CHAPTER SIXTEEN

1618 Words
" Ahh.. Okay sige, sana dadalawin nila ako upang Makita ko yung mga taong malapit sa akin noong di pa ako nagkaganito." Sabi pa niya rito. "B- baka busy lang Sila kaya di sila nakapag bisita sa'yo." Tugon pa ni Kharvin. "Baka nga siguro. Sige, mauna na ako sa'yo." Paalam na Sabi niya rito. Hindi naman ito sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. At Siya naman ay nagmamadaling humakbang na papasok muli sa kanyang kuwarto. Ngayon lang pala niya napansin na napakaguwapo naman pala ng asawa Ng kanyang kapatid. " Hayyst.." Aniyang napapailing nang siya'y makapasok na sa kanyang kuwarto . Nagkasala na tuloy siya sa iniisip niyang iyon na nagu- guwapohan Siya sa asawa ng kanyang Kapatid. Bakit parang iba Kasi Ang kanyang naramdaman kung magtama Ang kanilang mga nito. Para bang tagos hanggang buto niya ang lihim na mga tingin nito sa kanya Mula pa kaninang halong at kaninang nag dinner Sila. Napapansin niya itong laging nakasulyap sa kanya. Samantalang si Kharvin ay naiwan sa Salas at inubos muna ang wine na ginawa niyang pampatulog. Hanggang saan tatagal ang kanyang pagpipigil na huwag sabihin kay Alexa na siya'y dati nitong kasintahan? Makakaya ba kaya niyang pigilan ang sarili na huwag na itong mahalin? Ngayong nakaharap at nakakausap na niyang muli si Alexa ay doon niya nalamang ni hindi nababawasan kahit kunti ang kanyang nararamdaman rito. " God.. I still Love her so much.." Mahinang naisambit niya. **** At dahil nakumpirma ni Kharvin sa sarili na mahal na mahal parin niya si Alexa ay nakapagdessisyon siyang bubukod nalang sila ni Arriana. Dahil kung araw- araw niyang nakikita at makakausap si Alexa ay bukod sa masasaktan siya ay nasisiguro niyang magkakasala lamang siya. "Para sa amin ng Daddy niyo ay hindi kami tumututol sa desisyon niyong magbukod dahil nandito na si Alexa. At isa din Kasi sa mga kinatatakutan ko ay ang pagbalik Ng kanyang alaala. Alam kung labis niyang ikagagalit ang tungkol sa inyong dalawa ni Arriana, Kharvin." Mahabang wika ni Mrs. Ofelia Sanchez nang magpaalam sina Kharvin at Arriana na bubukod Sila. Sinamantala Naman nilang mag- usap nang Wala si Alexa at nasa labas ito ng Bahay. " Tama ang mommy niyo, Arriana , Kharvin. Kahit masakit na hindi namin araw- araw makikita ang apo namin ay titiisin namin dahil kinakailangan talagang bubukod kayo." Sabad naman ni Mr. Damian Sanchez. " Don't worry Dad.. idadalaw ko rin lagi si Baby rito. At kapag sa huli ay okay na si Ate Alexa at matatanggap at mapapatawad niya kami ay babalik kami rito." Pangako ni Arriana. "Gusto ko sanang sa Bahay muna kami ng parents ko. Kasu ay ayaw naman ni Arriana. Kaya sa condo nalang muna kami habang maghahanap ako ng bibilhing bahay o di kaya magpapagawa nalang ako. " Sabi pa ni Kharvin. " Paano kasi, puro naman mga plastic ang mga tao sa loob ng bahay niyo." Taas- kilay pang sabi ni Arriana. "Shut your mouth , Arriana." Saway pa ni Damian sa bunsong anak. Parang nainis naman si Kharvin na nakatingin sa asawang si Arriana. Sa totoo lang ay hindi naman Kasi ito nagustohan ng pamilya niya kaya nasabi nitong mga plastic Ang kanyang pamilya lalo na si Sheena, Ang kanyang Kapatid. Alam kasi ng buong pamilya niya na seneduce lang siya nito At Siya ay nagpapadala din sa tentasyon at tuloyang naakit rito. " Sorry daddy .." Sabi nalang ni Arriana sa Daddy niya na Minsan ay ikinainis din niya Ang pagiging high blood gad nito. " So, iyon na ang final decision namin Dad.." Sabi pa ni Kharvin sa ama nina Arriana. " Okay, kayong bahala." Tugon ni Damian. At Hindi na sumabad sa usapan si Mrs. Ofelia Sanchez. ***** Natuloy nga ang pagbukod nina Kharvin at Arriana at Wala namang komento si Alexa tungkol doon. Kung bakit bumukod ang kanyang kapatid at ang asawa nitong si Kharvin. Lumipas pa ang ilang buwan at Bumabalik na talaga sa dating sigla si Alexa. At unti- unti ring bumabalik ang kanyang katawan dati. Maganda talaga siyang babae at bukod doon ay may maganda at seksing katawan, na siyang kinababaliwan dati ni Kharvin. Ngunit nanatili paring wala siyang maalala sa nakaraan. Ngunit Okay nalang dahil parang nasasanay na Siya sa kanyang mga magulang at makikipag- usap na tin Siya ng sabayan sa mga ito. Ikinatutuwa naman ng mga magulang ang nakitang nagbabalik na talaga ang dating anak nila na si Alexa. Ang malakas na katawan nito at Ang pakikipagsabay ni Alexa sa mga ito. Ang tanging kulang na nga lang ay ang pagbabalik ng memorya nito. Halos araw- araw na ring dinadalaw si Alexa ng kanyang kaibigang si Sheena. Kahit hindi matatandaan ni Alexa ang kaibigan ay nakasanayan na rin niya ito at naging close Sila nito. Isang Araw ay magkasama sila nitong mag shopping at nang sila'y mapagod ng kaibigan AA kakalibot sa loob ng mall ay saglit muna silang lumabas at Kumain sa isang Korean restaurant na malapit lang sa labas ng mall. At habang kinain nila ang kanilang order ay nagkukuwentuhan muna Sila nito. "Beshie, malapit na pala akong ikasal." Sabi pa nito sa kanya. " Wow, talaga? So ako ang maid of honor ng kasal mo?" Tanong ni Alexa. " Yes, siyempre naman. Diba dati nagkasundo na tayo na ikaw ang maging maid of honor ng kasal ko at ganoon din ako sa'yo." Sabi pa ni Sheena sa kanya. Gusto pa sanang idugtong ni Sheena na ikakasal na nga sana ito at ang Kuya nito at Siya sana ang Maid of honor noon kaya lang ay pinigilan lang ni Sheena ang sarili. Hanggang ngayon ay Wala pa talagang maalala si Alexa sa nakaraan at talagang naaawa si Sheena rito. Hindi pa nito alam ang tungkol Kay Kharvin na ito ay dating kasintahan at ngayon ay Asawa na ng kapatid nito sa panahon na nasa comatose ito. " Pasensya kana Sheena ha, gustuhin ko mang muling maalala ang lahat pero hindi ko nalang pinipilit , sasakit lang muli ang ulo ko. at sana balang araw ay babalik na ang aking buong alaala. At thank you na kahit di rin kita maalala dati na best friend ko ay nandito ka talaga lagi sa tabi ko. Baka mag- away na kayo niyan ng boy friend mo dahil nahati na ang atensyon mo.." Sabi nan ni Alexa sa kaibigan. " Nope , okay lang naman si Carl at naiintindihan niya ako lalo kana.. naawa din siya sa kalagayan mo." Sagot naman ni Sheena. " Okay na ako Sheena, malakas na ako at memorya nalang yung kulang sa akin." Nakangiting tugon ni Alexa sa kaibigan. " Ahhhm.. Alexa, kung sakaling babalik na Ang memory at may malalaman kang may mga nagkakasala sa'yo or nagtataksil, mapapatawad mo ba Sila?" Di napigilang tanong ni Sheena. Natigilan Naman si Alexa. Parang naitanong na rin iyon sa kanya ng kanyang mga magulang. Bakit kaya? Ano kaya ang ibig Sabihin ng mga katanungan nalang iyon sa kanya? " Ba- bakit? may nagtataksil nga ba?" Tanong naman niya sa kaibigan. " Ahh, no, no.. Wala naman. For Incase lang naman." Kinabahan namang sagot ni Sheena. " Ay wala naman pala. Pero sasagutin ko rin ang tanong mo, depende kung gaano ka bigat ang isang pagtataksil pero kung kaya kong magpatawad ay gagawin ko iyon." Aniya sa kaibigan. Simpleng ngumiti lang si Sheena. " Ganoon ba. Mabait ka talaga. Wala ka paring pagbabago." Sabi naman ni Sheena. " Oh Siya, bilisan na natin upang ipagpatuloy natin ang pagsho- shopping. " Sabi ni Sheena. " Ay oonga. May bibilhin nga pala ako, bibilhan ko ng mga bagong damit ang pamangkin natin, si baby Avy. Sosorpresahin ko sila at dadaan ako sa condo nila besh ng kapatid ko at ng kuya mo." Sabi pa ni Alexa. At Ikinapanlaki iyon ng mga mata ni Sheena. " What?? Marami ng damit si baby Avy. kaya okay lang na di mo bibilhan ang bata ." Sabi naman ni Sheena. " Basta, trip ko ngayon na pupunta sa condo ng kapatid ko at ng kuya Kharvin mo. Magpapa take- out nalang din ako ng special dessert para sa kapatid ko. Isang beses lang Ako nakapunta sa condo nila, kasama ko pa si Mommy." Mahabang sagot ni Alexa. Mas lalong nakadama ng awa si Sheena sa kaibigan. pero di Naman niya ito mapipigilan baka kung anong masasabi nito at dahilan ng simulang pagdududa nito. " Oh, bakit natahimik ka diyan? ayaw mo ba akong samahan?" Tanong naman ni Alexa. " Ahm... h- hindi ako pwedi besh, Mayang 3:00 pm Kasi ay may importanteng aasikasuhin kami ni Carl tungkol sa paparating na wedding namin." Sabi naman ni Sheena. Matapos nga silang kumain ay muli silang nag shopping kaya at di na rin sila nagtatagal ay umuwi na Sila. si Sheena ay dumeretsong pauwi at si Alexa naman ay sumipot talaga ito sa Condo na pansamantalang tinitirhan nina Kharvin at Arriana habang nagpapagawa pa ang mga ito ng malaking bahay. Nang siya'y makarating sa condo ay kumatok agad siya roon. Di naman nagtagal ay bumukas ang pinto at si Kharvin ang nasalubong ng kanyangha mata. " Good afternoon Kharvin!" Nakangiting bati niya rito. Parang na shocked naman ito sa kanyang biglang pagdating. " H- Good afternoon! nabigla tuloy ako sa pagdating mo." Sabi naman nito. " Patuloyin mo muna Ako, bilis may surprise Ako para sa pamangkin ko." Wika niya at Siya na talaga ang kusang pumasok. Pagpasok niya ay hinagilap ng kanyang mga mata sina Arriana at Ang Bata ngunit Wala ito roon sa loob. " Nasaan sila? " Tanong pa niya kay Kharvin. " Wala Sila dito ngayon Alexa." Sagot ni Kharvin at naroon na naman ang malalagkit na mga titig nito sa kanya Ng mga Oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD