ALEXIS ALEJO POV
Kinabukasan… Nakikinig ako sa usapan nila Terrence sa aking earpiece mula the audio device na ikinabit ko sa gamit niya.
"O, akala ko wala na 'yang bodyguard mo? Eh, bakit andito pa 'yan? Hindi mo kinaya 'no?" Ang mahinang tanong ni Kenneth na natatawa pa.
"Pero bro, maganda siya. Parang hindi mo aakalaing bodyguard unlike sa mga napapanood ko minsan sa TV na mga mukhang barako! Kung magkakaroon ako ng bodyguard na ganyan kaganda, aba, bibreakan ko na agad ang syota ko!" Ang boses ni Mark iyon. Ahem!
"Sira*lo. Paano ka makikipagbreak, eh wala ka namang syota!" Si Jason.
Tawanan ang mga pa ang mga ito.
"Hanep talaga ang mga ilusyon mo, pre! Lumelevel up! Problema pa si Ms. Bodyguard nasa taas eh ikaw, ni wala pa sa kuko niya sa paa!" Parang gusto ko matawa sa tinurang iyon ni Kenneth sa kaibigan.
"Ganyan ang nangyayari sa mga taong laging basted!" Tawanan uli.
"O itigil mo na kasi minsan pag-iilusyon, pre! Sama ng tama sa'yo eh!" Si Jason na hindi na matigil sa kakatawa.
"Mga wala talaga kayong kwenta kausap!" Pikon na sabi ni Mark.
"Magsitahimik nga kayo!" Rinig kong asik ni Terrence sa tropa niya. Tsk! May ugali talaga, kahit tropa hindi sinasanto. "Night out tayo mamaya, tutal friday naman." Sabi niya kapagkuwan. Hah!
"Eh, may bodyguard ka na, pa'no 'yan? Sigurado bantay sarado ka ngayon! HeHe-" Biglang tumahimik si Mark.
"Wala siyang magagawa kung saan ako pupunta. Bumuntot siya kung gusto niya, pero hindi niya ako mapipigilang gumala kung saan ko gusto!" Inis na wika ni Terrence.
Tumigil na sila sa pag-uusap nang dumating ang kanilang Professor.
Napapailing na lamang akong kinuha ang cellphone ko at naglaro. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Talagang maliit ang tingin sa akin ng lalaking 'to. Kahit ayaw niya ng bodyguard, irespeto na lang niya ako bilang babae, diba? Hindi ba ako mukhang babae sa paningin niya? Buti pa mga kaibigan niya appreciate pa ang ganda ko!
"Sino ang pwedeng magsolve ng equation na ito?" Ilang sandal pa ay narinig kong tanong ni Mrs. Tan. Napatingin ako sa nakasulat sa whiteboard. Goodluck sa magsosolve! Ang haba niyan!
Napansin ko na may nagtaas na agad ng kamay! Tinignan ko kung sino. Si Terrence.
Wow ha! May braincells pala ang isang 'to?
"Sige Terrence, solve it." Ani Prof.
"I am not the one who will solve that, Ma'am." Tila proud pa ang tono nito!
Eh, kung hindi siya bakit pa siya nagtaas ng kamay? Laki ng problema ng taong 'to! Nang bigla siyang lumingon sa akin sabay ngisi! Nawala 'yung ngiti ko sa labi. Ano na naman ang gusto ng isang 'to?!
"My Bodyguard will answer that." Sabi niya na sa akin nakatingin at hindi pa rin naalis ang ngising aso. Nagngisihan din ang mga kaibigan nito. Napatingin naman sa akin ang mga estudyante!
Pero syempre napanganga ako sabay turo sa sarili ko, tumango naman ang luko-loko.
Sh*t! Do you want a fight?! Me? Solving that—that nakakalokang math equation?! Should I kill him instead?!
"She's not a student, Terrence." Pormal na sabi ni Mrs. Tan sabay tingin sa akin.
Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon kay Prof. saka ngumiti.
"If she can't answer that, then ibig sabihin wala siyang kakayahang protektahan ako."
Biglang napalis ang ngiti ko at nilingon si Terrence.
Seryoso ba 'tong bwisit na 'to?! Sipain ko kaya palabas ng bintana ang lalaking 'to? Ano’ng kinalaman ng math equation sa pagiging bodyguard?!
"Saka Ma'am, kahit hindi siya estudyante, andito siya sa loob ng classroom kaya dapat din siyang magparticipate minsan." Sabi niya sa Prof na agad naman sinang-ayunan ng mga bwisit nitong mga kaklase kaya napatingin sa'kin uli si Prof.
Luko-loko talaga ang isang 'to! Gusto na naman ng giyera!
Muli niya akong binalingan sabay binigyan ako ng matamis niya'ng ngiti! "Sige na, Ms. Bodyguard, prove it to me na may kakayahan ka nga para protektahan ako." Kinindatan nito ang mga kaibigan kaya mas lalo din nang-udyok ang mga ito.
Tumawa ako ng pagak pagkatapos ay nakakabwisit na ngisi ang iginanti ko sa kanya na ikinapalis ng matamis niya'ng ngiti. "Fine, sir." pormal kong sagot sabay tayo. Humakbang ako patungo sa harap, pero tumigil muna ako sa tapat ng upuan ni Terrence. "But before that, let's have a deal." Malamig ang tono ko na sabi sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata nito na tumitig sa akin.
"Kapag mali ang naisagot ko sa equation na 'yan— I will be the one to resign as your bodyguard, effective immediately. Pero, kapag nasagutan ko ng tama 'yan, you'll accept me as your bodyguard at hindi mo na ako mamaliitin." Seryoso ang mukha ko pagkasabi sa kanya.
"Okay deal!" Agad din naman siyang tumugon at muling ngumisi.
Humakbang na ako palapit sa whiteboard, kinuha ko ang pentel saka nagsimula na akong magsulat.
After several minutes....
"Oh good!" Nasayang sabi ni Prof. "Tama ang sagot mo." Sabay palakpak.
Napangiti ako saka binalingan si Terrence na nakanganga kahit ang ibang mga kaklase nito. Tinaasan ko siya ng kilay, na parang sinasabi kong 'Ano ka ngayon? Hamunin mo pa ako'. Sabay-sabay ring napalingon ang lahat kay Terrence upang makita ang reaksyon nito.
"Paano mo—" natitilihang sabi nito na nakatitig sa akin.
O ano? Namangha ka 'no? Huwag mong minamaliit ang gaya kong Valedictorian.
Nginisihan ko siya. Humakbang na ako pabalik sa likuran pero muli akong tumigil sa tapat ng desk niya sabay sabi "I hope may isa kang salita, Mr. Terrence. Altamonte." Pinagdiinan ko talaga ang kanyang pangalan. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot, dumiretso na ako sa likuran.
"Ok class, let's continue." Ang sabi ni Prof nang mapunta sa kanya ang atensiyon ng lahat.
Pagkaupo ko ay napansin ko na nakalingon pa rin sa akin si Terrence.
Ano na naman kayang iniisip ng isang 'to? Nginitian ko lang siya, but as expected, ginantihan niya ako ng masamang tingin sabay iwas. Napangiwi ako. Hindi ko maarok ang ugali ng taong 'to.
Alas sais na ng matapos ang klase ni Terrence ng payapa. Oo, payapa. Walang giyera na nangyari sa pagitan naming dalawa. Pero 'yon ang akala ko.
"Ms. Bodyguard!" Tawag sa akin ni Terrence.
Napangiwi ako. May pangalan ako, ‘no. Patungo na kami sa main gate na malapit sa building A. Kasalukuyan kaming nasa tapat pa ng building B.
"Nalimutan ko ang isang notebook ko sa room 340. Balikan mo nga kung naroon pa."
Notebook? Ni hindi ka nga nagsusulat unggoy ka! Pero tumango na lang ako. "Ok hintayin mo ako dito maliwanag?" I said to him in a warning tone.
"Oo na nga! Bilisan mo na para makauwi na tayo!" Inis na anas nito sabay talikod sa akin.
Sarap sipain eh! gigil kong bulong sa sarili ko. Mabilis ako'ng tumakbo papunta sa Room 340, iyon ang huling room nila para sa araw na ito. Nasa 4th floor iyon sa building C. Bigla kong naisip, 'di ba nag-aaya itong magnight-out?
"Tara na!" Narinig ko ang boses ni Terrence sa earpiece ko.
"Paano 'yong bodyguard mo?"
"Kaya ko nga inutusan bumalik sa room 'yun para 'di makabuntot sa akin! 'Yaan mo siya. Tara!" Boses ni Terrence.
So, ganoon pala. Napatigil din ako sa pagtakbo at pag-akyat sa second floor ng Building C. Kinuha ko ang cellphone ko saka may pinindot. Ang signal ng tracking device na inilagay ko sa gamit ni Terrence ay makikita sa cp ko at gumagalaw iyon malapit na sila sa Building A!
"Sakit sa ulo ang isang 'to! Ayaw magtanda hanggang hindi natuturuan ng leksyon!"
Agad kong binilisan ang pagtakbo, pero sa second floor pa rin ako dumaan, sa may connection bridge ng Building C at B. Pagkatapos ay tinalunton ko naman ang hallway ng building B patungo sa connection bridge ng building A. Buti na lang nakabisado ko ang lugar na ito matapos ko maglibot-libot dahil palipat-lipat ng room ang mga estudyante. Mabilis ko ng tinalunton ang bridge. Nang nasa gitna na ako, sumampa ako sa pasimano. Tumigil ako doon habang humihingal. Muli kong tinignan ang cp, nasa ilalim na sila ng bridge.
Napangisi ako. "Oh Terrence Altamonte. YOU. ARE. DEAD."