CHAPTER TWENTY -ONE

1549 Words
Hinayaan na muna ni Mrs. Ofelia na ipalabas ni Alexa ang lahat ng sama ng loob nito para sa kapatid at sa dating kasintahan nitong si Kharvin. Paglipas ng ilang sandali ay mugto ang mga mata ni Alexa dahil sa kakaiyak. Parang di na siya gustong aalis sa private hospital na yun. At parang ayaw na niyang uuwi. Ayaw niyang harapin ang masakit na katotohanan. Ngunit di naman pwedi na di sila lalabas doon kaya mga 9:00 am ng umaga ay lumabas na nga sila sa hospital. Pagdating nila sa bahay. Napalibot ang mga tingin niya sa buong paligid. At napansin niyang ang dating maliit na punong kahoy sa kanilang bakuran ay lumaki na iyon at may mga nag-improve sa kanilang bahay sa bakuran nito, tulad nalang ng isang malaking gruto sa sulok ng bakuran na bagong pinagawa at ang mga dati niyang halaman na inaalagaan ay wala na ang mga iyon. Di siya halos maka move- on sa nangyari sa kanya. Akala niya kasi ay mga one to two months lang siya sa hospital. Yun pala ay umabot siya ng anim na taon? Biglang nakadama muli ng awa si Alexa sa sarili kung iisipin niya ang mga nangyayari sa kanya. Sino ba kasi ang mag-aakalang nasa ICU siya sa loob ng anim na taon? at lumalaban siya sa kamatayan ngunit ang kanyang Kapatid at kasintahan naman ay nagpapakasarap lamang sa ibabaw ng kama? muling tumigas ang anyo ni Alexa sa mga iniisip. Ang buong akala ng mga ito ay mawawala na siguro siya. Napaka traidor! Pagpasok nila sa loob ng bahay nila ay di naman nagtagal ay dumating ang kanyang Daddy Damian. Tinapos agad nito ang meeting sa office nito nang malamang lumabas na sila ng mommy niya sa hospital. At natutuwa ito nang ibinalita rito na bumalik na ang kanyang memorya. " Alexa anak!" Kaagad na sambit ng kanyang Daddy Damian nang siya'y naabutan nitong nakasandal sa single sofa nila sa salas nila. Napatingin siya sa ama at agad na napatayo at sinalubong ang kanyang ama ng mahigpit na yakap. At di na naman niya napigilang muling umiyak nang siya'y yakapin ng kanyang Daddy. Pinagmasdan lang sila ng kanyang mommy Ofelia. Alam na ng kanyang Daddy na sinabi na sa kanya ng mommy niya ang lahat tungkol sa kanyang kapatid at kasintahan. Gusto na sana niyang hindi na iiyak pa dahil masyado nang maraming luha ang lumabas mula sa kanya kaninang umaga. Pero sadyang di talaga niya mapigilan ang kanyang sarili. " It's enough iha." Sabi pa ng kanyang Daddy Damian. Mabilis naman niyang pinahid ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti kahit hindi nababawasan man lang ng kunti ang sakit sa kanyang dibdib. " Okay Daddy, baka masyado lang akong iyakin.. pero kahit na sino naman siguro ang dadaan sa ganitong sitwasyon ay talagang iiyak ng iiyak sila at di nila malalaman kung hanggang kailan mawala ang sakit sa dibdib. Pero alam kong malalampasan ko rin ito Dad.." Sabi niya sa ama. " Anong gusto mo anak, gusto mo bang ipapatawag ko ang kapatid mo at ang asawa niyang ex mo? Pwede mong ibuhos sa kanilang harapan ang nararamdaman mong sakit para maibsan naman ng kunti ang sakit sa dibdib mo." Seryosong wika ni Mr. Damian sa anak. " Yes, Alexa. Para matapos mo silang makausap at masumbatan ay mabawas-bawasan ng kunti ang bigat sa iyong dibdib." Sabi naman ng kanyang inang si Ofelia. Muli niyang pinahid ang hinahawakang panyo sa kanyang mga mata bago siya nagsalitang muli. " No. Ayoko munang makaharap sila. Ayoko munang makita silang muli.. ayoko nang manumbat pa. Dahil kahit ano pang gagawin ko ay wala na.. Useless nalang ang lahat mommy, Daddy.. ang ipagdasal ko nalang na sanay balang araw ay matatanggap ko na sila at makakaya ko nang makipag sabayan sa kanila. Sa ngayon ay hindi pa. Ayoko munang isa sa kanila ay makita at makakausap ko." Mahabang tugon niya sa kanyang mga magulang. Malungkot na nagkatinginan naman ang mag-asawang Damian at Ofelia sa sinabi ng kanilang anak. Nabalitaan naman ng buong pamilya Torres ang pagbalik sa memorya ni Alexa at nabalitaan din iyon nina Arriana at ni Kharvin. " Sigurado akong alam na ni ate ang tungkol sa atin. At wala na akong pakialam pa Kharvin kung ayaw na niya sa akin bilang kapatid niya. Ang sa akin lang, ay huwag na huwag kanang lumapit kay Ate Alexa! upang hindi magiging gyera ang pupuntahan ng lahat!" Hindi nagbibirong wika ni Arriana. Mukhang mas pinatapang pa ni Arriana ang sarili dahil never itong magpapatalo sa ate Alexa nito. "Huwag na huwag mo akong mamanduan Arriana. . ayokong sinasakal ako ng asawa. Alam Kong ikaw na at kayo na ni baby Avy ang pamilya ko at alam kong dapat na talaga akong dumistansya mula sa ate mo. Pero hindi rin pwedi na lahat ng galaw ko ay kontrolado mo.. Dahil iyon ang pinaka ayaw ko.." Sabi ni Kharvin kay Arriana at agad siyang iniwan at tinalikuran nito. " Ayoko nang mauulit na lumalapit ka kay ate! binigay ko na ang lahat kung paano ka mapapasaya Kharvin.. upang di kana lilingon pa sa iba lalo na Kay ate. Obligasyon ko rin naman iyon bilang asawa mo. Dapat ay ibigay mo rin sa akin ang obligasyon mo lagi bilang asawa ko! gusto kong makontento ka sa akin! dahil ako ang asawa mo! akala mo ba hindi masakit sa akin na mahuli ko kayo ng ate ko na niyakap mo siya at pilit na hinalikan !? sa akin na asawa mo ay hindi mo yun nagawa kahit na magtampo ako ay hindi mo ako sinusuyo! napaka unfair mo! porke't di mo ako mahal, at si ate yung mahal mo ay sasaktan mo nalang ako ng ganito!? kung mahal mo ang anak mo ay dapat may pagpapahalaga ka rin sa damdamin ko! kung nagkamali man tayo kay ate ay tapos na yun! kung inakit man kita dati ay past na yun! asawa mo ako kaya dapat ay ipa feel mo rin sa akin na babae itong asawa mo at kailangan kita.. yung pagmamahal mo! " Mahabang wika ni Arriana. Natigil naman si Kharvin sa mga sinasabi ni Arriana. Minsan ay di niya magawang makipag s*x sa asawa dahil si Alexa ang sumisingit sa kanyang isipan. Nilingon ni Kharvin si Arriana at luhaan ang mga mata nitong nakaupo at napatingin sa kanya. Para naman siyang nakokonsensya, nilapitan niya ito at niyakap. " I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka Arriana. Hindi mo rin ako masisisi. " Sabi ni Kharvin. At kasunod niyon ay siniil niya ng mainit na halik ang asawa . Paliligayahin niya ito ngayon, upang makabawi man lang kunti sa kanyang mga pagkukulang. Kaagad na napakapit sa batok ni Kharvin si Arriana at maalab na tinugon ang mga halik ng asawa. Binuhat ito ni Kharvin at maayos na hiniga sa kanilang malambot na kama. Pinainit pang lalo ni Kharvin ang kanilang eksena ni Arriana. Mabilis naman nilang nahubad ang kanilang mga saplot. Saglit munang kinalimutan ni Kharvin ang tungkol sa pagbabalik ng memorya ng kanyang dating kasintahan. Ayaw mo na niyang iisipin ito sa ngayon. Dahil isang gabi na siyang walang tulog sa pag- iisip kay Alexa. Gusto niyang mag- enjoy sa piling ng Asawang si Arriana, at kailangang si Arriana ang laging nasa isipan niya upang di na siya magkamali pa sa marriage nila ni Arriana. Napaungol pa ng malakas si Arriana dahil sa kiliting hatid na ginawa sa kanya ng Asawa niyang si Kharvin . Sana ganito lagi ang lahat, na siya'y laging paliligayahin ni Kharvin. Hangga't inangkin na ni Kharvin ang Asawa ng mga sandaling iyon at mas lalo pa itong napaungol at napaliyad. Habang nasa ibabaw si Kharvin kay Arriana ay patuloy ang kanyang ginagawa dito. Napapikit pa siya at pinakiramdaman ang kaligayahang hatid niyon kung meron ba. " Ohh.. Nash.." Anang isang tinig na biglang nag flash sa kanyang isipan na parang totoo pa iyon! Mabilis niyang idinilat ang kanyang mga mata baka kung si Alexa nga ang kanyang ka s*x. Ngunit mukha ni Arriana ang sumalubong sa kanya. " Oh sh*t!" Biglang sambit ni Kharvin at itinigil ang ginagawa sa ibabaw ng Asawa. Nagtaka naman si Arrianang muling nagmulat ng mga mata. At nakita niyang nagmamadaling nagbihis ang Asawa. " Kharvin?? bakit? bakit napatigil ka?" Takang- tanong naman nito. " Hayaan mo muna ako Arriana. Sige, lalabas muna ako." Inis na lumabas ng kuwarto si Kharvin. Gusto niyang saktan ang kanyang sarili. Pati sa pakikipagtalik niya ngayon kay Arriana ay sumisingit si Alexa na hindi niya sinasadya . " Nababaliw na ba ako!? ano bang gagawin ko !?" Galit na wika ni Kharvin sa kanyang sarili. Biglang nawala ang kanyang GANA nang masalubong ng kanyang mga mata kanina ang mukha ni Arriana. Ang buong imahinasyon pa niya ay si Alexa na ang kanyang nakatalik at narinig pa niya Ang boses biting tinawag siyang 'Nash' parang lagi siyang dinadaya ng mga alaala ni Alexa. Paano niya matutunang mahalin si Arriana kung ito ang laging mangyayari? At si Alexa, ano na kaya ngayon ang takbo ng isipan nito? matapos magbalik na ang buong alaala nito? Dahil sa gulo ng kanyang isipan ay wala sa sariling umalis si Kharvin at nagtungo ito sa isang restaurant. Tinawagan nito ang kaibigan upang saluhan siya doon. Gusto niyang aliwin ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD