan. Mula sa Ikalawang palapag ng kanilang building School kung saan naroon ang kanilang classroom ay nagmamadaling pumanaog sa stairs si Alexa. Gutom na gutom na siya at late na ang kanyang Lunch dahil tinapos muna niya ang dalawang beses na practice nila para sa kanilang Activities tomorrow. Saglit pa niyang sinilip sa kanyang relong pambisig upang silipin kung Ano na nga bang Oras Ng tanghaling iyon. Namangha pa Siya nang 12:30 pm na. Mas binilisan pa niya Ang kilos na pumanaog sa hagdang iyon. Kahit late na Ang kanyang lunch ay nagpasalamat na rin Siya dahil Wala na silang subject na pasukan ngayong hapon. Kaya pag matapos siyang maglunch ngayon ay pwede na siyang umuwi agad. Pagbaba niya ay nakita at naabutan pa niyang naghihintay sa kanya Ang kanyang Best friend na si Sheena. Best friend niya ito mula pag- elementary subalit ngayon ay nagkahiwalay Sila ng Section nito. Ang ginawa nalang nila ay maghintayan kung sino ang mauna sa kanilang lumabas ng kani- ka ilang classroom. Nakalimutan niya palang may best friend siyang naghihintay sa kanya at tiyak niyang kanina pa Siya nitong hinihintay sa kinauupuan nito. " Alexa ! Ang tagal mo Naman beshie, kanina pa Ako dito namumuti na Yung mata ko sa' kakahintay." Salubong na wika nito sa kanya sabay Tayo kaagad nito. Mayaman din ang pamilyang pinanggalingan ng kanyang best friend ngunit Wala Naman sa politika Ang Daddy nito. At Ang Daddy niya nasa karangan Ng politika ito at naging mayor pa ito sa kanilang lugar. " I'm sorry besh, paano Kasi, need talaga naming mag practice sa Aming Activity for tomorrow bago magsiuwian Wala na Kasi kaming subject ngayong hapon .." Sagot Naman niya rito. Para Naman siyang nakonsensya nang isipin na kanina pa ito naghihintay sa kanya at tiyak na kanina pa ito nagugutom. " Okay, okay! so.. come on, Mag lunch na tayo, kung di Ako nakapagpigil sa gutom ay iniwan na kita. Buti nga' t nakaya ko pa." Sabi naman nito sa kanya. " Sorry talaga beshie." Muling wika niya rito. " Okay, okay.. Dalian na natin.." Tugon Naman nito. Nagpatiuna itong humakbang sa kanya kaya sumunod na rin Siya rito. Habang nag- uusap Sila o nagkukuwentuhan ay malalaki Naman Ang mga hakbang nila palabas Ng gate ng campus school nilang iyon. Sa kanilang paborito Namang restaurant Sila Kumain at dumeretso Mula paglabas nila ng kanilang campus school. Pagkapasok nila sa restaurant ay kaagad na silang umorder roon. Pagserve Ng kanilang order Ng Isang Waiter ay nilantakan agad nila Ang kanilang order dahi sa gutom. Sa gitna ng kainan nila ay muli silang umorder ng masarap nilang dessert. "Sabihin mo nga sa akin besh, hindi ka pa ba nagkaka boyfriend?" Tanong ng kaibigang si Sheena. Natawa Naman Siya sa biglang tanong nito. At kung Anong nangyari at napunta sa boyfriend - boyfriend ang biglang topic nito ngayon. " Oh, bakit ka ba nakarating sa usapang yan?" Balik-tanong naman niya rito. " Bigla ko lang naisip." Maikling Sagot nito habang ngumunguya ito. " Hindi pa. At saka di ka Naman inosente ah, dahil lagi Naman tayong magkasama, oh.. Diba Wala Naman akong naikuwentong nagkaka boyfriend na Ako?." Aniya rito. " Baka Kasi nilihim mo lang sa akin." Sabi Naman nitong Nakangiti nang Sabihin iyon. " Hindi ah." Aniya. "Kung ganoon, I have something to tell you besh.. sana di mo mamasamain." Sabi pa nito sa kanya na biglang sumeryoso Naman. Nagtaka Naman siyang tiningnan Ang kaibigang si Sheena. " What is it?" Tanong niya agad habang di sinadyang nagkasalubong Ang kanyang mga kilay. Ano ba Kasi Ang Sabihin nito ngayon sa kanya. "May Naghihintay sa' yo. kapag magdebut kana at maging ganap nang dalaga ay Saka ka daw niya liligawan.. para naman akong kinikilig eh. Gusto ka niya.. at gusto niyang magiging girl friend ka niya." Sabi pa nitong pakilig- kilig din. Nabigla pa Siya sa sinabi nito. " What?? Sino ba Siya?" Nagulat man ay di niya ipinahalata masyado rito at kalmang nagtatanong rito baka kung sasabihin pa nitong masyado siyang natuwa at excited nang malamang may nagkagusto Pala sa kanya. " Sixteen ka pa Kasi at siya'y twenty- three na. Kaya di ka pa daw bagay niyang ligawan... dahil Bata ka pa."Wika pa nitong muli na nakangisi pa sa kanya. " Ay sino ba Kasi siya?? Mag seventeen na Ako noh, three months nalang." Irap din niya sa kaibigan. " Palagay mo, sino nga ba?" Malawak Ang ngiting Tanong ng kaibigan sa kanya na halatang ibibitin sa kanyang Sabihin kung sino iyon. Sinakyan Naman niya Ang Tanong nito at saglit na nag-iisip. " Si Ernesto ba??" Tanong Naman niya sa kaibigan na Ang tinutukoy ay Ang dati nilang kaklase na naging closed din nila kaya lang ay nasa ibang section na rin ito at may mga bago na namang kaibigan. "No, no, no. 'Nu kaba, bakit si Ernesto Yung naisip mo?" Napairap ding tanong nito sa kanya. " Wala kana ba talagang ibang naiisip kundi si Ernesto lang?" Anitong parang natatawa pa sa kanya. " Hay naku, Sabihin mo nga nalang ." Aniya rito na parang naiinip. " Okay ha. huwag kang mabigla at huwag kang magpahalatang alam mo na. Parang excited kasi Akong Sabihin sa'yo at nang Malaman ko rob kung Anong reaksyon mo.." Sabi pa nito. " Okay. who the guy is it?" Muli niyang tanong na di niya maintindihan kung bakit na e- excite din Siya kung sino ang lalaking iyon. " Si Kuya Kharvin.. besh.. Siya Ang nagkakagusto Sayo ngunit di pa sa ngayon." Pagtatapat nito. Muntik na niyang maibuga Ang kanyang naisubong pagkain nang marinig Buhat nito ang pangalan ng nakakatandang kapatid nitong si Kuya Karvin Ang nagkakagusto sa kanya. Talagang Hindi nito napigilan Ang sarili na Sabihin iyon sa kanya. " What!??" Gulat niyang sambit rito. " Yes, My elder brother's fall in love with you.. Pero di pa siya manligaw sa'yo ngayon, gaya Ng sinabi ko, Sixteen ka palang daw kaya hihintayin niya Yung tamang pagkakataon." Muling ulit nito sa kanya. Nanlaki parin Ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanyang kaibigang si Sheena. Kaedad lang Niya ito. At magkasundong- magkasundo Sila nito. Di Siya makapaniwalang Ang kuya khayniti Ang siyang nagkagusto Pala sa kanya. **** Nauwi nalang si Alexa ay si parin mawaglit sa kanyang isipan Ang sinabi sa kanya Ng kanyang kaibigan. Si Kuya Karvin nito ay nag- aaral ng Kolehiyo sa kurso nitong Civil Engineer. At dati na niyang narinig na may mga naging girlfriend na ito sa paaralang pinapasukan nito at Hanggang ngayong nag college na ito. Isa itong Guwapong binata na nasa Twenty-three na Ang edad nito. Ngayon niya naisip na SA tuwing Makita Siya nito ay lagi siyang kinikindatan Ng binata. At wala lang din ito sa kanya at di niya binigyan Ng malisya iyo dahil sa isip niya ay bilang bati lang nito iyon sa kanya bilang Isang kaibigan ng kapatid nitong si Sheena. At ngayon ay malalaman nalang niyang nagkagusto Pala ito sa kanya. Napaismid Siya. bakit niya ba dibdibin ang mga sinabi ng kanyang kaibigan? eh, baka binibiro lang ito ng kapatid nitong lalaki. At saka Marami namang girlfriend Ang kuya Kharvin nito. At baka mapabilang pa Siya sa mga babaeng naging girl friend. At kung sakaling totoo ngang ligawan Siya nito kapag mag eighteen na Siya ay sasagutin din ba niya ito? Sa totoo lang ay madali itong ibigin dahil sa isang pagpapakita lang Ng motibo nito sa isang babae ay tiyak niyang kikiligin at papasa agad ito dahil sa dating na karisma nito. Tuloyang winaglit Muna ni Alexa Faye Ang mga iniisip niyang iyon. ______ Mabilis namang lumipas ang mga araw at buwan kaya nagising nalang si Alexa Isang Umaga na naghahanda na Ang kanyang buong pamilya upang lalabas Sila at I treat Siya ng mga ito dahil Eighteen birthday na niya. Gusto sana Ng mga magulang niya na maghanda Sila at maging bongga Ang kanyang eighteen birthday ngunit ayaw Naman Niya dahil gusto niya Ng ibang style sa pag- celebrate Ng kanyang eighteenth birthday. Mula One to Seventeen years old ay laging bongga Ang birthday niya at ngayon Naman ay nais niyang lumabas lang at Kasama ang buong pamilya at bibilhan Siya ng mga gift Ng mga ito. Ayaw na niya Ng bonggang party dahil parang nakakasawa na din Kasi Ang style na iyon. " Happy birthday ate Alexa!" Bati ng kanyang Kapatid na babae na si Arriana sabay halik sa kanya sa mukha. Dalawa lang Silang magkapatid at puro babae, One year lang ang gap niya rito. Nasa Eighteen na Siya ngayon so, meaning ay nasa seventeen na Ang kanyang kapatid na babae. Maraming nagsasabi na Maputi ito kaysa sa kanya subalit Mas maganda Naman Siya sa kanyang bunsong kapatid. At Minsan nga ay maiinggit pa ito sa kanyang beauty dahil masaganda mga Siya rito. " Thank you my sweet sister.." Tugon naman niya rito. Mahal na mahal niya Ang kanyang kapatid na babae. Dahil nag- iisang Kapatid lang niya ito.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook