bc

Ms. Bodyguard

book_age16+
419
FOLLOW
4.1K
READ
HE
opposites attract
arrogant
badboy
lighthearted
brilliant
campus
city
highschool
like
intro-logo
Blurb

"And... the first time you fall in love with the only person who your heart cherishes the most, it changes your life forever."

May dalawang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. It's either gustong magbago o nasaktan ng todo. Si Terrence Altamonte, isang mabait na anak, kapatid at kaibigan subalit isang masakit na pangyayari ang kanyang kinimkim na naging dahilan ng kanyang pagbabago.

Hanggang sa dumating si Agent Alexis Alejo sa kanyang buhay, isang palaban at matigas na Bodyguard na handa siyang patikimin nang kamao oras na hindi siya sumunod dito! Sandali, baligtad yata?

Paano kung malaman niya na ang pangyayaring iyon ang dahilan ng panganib sa kanyang buhay? Sa pagkakataong ito, kaya na ba niyang harapin ang nakaraang tinatago? Handa ba niyang tanggapin ang tulong ng isang babaeng bodyguard na kinaiinisan niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Bodyguard and The Immature
ALEXIS ALEJO POV Itinigil ko ang aking motor sa harap ng malaking gate. Agad namang lumabas mula sa guardhouse ang isang security guard na lumapit sa akin. "Hi! Ako si Agent Alexis Allejo. Governor Gerald expects me today." Nakangiti kong sabi sa guard sabay pakita sa ID ko. Hindi naman ito nagtanong ng kahit ano sa akin, mukhang inieexpect na niya ako kaya agad niya akong pinapasok. "Alex!" Si Agent Nathan na nakita kong papalapit sa kinaroroonan ko. "Hi, Nathan!" Malaki ang ngiting bati ko naman sa kanya. Darn! One of the hotties in the Agency! Sa edad nitong trenta ay binatang-binata pa din ito. "Nabalitaan ko mula kay Boss Kevin na darating ka ngayon upang maging personal bodyguard ng anak na lalaki ni Governor. Naku, masyadong matigas ang ulo ng taong 'yun, pero sa pagkakakilala ko sa ’yo I think you can handle him," nakangisi nitong sabi. "Syempre naman! Ako pa!" "I'm glad na makakasama kita sa trabahong ito," then inilahad niya ang kanang palad. Napangiti ako. "Same here." Saka tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "O, tayo na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Governor. Ako na ang magdadala niyan," bago pa man ako makapagsalita para magprotesta kinuha na niya sa kamay ko ang aking dalang bag sabay talikod. Napasunod na lang ako sa kanya papasok sa loob. Naabutan namin na nasa sala si Governor habang nagbabasa ng dyaryo. Nang makita niya ako'y agad itong ngumiti at tumayo sa kinauupuan. "Welcome, iha. Hinihintay talaga kita." Masaya nitong sabi. Hindi naman obvious Gov. Hindi obvious na excited kayong magkaroon ng bodyguard ang anak niyo ha? "Sabi nga po ni Agent Nathan," sagot ko naman sabay sulyap kay Nathan. Tinawag ni Governor Altamonte ang isang kasambahay niya. "I already asked to prepare your room, kaya pwede mo muna ayusin ang iyong mga gamit." "Salamat po, Sir. Siya nga po pala, nasa eskwelahan na po ang anak niyo?" "Ah, yes. Mamaya pang 6 pm ang uwi ng batang iyon, kung walang gala ang barkada," sagot nito sabay buntong-hininga. "Iha, eto si manang Ising, sasamahan ka niya sa guest room. Katapat lamang iyon ng silid ni Terrence, babae ka at pulos lalaki ang naroon sa quarters niyo kaya mas mabuting doon ka na lang sa guest room. Ako at si Terrence lang ang nandito sa bahay, my wife and 2 daughters are in Manila." Kinuha ni Manang Ising ang gamit ko mula kay Nathan. "Salamat po pero aalis din po ako," pormal ko namang sabi na ipinagtaka ni Gov. "Pupuntahan ko po ang University na pinapasukan ng anak niyo since I'm his bodyguard, hindi naman po pwedeng nandito ako sa bahay habang nagsisimula na ang trabaho ko." "But—" "No buts, Sir," nakangiti kong putol sa sasabihin ni Gov. Napapailing naman si Nathan habang nangingiti. Before he agreed to hire me, I laid out my conditions. One, are the most common roles of a bodyguard, is to always be near the target person. Two, when it comes to my clients' safety and protection, I will do it in my own way, with no buts. And the last is punishment, meaning I need to use force if and when needed. He paused and nods after. "I'll contact the head of the University para makapasok ka ng walang problema." "Salamat po." Pagkatapos ay tinungo na namin ni Manang Ising ang magiging silid ko. PAGDATING ko sa University, agad akong nakapasok sa loob ng ipakita ko ang aking ID. 21 years old na si Terrence Altamonte. Pero hanggang ngayon ay nasa 3rd year college pa rin ito. Hindi sa mahina ang ulo nito kundi laging nakikick-out sa bawat school na pinapasukan, nambubully raw kasi. Laking Maynila, he had outstanding records when he was in High School and even when starting in college and 3 years ago inilipat siya dito ng mama niya dahil hindi nga nagtitino. They said he was influenced by bad friends’ kaya nagkaganun ito. Ang may-ari nang school na ito ay pinsan ng kanyang papa, kaya dito siya ipinasok at para mapalayo na rin sa mga dating kaibigan nito. But from the information my boss gave me, pasaway daw talaga, pinagtyatyagaan lang ito ng kanyang Tiya para lamang makatapos. Kung hindi nakikipagbasag-ulo, nambubully. Napailing na lang ako sa isiping iyon. Nang makarating na ako sa harap ng klasrum ni Terrence Altamonte, sumilip ako sa salamin ng nakasaradong pinto, nakita ko na nagkaklase ang babaeng Professor. Inisa-isa ko ang itsura ng mga estudyante pero ganoon na lang ang pagtataka ko dahil hindi ko siya makita. Muli akong napatingin sa hawak kong papel. Tama naman, sa isip ko. Ilang sandali pa napansin ko ang paglapit sa akin ng Professor, marahil nagtataka ito kung bakit ako silip ng silip. Binuksan nito ang pinto, napatingin naman sa akin ang mga estudyante. "Ano 'yon, Miss?" "Ah, pasensiya na po kung nakaabala ako sa klase niyo. Hinahanap ko ho kasi si Mr. Terrence Altamonte. Ito kasi ang nakalagay na room number sa schedule niya. Pero—" napahinto ako ng mapansin kong may itinuro ang mga estudyante sa may bandang likuran. Napasunod na rin ako ng tingin, doon ko lang napansin ang isang lalaking nakayukyok ang ulo sa mesa at halatang tulog. Really? "There he is — our sleeping prince." Tila iritableng sabi ni Prof. Ginising ng mga katabi nito ang natutulog, inis naman nitong inangat ang ulo saka masama ang tinging bumaling sa nanggising. May sinabi ang katabi kay Altamonte pagkatapos ay nangungunot ang noong tumingin sa akin. Ako naman ang mahinang bumulong sa Professor. Napatingin pa nga ito sa akin na parang hindi naniniwala. Mukha ba akong nagsisinungaling? Mukha ba akong may gagawing masama at parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko? Tsk! "Ah, ganoon ba. Sige, hintayin mo na lamang matapos ang klase namin, we still have 25 minutes left. You can wait outside or you can sit in the vacant chair at the far back." Ang sabi nito saka itinuro ang vacant chair na nasa dulo. Magsasalita sana ako upang sabihin na sa labas nalang ako maghihintay nang maulingan ko ang tanong ng isang estudyante. "Miss, transfer student ka?" ang nakakalokong ngisi na tanong ng lalaki na nakaupo sa may second row. Though mukhang pabirong tanong lang naman iyon. Bago pa man ako nakasagot, inunahan na ako ni Professor. "She is not a transfer student, Albert. She's here as Terrence's personal bodyguard." Nakita kong nagbulungan ang mga estudyante na parang mga bubuyog sa ingay. They looked surprised. I don't know what's shocking. Na may bodyguard ang kaklase nila o dahil babae ang bodyguard nito? Or both? And I look at him. "WHATT!?" Ang malakas na sigaw ni Terrence na ikinalingon ng lahat sa kanya. I guess he really can't believe this, bigla-bigla ba naman kasi akong sumulpot dito at nagpakilalang bodyguard niya, gayong alam ko na ayaw niya sa mga katulad ko. "I'm sorry." Ang apologetic kong sabi kahit pa kahit parang napipilitan lang ako. "I thought your father had already told you about me. But, judging from your reaction, mukhang kabaligtaran iyon sa iniisip ko." Nakita ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga. "Nagkasundo na kami ng papa ko na ayoko ng bodyguard," sabi niya. "And I don't need you." Narinig kong nag-ungulan ang mga kaklase niya na agad namang sinaway ng Prof. "I need to talk to my father." Pagkasabi niya no’n ay kinuha nito ang bag, isusukbit na sana niya iyon ng magsalita ako. "Hindi pa natatapos ang klase mo, Mr. Altamonte. Kaya kung maaari ay bumalik ka na sa upuan mo. You can talk to your father once your classes are over." Napatigil siya at napalingon sa akin. Nakita ko ang tila pagkagulat niya sa sinabi ko pagkatapos ay sinamaan ako ng tingin. "Ano’ng sinabi mo?" Ngumiti ako. "Ang sabi-". "Let me remind you of this Miss. Hindi ikaw ang mga magulang ko, you are just a lady guard. So you don't have the right para utusan ako." Pagdidiinan niya sa bawat salitang sinabi niya upang ipamukha sa akin kung saan ko dapat ilugar ang aking sarili. Kaya naman biglang napalis ang ngiti sa labi ko kahit pa fake lang iyon. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya at bakit kailangan niya pang ipagdiinan ang bawat salita? Malas lang niya dahil hindi ako nagpapatalo kahit kanino, lihim akong napangiti. Matalas ang tinging ipinukol ko sa kanya. "Well, let me clear this to you, Mr. Altamonte," seryoso kong saad and I crossed my arms over my chest. "Yes, I'm not your parent. Yes, I'm just a lady guard. Pero may karapatan akong sabihin o gawin ang nais ko since your father gave me his permission. Aside from being a 'ladyguard', from hereon, I will be your protector, disciplinarian, and—" hinagod ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo "—a baby-sitter." Pinagdiinan ko ang huling salita for him to know. And I know, magpapanting ang tenga niya sa narinig. Who cares? Kaninang bulung-bulungan ng mga estudyante ngayon ay naging kantiyawan na. "SHUT UP!" ang malakas na bulyaw ni Terrence sa mga kaklase. Tumahimik ang mga ito. Pagkatapos ako naman ang binalingan ng masamang tingin nito. "A baby-sitter?" Pinukol niya ako ng matatalim na tingin. "Do you think I'm a baby?!" Halatang gigil na ang boses nito. Namumula na rin ito. Short-tempered eh? Ewan ko lang kung dahil ba sa galit o dahil napahiya ito. O pwede both? "Yeah, you're like a baby that needs a mommy." mahina kong bulong. Nagdadalawang-isip naman si Professor kung aawat na ba dahil sa namumuong tensiyon. "S-sige na. Tama na iyan. Terrence, go back to your seat, you can't skip your class. And Miss, pwede sa labas ka na lang muna?" Hindi nakatiis na utos nito at hinawakan niya ako sa balikat. Napabuntong-hininga ako at tumango. "Pasensiya na po Prof. sa abala.'' Binalingan kong muli si Terrence. "Just go back to your seat, Mr. Altamonte." I said to him with a slight warning tone. Pero imbes na umupo ito, humakbang ito patungo sa kinaroroonan ko. Magkalapat ang mga tingin namin habang palapit siya. Parang nagsusukatan kami kung sino ang mas matibay! Well, try me!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
81.1K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.3K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.4K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.3K
bc

Dangerous Spy

read
311.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook