CHAPTER TWENTY

1587 Words
Tinitigan ng mabuti ni Mrs. Ofeila Ang anak dahil sa mga sinasabi nito. Ibig bang Sabihin ay bumalik na Ang alaala Ng kanyang panganay na anak? Nagtaka Naman si Alexa kung bakit parang nagulat Ang ekpresyon sa mukha ng kanyang Ina. Saglit Naman siyang nag- isip ng malalim di Kasi niya maintindihan kung bakit nandoon Siya sa magandang kuwartong iyon. Hangga't sa napansin niyang parang private hospital iyon. "S- sandali.." Sabi pa niya at napatigil at muling dumako Ang mga tingin sa kanyang Ina na parang di makapagsalita. Bigla namang naalala ni Alexa na nadisgrasya Pala Ang sinakyan niyang bridal car papuntang simbahan! nanlaki Ang kanyang mga Mata nang bigla pa niyang maisipan ang huling nangyari. natatandaan niya na siya'y naliligo sa sariling dugo pagkatapos Sumalpok Ng malakas Ang car na sinakyan nila dahil nawalan iyon ng preno! Tama! Naaksidente pala Siya Kasama Ang driver Ng bridal car niyang sinakyan papuntang simbahan kung saan naghihintay ang lalaking mahal na mahal niya. Si Kharvin! Kung gannon Pala ay Hindi natuloy Ang kanilang kasal ng kanyang Kasintahang si Kharvin. "Alexa anak? bumabalik na ba ang iyong alaala? bumabalik na ba ang lahat sa iyong isipan?" Umiiyak na tanong ni Mrs. Ofelia. Nasaktan lang kasi ito dahil nagtataka pa ang anak kung bakit di na ito nakasuot ng gown na Araw Naman daw ng kasal nito. " B- bakit mommy? A- anong nangyari sa akin? at bakit ka umiiyak? natatandaan ko na mommy na naaksidente pala ako.. kawawa Naman si Kharvin, na Hindi Ako dumating sa Araw ng kasal namin.. nasaan Siya ngayon?" Tanong pa niya sa kanyang Ina. Ngunit patuloy lang na lumuha si Mrs. Ofeila at Hindi agad nakasagot sa anak. " Mommy, gusto ko nang umuwi, okay na siguro ako. Gusto kong pag-usapan nalang namin ni Kharvin na I set muli Ang kasal namin sa Isang buwan dahil sa aksidenteng nangyari sa akin." Inosente pang Sabi ni Alexa. " Anak, makinig ka Muna.. " Sabi ng mommy niya na hinawakan Siya nito sa balikat. " Bakit mommy? Masyado ka namang Emosyonal mommy. Tingnan mo, magaling na Ako at okay na.. laking pasasalamat ko nalang na nakaligtas Ako mula sa kamatayan dahil sa aksidenteng iyon. H- Hindi ko na matandaan pa mommy, gaano ba Ako katagal rito sa hospital? umabot na ba ng Isang buwan o mahigit pa? At si Kharvin, lagi ba niya akong dinadalaw dito?" Sunod-sunod Naman niyang tanong sa kanyang ina. " Anak.. Yan nga Ang pag- uusapan natin ngayon. kaya sana bago ko sasagutin at sasabihin Sayo Ang lahat ay dapat maging handa ka sana.. at sana matatanggap mo Ang lahat Alexa.." Muli na namang umiyak na wika ng kanyang Ina. Muli naman siyang nagtaka kung bakit ganoon Ang mga reaksyon at sinasabi nito ngayon sa kanya.Ano ba kaya Ang dapat niyang Malaman ? " Now tell me mommy, naghihintay Ako. para uuwi na agad tayo at mapupuntahan ko agad si Kharvin. Pero mas mabuti sigurong tawagan mo nalang si Kharvin mommy.. sabihin mong okay na Ako." Napangiting wika pa ni Alexa. " Alexa.. patawad kung Ang sasabihin ko Sayo ay masasaktan ka nito pero dapat lang na Malaman mo Ang lahat." Wika Ng mommy Niya na mas lalong nagpapagulo sa kanyang isipan. " Bakit, ano ba 'yan mommy?" Tanong niya rito. " Anak, na comatose ka in Six years.. dahil sa aksidenteng nangyari Sa'yo." Humihikbing wika ng kanyang mommy Ofelia. Nanlaki Ang mga mata ni Alexa sa narinig. Siya? na comatose Ng Six years!? that's a big joke! " Mommy, huwag mo nga akong biruin ng ganyan . Bakit naging six years? Ang tagal ng six years ah! " Ang sabi Naman niya sa Ina. At talagang Hindi niya nagustohan ang mga sinabing iyon ng kanyang sariling Ina. " Alexa anak... yes, Totoo ang mga sinasabi ko.. Nasa ICU ka sa loob ng Anim na taon.. at Nagising ka nga pero na amnesia ka naman anak." Patuloy na wika ng kanyang Ina. Labis niyang ikinagulat ang mga nalalaman at sa sinabing iyon ng kanyang Ina! ay talagang hindi naman siya makapaniwala na iyon ang mangyari sa kanya! siya'y na comatose ng Six years!? " Naku, paano na si Kharvin? Alam Kong hinihintay Niya ako mommy,." Nag- alalang wika naman ni alexa. Akalain mo , six years pala siyang Hindi nakagising! Ano na kaya Ang takbo ng mga pangyayari ngayon sa kanyang paligid!? bigla siyang kinabahan na Hindi niya mawari kung bakit. At parang Ang kanyang kaba ay konektado iyon Kay Kharvin, nang maisip niya ito. "At mabuti nalang anak , dahil sa loob ng walong buwan mo sa amnesia Mula nang ika'y magising sa coma ay muli kanang nakaalala ngayon. Sinagot Ng panginoon Ang aKing mga pagdadasal." Sabi Naman nito na patuloy paring lumuha. Di Naman niya mapigilang umiyak dahil sa nalalaman na siya'y na coma ng six years at na amnesia pagkatapos sa coma. " Paano na Ang mga taong nagmahal sa akin mommy sa loob ng six years? tulad ni Kharvin? kayo ni Daddy at ni Arriana? alam Kong nasaktan kayo sa nangyari sa akin. At Alam Kong nahihirapan Si Kharvin dahil sa nangyari sa akin.." Sabi Naman niyang tuloy- tuloy na Ang kanyang pag- iiyak. " Anak.. M- may hindi ka pa nalalaman .. at dapat mo talaga itong malaman.." Sabi Ng kanyang Ina. Di Naman niya maiwasang kabahan dahil sa mga sinasabi nito. " Bakit? a- anong dapat Kong malaman? gusto ko na sanang umuwi na tayo mommy, excited na akong puntahan si Kharvin, excited na akong ibalita sa kanya na okay na ako. Gusto kong bawiin namin Ang Anim na taon na hindi kami nagkakasama dahil sa nangyari sa akin.." Mahabang Saad niya sabay tumayo mula sa kinauupuang bed ng private hospital na yun. " Alexa, Hindi pa Ako tapos.. makinig ka muna bago ka magsalita anak." Nahihirapang wika ng kanyang Ina. " Bakit, Ano ba 'yan? at gaano ba ka importante iyan mommy?" Seryosong Tanong ni Alexa sa Ina. Para talagang may kakaiba Ang mga tono sa pananalita ng kanyang Ina. " Alexa.. m-may asawa na si Kharvin.." Muling umiiyak na sabi ni Ofelia sa anak. Pakiramdam Kasi nito ay ito Ang nasasaktan para sa kanyang panganay na anak Ng mga sandaling iyon. Muling Nanlaki Ang mga mata ni Alexa sa narinig buhat sa kanyang Ina! Nanginginig ang kanyang buong kalamnan dahil sa kanyang nalalaman. " A- ano?" halos paos na sambit niya Ng mga sandaling iyon. Biglang nanghihina Ang kanyang buong katawan at nanginginig ang kanyang mga tuhod. Kusa siyang naupong muli dahil nawalan Ng lakas Ang kanyang katawan Lalo na Ang kanyang mga paa. " H- Hindi. Hindi totoo yan mommy.." Mahinang hikbi niya sabay napailing- iling. " Anak.. s-sorry.. Hindi Naman Kasi pweding ilihim namin Sa'yo Ang lahat. ." Dagdag ng Ina. Patuloy siyang umiiyak ng mahina dahil parang di niya matanggap ang ginawa sa kanya Ng kanyang kasintahan. " Mommy, bakit nagawa niya ito sa akin? bakit? dahil ba'y tingin niya ay di na Ako magising? sobrang sakit!!" Wika niyang di mapigilang mapataas ang kanyang boses. Ayaw na sanang dugtungan pa ni Mrs. Ofelia na Sabihin sa panganay na anak na Ang Kapatid nitong si Arriana Ang Asawa Ng kasintahan nito. Subalit naisip ni Ofelia na dapat Sabihin nalang niya Ng buo ang lahat upang maisa nalang Ang sakit na maramdaman ng kanyang isang kawawang anak. "I'm so sorry anak Alexa... pero dapat mo ring Malaman na Ang Asawa ni Kharvin ay walang iba kundi Ang iyong kapatid na si Arriana! Jusko." Deretsong Sabi na ni Ofelia sa anak. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alexa sa kanyang mga marinig Mula sa ina at parang kasabay na binagsakan Siya Ng langit at Lupa dahil sa sobrang sakit sa nalalaman niya Ng mga Oras na iyon! " Hindi!!! Hindi mommy!! Mga taksil !!! mga taksil!!" Pagsisigaw ni Alexa na parang di na siya halos makahinga dahil sa sobrang poot at sakit na kanyang naramdaman sa katotohanan. " Calm down anak, calm down.. alam Kong malalampasan mo Ang masakit na katotohanang ito! nandito Ako, kami Ng Daddy mo.. Hindi ka namin pababayaan." Sabi Naman ni Ofelia na Panay haplos ang mga palad nito sa likod Ng kawawang anak. " Hindi mommy!!! mga traydor Sila!! Sa kabila ng nangyari sa akin ay nagawa pa nila Akong traydorin!? Siguro dahil Ang buong Akala nila ay di na Ako mabubuhay, ganoon ba mommy!?? bakit hinayaan niyo ni Daddy na traydorin Ako Ng sarili Kong Kapatid mommy!!?? bakit??" Humahagulhol na iyak ni Alexa. Hindi niya Malaman kung Anong gagawing posisyon niya sa kanyang kinalalagyan dahil sa nalalaman niyang sobrang sakit na katotohanan. " Hindi namin alam Ang pinagagawa ng kapatid mo at ni Kharvin Alexa, pati kami ay nagulat nalang nang buntis na Ang kapatid mo at si Kharvin Ang ama.. sorry iha .sorry.." Sabi pa ni Ofelia at niyakap ang kanyang anak. " M- may anak na Pala Sila??" Tanong pa niya sa Ina. " Y- yes anak. sorry iha, naiintindihan kita.. kaya pwedi mong ilabas ngayon sa harap ko Ang lahat Ng sakit Na naramdaman mo ngayon.. nandito Ako. Sige, umiyak ka lang, okay lang Ako anak at dadamayam kita." Patuloy na wika ni Ofelia. Kusang tumulo Ng sunod - sunod Ang mga luha ni Alexa at parang namanhid ang kanyang buong katawan dahil sa sakit ng dibdib na kanyang dinanas ngayon. " Mga walang hiya!! mga walang konsensya!!! Kinasusuklaman ko Sila mommy!! patawarin mo ako, pero kinasusuklaman ko si Arriana at lalo na si Kharvin!!" Gigil na wika ni Alexa sabay muling humagulhol ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD