Chapter 2 - Encounter

1543 Words
ALEXIS ALEJO POV Huminto si Terremce Altamonte sa tapat ko. Mas gwapo pala siya sa malapitan. "Terrence, go back to your seat or else I'll mark you absent." Pagbabanta naman ng professor. He glanced from me to the Professor. "Then mark me absent." Walang kakurap-kurap na anas nito sa Professor. Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig. Tss. Gwapo nga kabaligtaran naman sa ugali. I hate that kind of attitude. "And as for you, Miss." Baling muli nito sa akin. "Bumalik ka na sa pinanggalingan mo, you're fired!" Pasarkastiko nitong sabi saka tinungo ang pinto. Lihim akong napalatak. Akala ba niya ay pwede niya ako kayakayanin? Nagkakamali siya! Akmang hahawakan na sana niya ang doorknob ng biglang kong hilahin ang kanyang kaliwang braso at ipiilipit iyon sa kanyang likuran. Naramdaman kong napaigik siya, marahil ay naramdaman niya ang sakit ng ginawa ko. Hah! "H-hey!" anas niya. Napansin ko naman ang pananahimik ng mga kaklase niya, marahil nabigla rin ang mga ito. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Ang angil niya habang nagpipilit siyang magpumiglas. Hah! Wala palang binatbat ‘to eh, ang hina, parang babae. Nabwisit ako dahil sa patuloy niyang pagpupumiglas kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pilipit ng kanyang braso. "s**t!" bulalas niya! "Ngayon Mr. Altamonte—” I paused, pinakiramdaman ko siya at mukhang nakuha ko naman agad ang kanyang atensiyon. "Mamili ka, babalik ka sa upuan mo o— maghapon tayong ganito?" “What?!” "I can do this for the whole day, pero ikaw, matagalan mo kaya ang sakit?" May himig pang-uuyam sa tono ko. "Damn! Pwede kitang ireklamo ng physical injury! Kung hindi ka lang—ahk!" Napasigaw siya ng muli kong higpitan ang pagkapilipit sa braso niya. "Teka Miss—" Si Prof. iyon. I immediately cut her off by giving her a shush sign, which she got the meaning of. "You were saying. Mr. Altamonte?" Kapagkuwan ay tanong ko dahil wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Kailangan ko lang naman ang sagot mo, Mr. Altamonte. Kung hindi ka magsasalita it means— you choose the second-" "Ok-Ok!" Ang yamot niyang sabad. "Babalik na ako sa upuan ko!" Kaya naman ay binitawan ko na siya na agad ding lumayo sa akin. Well, natrauma ko yata siya. Pero matatalas na tingn ang ipinukol niya sa akin. Siguro kung nakamamatay lang ang tingin baka kanina pa ako nakabulagta sahig. Kulang na lang ay batuhin ako ng titig niya ng mga patalim. "You gonna pay for this!" Mahina niyang banta. Then he decided to go back to his chair, kaya humakbang na siya. Kakalagpas pa lamang niya ng dalawang hakbang ng muli akong magsalita. "Siya nga pala Mr. Altamonte, ipapaalala ko lang uli sa 'yo." Hindi na siya nag-abalang lingunin ako. "Sinabi ko kanina na may karapatan akong gawin ang nais ko hindi ba? That's because your father agreed to my conditions, means he gave me his permission to— use force if I have to." Bigla siyang napalingon sa akin na nanlalaki ang mata sa gulat dahil sa narinig. I just give him a smirk. O loko, nakuha ko ba ang atensiyon mo? "Mabuti 'yung nagkakaintindihan tayo, Mr Altamonte. Kaya sa susunod, gawin mo na lamang ang mga sasabihin ko." May himig pagbabanta ang aking tinig. Hindi siya kumibo. He just glare at me saka padabog na muling bumalik sa upuan niya. Muli kong binalingan ang professor upang humingi ng paumanhin at magpaalam na sa labas na lamang ako maghihintay. Then bago ko buksan ang pintuan ay muli kong binalingan si Mr. Altamonte, ipinaparating ng tingin ko na I'll be outside, so behave or else... Paglabas ko ng klasrum my sigh hissed in the confined space. I didn't intend to use force sa una naming pagkikita but he really gave me no choice. His attitude is too much, he needs to learn to correct that attitude of his. Inilabas ko mula sa bulsa ang papel na naglalaman ng schedule nito. I should find his next room since I still have time to kill before his class ends. "Room 403." I murmur. Hindi naman ako nahirapang maghanap. Ano’ng silbi ng pagtatanong, diba? Ayoko ng hiluhin pa ang sarili ko sa paghahanap kung marami namang mapagkukunan ng info. Sumilip lang ako sandali para magmasid sa paligid. Siguro naman hindi magtatangka ang may balak sa pamilya nila ang galawin si Terrence within the school premises. Just what? To threaten the Governor? Kaya naisipan ko ng bumalik sa room ni Altamonte. But unfortunately, ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng malaman kong umalis si Terrence pagkaalis ko kanina. Napailing na lang ako. Well, ano pa bang inaasahan ko sa may ganoong klaseng personality? Sabay balik sa motor ko para bumalik sa mansyon ng mga Altamonte dahil for sure umuwi ang taong 'yon. Habang nagmamaneho, iniisip ko na ang dapat gawin sa kanya! And until—until we can change their situation, I will protect him, even if he doesn't like my method. Even if he doesn't like me as his bodyguard! He has no choice! ** TERRENCE ALTAMONTE POV Marahas akong napabuntong-hininga, kanina ko pa kasi kinukumbinsi si papa na paalisin na ang nakakainis na babaeng ‘yon pero talagang nagmatigas si papa, parang ang laki ng tiwala nya sa bagong bodyguard. Subalit bakit pakiramdam ko mas nasa panganib ang buhay ko sa kamay ng babaeng ‘yon kaysa sa mga taong nagbabanta sa buhay namin? Oo nga’t maganda ang babaeng ‘yon, pero hindi ko naman gusto ang ugali nito na parang ang laki ng bilib sa sarili, bukod doon bakit kailangang ako ang sumunod sa kanya? Hindi ba dapat siya ang sumunod sa akin? Ako ang kliyente, siya ay empleyado lang! Badtrip tuloy ang araw ko! Sigurado buong university pinagchichismisan na ang kahihiyang inabot ko kanina! Mahihinang katok ang pumukaw sa pag-iisip ko. Napalingon ako sa bumukas na pinto ng study room saka pumasok si Maang Ising. “Sir Gerald, nandito na po si Agent Alexis.” Sa narinig kong huling pangalan, biglang nangasim ang mukha ko. Lalo na ng pumasok ang nagngangalang Alexis. Naalala ko naman ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin kanina! Tumingin siya sa akin, tinitigan ko na naman siya ng masama. If only look could kill! “O, Alex, mabuti dumating ka na. Maupo ka rito.” Ang malumanay na utos ni papa na agad namang sinunod ng babae. Lumabas nang muli si Manang Ising. Pagkasarado nito ng pinto muling nagsalita si papa. “Kung ganoon, tinakasan ka pala nitong si Terrence?” Pormal na tanong ni papa sa babaeng nagngangalang Alexis or Alex daw. I narrowed my eyes when she blankly looked at me. “Pasensya na po, Governor," sabi nito subalit sa akin nakatuon ang kanyang tingin. “Umalis lamang ako sandali subalit nang pagbalik ko sa room nila ay wala na siya.” Nilabanan ko ang titig niya sa akin. Tila nakaramdam naman si papa sa namumuong tensyon sa aming dalawa kaya tumikhim ito na pareho naming ikinalingon. “Kahit walang magsalita sa inyo, alam kong may nangyari kanina at hindi ko na kailangang tanungin pa kung ano iyon.” Pormal pa rin ang mukha ni papa na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin, pagkatapos ay huminto sa akin. “At buo na ang pasya ko na si Agent Alexis na ang magiging bodyguard mo hanggang hindi pa natutukoy kung sino ang nasa likod ng mga death threats sa pamilya natin, Terrence.” A shudder of anger and disbelief rippled down my spine. “But dad—“ “Don’t make me repeat my words, Terrence.” Maawtoridad na boses ni papa ang nag-echoed sa buong silid na ikinatahimik ko, pagganito na ang tono niya hindi na ako maaari pang magsalita. “Lagi kong binibigay at sinusunod ang gusto mo, pero ako ba inisip mo? Ginagawa ko ang sa tingin kong tama para maprotektahan ang pamilyang ito—ikaw, pero ginagawa mo naman ang mga gusto mo at naapektuhan nito ang imahe ko bilang gobernador! Isang gobernador na hindi kayang pasunurin at patinuin ang kanyang anak!” Ramdam ko na sa akin nakatingin ang babaeng kinabubwisitan ko! Nakakainis! Marahil pinagtatawanan n’ya ako dahil para akong batang pinapagalitan ni papa. "Simula ngayon, hindi ka maaaring umalis ng bahay na hindi kasama si Alex. Pinagpasensiyahan ko 'yang mga kalokohan mo sa mga dati mong bodyguards, but not now!" Dugtong pa ni papa. Marahas akong napabuntong-hininga, sabay tayo at tinungo ang pinto. Malakas kong sinara ang pintuan pagkalabas ko at dumiretso sa kwarto ko! Padapa kong ibinagsak sa kama ang katawan ko. Bwisit! Ayoko talaga ng bodyguard! Ayoko ng may bumubuntot sa akin! Tapos isa pang babaeng tigre! Kainis! Buong maghapon lang ako sa kwarto dahil ayokong makasalubong ang babaeng iyon! Kinagabihan… Bigla akong naalimpungatan dahil sa pakiramdam na parang may ibang tao sa kwarto ko. Medyo hindi ko pa maibuka ng buo ang dalawa kong mata dahil sa antok pero pinilit ko ang sarili kong tignan ang paligid dahil parang may naaaninag akong anino sa may banda ng cabinet ko. Nanlaki ang mata ko when I realize that it was a man, nakasuot ito ng itim at may kung anong ginagawa sa cabinet ko! Ganoon na lang ang naramdaman kong kaba sa dibdib! Tuluyan ng nawala ang antok ko! "SINO KA?!" ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD