Chapter 3 - The Intruder

1570 Words
TERRENCE ALTAMONTE POV "SINKO KA?!" ang malakas kong anas sabay alis sa kama ko. Napalingon ang taong iyon sa akin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa telang nakatakip sa mukha nito, bukod doon ay madilim pa, hindi naman kasi ganoon kaliwanag ang pumapasok sa balkonahe na nagmula sa liwanag ng buwan. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Bigla kong naisip ang babaeng 'yon na nasa katapat lamang ng silid ko! Bwisit! Nasa kabilang side ng kama ang pintuan, ang tanga ko! "T-tinatanong kita! Sino ka at ano’ng kailangan mo?!" Lalo ko pang nilakasan ang boses ko sa pagbabasakaling may makarinig sa akin—na marinig niya. Napansin ko ang unti-unting paghakbang ng taong iyon palapit sa malaking mesa na nasa centro ng kwarto ko. Napalunok ako ng laway. Lihim namang naghagilap ang kamay ko sa side table ng kama ko baka kasi mayroon akong maipanlalaban kung tangkain niya ang sugurin ako. Oh darn! I will not die tonight! I'll fight! I will prove to that woman that I won't need her! Never! Ngunit ganoon na lang ang pagkamaang ko ng mabilis na kumilos ang pangahas, tinakbo nito ang distansiya mula sa kinatatayuan patungo sa binuksang balkonahe. Ilang segundo pa'y sumunod ako roon. Kung gaano ito kabilis kumilos, ganoon din ito kabilis naglaho sa dilim. Nakita ko ang isang Security Guard na nagpapatrolya, agad kong tinawag ang kanyang pansin. "May pumasok sa kwarto ko, hanapin nyo! Marahil hindi pa nakakalayo 'yon!" Gigil kong sigaw mula sa ikalawang palapag. Mabilis namang nagtawag ng kasama ang gwardiya. Muli akong pumasok sa kwarto ko saka binuksan ang ilaw. Mabuti nalang nagising ako dahil kung hindi baka wala na ako ngayon dito, sa isip ko. Napalingon ako sa cabinet kung saan nakita ko ang pangahas na parang may kinakalkal doon. Lumapit ako at ininspeksyon. Wala namang nawawala. Kung ganoon, ano ang kailangan niya o ano ang balak niyang gawin? Sabay bukas ng pinto sa kwarto ko na ikinaigtad ko sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko siya! ** ALEXIS ALEJO POV Nang makabalik ako sa aking kwarto agad ko ng hinubad ang takip ko sa mukha pati na rin ang itim ko na kasuotan, leaving my black sando and knee high pajama. I grab the bathrobe and wear it. Itinago ko sa ilalim ng kama ang mga ginamit kong damit at lumabas upang tumungo sa kabilang silid. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Terrence. Pagbukas ko, agad na nagtama ang mga mata namin. I saw fear in his eyes for a moment, then it turned into a glare when he realized it was me. Napansin ko rin ang bukas na kabinet. As if naman may mahahanap siya roon. Muli ko siyang binalingan, galit ang nakita kong nakabakas sa mukha niya. Weh? Aminin, takot na takot ka kanina! "You alright?" Kunwari nag-aalala ako sa kanya. He must not know that it was I who entered his room earlier. "Wow! May gana ka pa na magtanong if I was alright!" Sarkastiko niyang tugon. "Someone entered my room and I almost died, and you just asked me that? Are you a bodyguard or just plain palamunin sa bahay na 'to?! Sarap ng tulog mo ah!" Umuusok sa galit si Terrence. Pinigilan ko ang matawa sa sinabi niya. Baka kasi mapahiya siya kapag nalaman niya na ako pala iyon. Tinaasan ko na lang siya ng kilay para 'di halata. "Wait, so you're upset with me because I didn't come here sooner to protect you? From what I recalled, you don't like me as your bodyguard, and you certainly don't need me. So, have you finally taken notice of me?" Ako naman ang nagbalik sa kanya ng sarkastikong tanong. Tila napahiya naman siya dahil nawalan ito ng kibo. Aasarin ko pa sana siya ng marinig ko ang papalapit na yabag ng paa. "Ano’ng nangyayari rito?" Napalingon ako sa nagsalita, si Governor, kasunod nito si Nathan at dalawa pang agent na sina— Joseph at baliw na si Kyle mula sa pagroronda. Ano ba 'yan, bulong ko sa sarili ko. "Wala namang kwenta 'yang hinire mong bodyguard, dad!" Ang galit na boses ni Terrence ang ikinataas ko ng isang kilay ng muli ko siyang balingan and his pointing one finger at me. "May taong nakapasok sa kwarto ko, buti na lang nagising ako dahil kung hindi, baka pinaglalamayan niyo na ako ngayon!" Gigil na sabi nito na matatalim ang tinging pinukol sa akin. Masyado namang exagg 'tong lalaking 'to. Para namang may ginawa ako sa kanya. Lol! Kahit r****t hindi magtatangkang masama sayo! Ang sa loob-loob ko. "You're supposed to be my bodyguard pero mas masarap pa yata ang tulog mo kaysa sa akin at hindi mo nabantayan ang pagpasok ng taong iyon sa kwarto ko!" Sigaw pa nito. Nagpanting naman ang tenga ko. Say what?! Bodyguard po ako, pero hindi ibig sabihin 24/7 akong dilat! Kaya nga may mga guard at agent namin ang nagroronda tuwing gabi. Hindi na lang ako kumibo dahil una kasalanan ko rin dahil nagpabaya ako at pangalawa hindi ko siya pwede barahin dahil nasa harap kami ni Governor, baka isipin pa nila na wala akong modo. "Pasensiya na. Hindi na ito mauulit." I said it directly, looking at Terrence’s eyes. "Ang dapat sa’yo tinatanggal na sa serbisyo! Magaling ka lang naman sa salita pero isa ka lang duwag." "Terrence, enough." Malumanay pa ang tono ni Governor sa pagpigil sa anak. Subalit hindi nagpaawat si Terrence. "Hindi ka dapat pinagkakatiwalaan sa ganitong trabaho! Ano'ng klaseng agent ka hah!? Gumamit ka lang ata ng koneksyon para makapasok sa Secret Service!" Tila biglang sumulak ang dugo ko sa ulo! Maliitin na niya ako subalit hindi ang trabaho ko! Pinaghirapan ko kung ano man ang narating ko ngayon! "Whoa! I'm sorry Sir Terrence." Si Nathan. "You don't have the right to say that, especially to the person you haven't known for long—" "Should I need to know her more? Hah! Ngayon pa nga lang nakita ko kung paano siya magtrabaho! Kung paan—" "That's enough!" Galit na boses ni Governor Gerald ang dumagundong sa loob ng silid, lahat kami ay napalingon. "Alex I need some explanation over this." Sabi ni Gov. sa akin, tapos sinenyasan si Nathan. "Nathan, make sure na safe na ang paligid. Alex sumunod ka sa akin sa study room." Pagkasabi ni Gov. ay tumalikod na ito. Hahakbang na sana ako upang sumunod kay Gov. ng marinig ko ang boses ni Terrence. "Now we're even." Napalingon pa kami ni Nathan kay Terrence na nakangisi na parang nagwagi. Huminga ako ng malalim then I give him my sweetest smirk na ikinapalis ng ngiti niya sa labi. "Ikaw na ang bahala sa baby, Nathan. Baka ngumawa na naman 'yan." Ang pabiro ko pang sabi kay Nathan ng bumaling ako rito. Pigil ang tawa nito. "Baby? Saan banda? Sus, wala sa kalingkingan ni Joseph 'yan tabi mo pa ako." Sinamaan ko ng tingin ang biglang nagsalitang si Kyle buti nalang mahina lang pagkakasabi niya kaya kami lang mga agent nakarinig. Kung narinig lalo ni Terrence 'yon baka mas lalo kaming mag-riot. "Gag* ka talaga Kyle! Buti wala si Mike dahil naku kinutusan ka na no’n!" Saway ni Joseph sa nakasimangot na si Kyle. "Eh, ‘di tawagin mo pa." Sarap magmura sa mukha ni Kyle. Walanghiya talaga ang taong 'to. I sighed, defeated. Walang nananalo rito kay Kyle kaya hinahayaan nalang namin. Sa lahat ng mga empleyado ng SS, etong isa pa na 'to ang nakasama ko. Saka sumunod na ako kay Governor sa Study room. Leaving them while Joseph and Kyle arguing! And I don't care what reaction Terrence has right now. We're even? Not exactly. Though I almost lost my temper at that moment, thanks to Nathan. Kung hindi ito sumabat baka hindi ako nakapagtimpi't makatikim na naman 'yang Terrence na 'yan sa akin! Pagdating ko sa study room, nakaupo ng naghihintay si Gov. Lumapit ako sa table. "Maupo ka." Malumanay niya na utos sa akin. Agad akong tumalima. "Pasensiya na sa nangyaring kaguluhan, Governor." "It's fine. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sa mga nasabi ni Terrence." "Wala na po iyon. Siguro sa tindi na rin ng galit at takot niya kanina kaya ako ang napagbuntunan." "Thank you, Alex. I know you felt hurt because of what he said about you—about your work, which I know you respect so much." I let out a sigh. "Let us put aside what happened earlier, sir. Even if he said it out of anger and fear or an intentional remark, I don't mind. What mattered most was that the job was completed." Ngumiti ako kay Gov. "Nakapaglagay po ako ng 3 tracking device sa relo, pitaka at sa loob ng bag. Naglagay rin ako ng audio device sa kanyang nectie at bag. Subalit hindi ko inaasahang magigising siya." "No problem, Nathan can take care of that." He smiled and tapped my shoulder. "Good job. You can go back to your room now and have a rest dahil paniguradong bukas hindi ka makakapagpahinga sa pagbabantay sa kanya." Pareho kaming natawa ni Gov. "I can handle that, sir. Sige po." Sabay tayo saka tinungo na ang pinto, leaving the Governor in the study room. Yeah, I need a rest now, inaantok na rin ako. And tomorrow is another battle. If again, he insult my work, wala ng Nathan ang papagitna sa amin kaya siguradong hindi na siya makakaligtas sa akin! ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD