TERRENCE ALTAMONTE POV
Ilang minuto matapos kong makapasok sa aking silid ay napalabas ako ng balkonahe nang may marinig akong ingay ng motor at nakita ko nga ang bodyguard ko na umalis. So, kaya pala ayaw mo ako pagalain kasi ikaw 'tong may gala. Napangisi ako.
Hinubad ko na ang damit ko, kinuha ko si cp saka dumiretso sa banyo. Kinontak ko si Kenneth.
"Eh, paano ang tigre mong bodyguard? Baka kami naman ang malagot, kita mo nga kanina, titig palang scary na!" sabi ni Kenneth sa kabilang linya.
"Wala siya. Umalis. Kaya sunduin niyo ako dito sa bahay." giit ko.
"O sige, p’re! Pero ikaw mananagot kapag nalaman 'to ni tigreng bodyguard, ha!" sabi pa nito.
"Oo na! Bilisan mo na baka bumalik na 'yon!"
"Ok-ok! Bye!" saka nawala na ito sa kabilang linya.
Matapos ng pag-uusap namin na 'yon, nagshower na agad ako. Bigla ko naisip habang nagshoshower na bakit ba parang natatakot ako sa babaeng 'yon dahil kailangan ko pang umalis ng palihim. I am not scared! Patuloy kong kastigo sa sarili ko! Ano ba dapat ko ikatakot sa kanya eh bodyguard lang naman siya! Sa isipin mas lalo ako nagkalakas ng loob.
Sakto pagkatapos ko magbihis tumawag si Kenneth.
"P’re! Andito na ako sa tapat ng gate niyo, hintayin kita dito."
"O sige! Papunta na ako!" nakangisi kong sabi sabay kuha ng pitaka ko. Nagmadali akong bumaba, mabuti na lang nasa study room si daddy. Ang mga bodyguard naman nito ay siguradong nasa quarters nito. Ang mga security guards naman, madali nang mauuto 'yan! Kaya ayon, walang kahirap-hirap akong nakalabas! Hindi ko napansin na may nakamasid pala sa akin.
Agad pinaharurot ni Kenneth ang sasakyan pagkasakay ko. Naisahan ko rin ang babaeng 'yon. "Nandoon na sila?" tanong ko kay Kenneth na nagmamaneho.
"Susunod na raw sila roon. Hindi naman kasi namin expected na mangyayari 'to. Ako nga 5 minuto lang nakaligo dahil sa pagmamadali." natatawang reklamo nito habang naiiling.
Lakas naman ng tawa ko na ikinalingon niya. "5 minuto? Pucha! Ano’ng ginawa mo sa 5 minuto na 'yon?" natatawa ako pang asar kay Kenneth.
"Loko ka rin, eh! Minamadali mo ba naman ako eh halos kakarating ko lang sa bahay no’n!"
"Kaya pala nangangamoy dito sa loob ng kotse mo!" kahit masakit na 'yong tiyan ko sa kakatawa sige pa rin.
"Siraulo ka talaga!" natawa na lang din ito sabay nagpatugtog.
Lingid sa aking kaalaman na mayroon palang nakasunod sa aming sasakyan.
ALEXIS ALEJO POV
Ipinark ko na sa parking area ng airport ang motor ko. Bago ako umalis ng parking ay kailangan ko muna tumawag ng taxi para kay Kuya Stevein. Iiwan ko nalang muna ang motor ko dito, papakuha ko na lang ito kay kuya Jazz bukas. Humakbang na ako papasok sa loob pero naisip kong tignan na muna ang cp ko. May pinidot ako then bigla akong napamura! Sino ba naman ang hindi, umalis si Terrence sa mansyon! Nalaman niya siguro na umalis ako kaya ayon, nagcelebrate ang loko!
"Bad timing talaga ang lalaking 'to!" ang naiinis kong ani sa sarili. Kinontak ko si Nathan.
"Nakasunod na ako sa kanila ngayon. Don't worry, ako na muna ang bahala magbantay sa kanya." ani ni Nathan sa kabilang linya.
"Salamat, Nathan. 'Di bale, susunod rin ako 'jan. Papasakayin ko lang muna si Kuya ng Taxi." apologetic ang boses ko. Nakakahiya kasi kay Nathan, ako dapat ang naroon.
"Like I said, don't worry. Ako na bahala. Just enjoy your reunion with Stevein."
"Thank you talaga, Nathan. Babawi ako sa iyo next time!"
"Sabi mo 'yan ha! Sige. Bye." sabi nito saka tuluyang ibinaba ang linya.
Saka muling isinilid ko sa bulsa ang cp at mabilis ako tumakbo patungo sa loob ng airport.
Nandito na ako sa arrival area at hinihintay na lang si Kuya. Panay rin ang tingin ko sa cp at relo ko, hindi ako mapakali. Kapag ganito ang nararamdaman ko pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Ilang sandali pa nakita ko na si Kuya.
"Kuya Stevein!" sigaw ko sabay kaway. Ang laki ng ngiti nito ng makita ako at nagmamadaling humakbang palapit sa akin.
"Lexy!" nang makalapit na siya'y agad akong niyakap ng mahigpit, paano halos dalawang taon din kaming hindi nagkita.
"Miss na miss kita, Kuya!" gumanti rin ako ng mahigpit na yakap.
"Me too, bunso!" saka kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. "Lalo kang gumaganda ha? Inspired na naman ikaw?" ngisi pa nito.
"Sus! Eh, lagi naman akong maganda at never na magbabago 'yon!" sakay ko naman sa biro niya na ikinatawa niya. Saka ko lang napansin ang babaeng kasama niya. Halos kasing tangkad ko or mas maliit lang siya ng konti, maganda rin siya at mukhang mabait.
"Kasama mo, Kuya?" taka ko namang tanong sabay turo sa babae, ngumiti sa akin ang babae. Lumingon naman si Kuya sa likuran niya.
"Ah!" he placed his hand at the woman's back urging her forward. "Bunso, I want you to meet my girlfriend, Trisha."
I like her beauty but I don' t like her name! Pangkontrabida! The hell! Naalala ko na naman ang babaeng dahilan ng break-up namin ng ex ko!
"Oh, hi. Nice to meet you—" napangiwi ako. "Ah, can I call you Isha na lang?"
Kuya Stevein narrowed his eyes. "Hey, don't tell me you-"
"Tss. Kuya, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko lang maalala ang nangyari noon."
He gently tap my head. "Silly. It's still the same."
Napasimangot ako. "No, it's not!
Tumawa lang ito saka inakbayan ako. "Maniniwala lang ako na nakapag-move-on ka na sa walang kwentang lalaking 'yon kapag may ipinakilala ka na sa akin na bagong guy."
"Ano ka ba Stevein, 'wag mong asarin ang kapatid mo. Saka it's fine for me if you want to call me Isha. Cute nga eh." she smiled at me. Mukhang magkakasundo kami nitong si Isha.
"Tss. Buti pa si Isha!" sabay siko kay kuya, tumama iyon sa dibdib niya. Napabitaw ito sa akin sabay hinimas-himas ang dibdib na tinamaan ng siko ko.
"And still haven't changed huh, sadista ka pa rin hanggang ngayon." natatawa nitong sabi saka si Isha naman ang inakbayan.
"Mild brutal lang kuya hindi sadista." sabay angat ng nakakuyom kong kamao sa ere. Tawa lang ito.
"O tayo na. Umuwi na tayo." mayamaya ay nag-aya na si Kuya.
"Naku kuya. Hindi kita- kayo masasamahan pauwi. Pasensiya na." pinakita ko pa sa kanya ang apologetic kong cute face.
Nangunot ang noo nito pero bigla rin nito narealize. "Work?"
Tumango ako. "Next time ko na lang ipapaliwanag ang buong detalye, pero to make it short, tinakasan na naman ako ng binabantayan ko kaya kailangan ko ng hanapin siya. Kala niya siguro maiisahan niya ako."
Nagpapalatak si Kuya. "Hay naku. Kapag nakita mo siya, lagyan mo ng posas tapos ikabit mo sa braso mo nang hindi ka na matakasan. Kapag pasaway, bugbugin mo ng tumino." nakangisi pa nitong suggest.
See? Eto ang mga kapatid na namulatan ko kaya ako ganito! "Sira! Hindi ko gawain 'yon ‘no!" tawa rin ako. "Sorry talaga, Kuya."
Tumango lang siya, alam ko namang naiintindihan niya ako. "I know. I understand. It's your job, wala akong magagawa. Basta babawi ka sa akin ha? Halos dalawang taon din tayong hindi nagkita."
Niyakap ko siya. "Oo naman! Ikaw pa!"
Hinatid ko na muna sila sa tinawagan ko kanina na Taxi at hinintay ko munang makaalis sila. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa motor ko. Kinuha ko muli ang cp ko. Susundan ko na lang ang signal ng tracking device ni Terrence. Humanda sa akin ang lalaking 'yon!
Nang marating ko ang kinaroroonan ng signal agad ko ipinark ang motor ko sa parking lot saka binuksan ko ang seat compartment at kinuha ang black jacket. Kinuha ko rin ang sombrero, isinuot ko iyon na nakapaloob ang buhok ko, pagkatapos ay muli kong isinara ang mini compartment.
Nasa loob ng disco bar ang signal, papasok na sana ako ng may mahagip ang tingin ko, si Nathan. Hindi niya ako nakita dahil medyo naka-sideview siya habang may kausap sa phone. Hinayaan ko na lang siya kaya pumasok na ako sa loob ng bar.
Pagpasok ko, sari-saring mga ilaw ang nasilayan ko, maraming tao at higit sa lahat... ang ingay ng dulot ng malakas na tugtog. Halos magkandahaba-haba na ang leeg ko sa kahahanap sa lalaking 'yon. Naisipan kong umakyat sa 2nd floor baka naroon siya. Paakyat na sana ako ng hagdan ng mahagip ng tingin ko ang pamilyar na bulto ng lalaki na may kasayaw na mga babae kasama ang ilang kalalakihan.
"Terrence Altamonte." ang mahina at gigil kong sambit sa pangalan niya habang nakatingin sa lalaking nagsasayaw. "Humanda ka sa akin ngayon!" nakakuyom ang kamao ko dahil sa inis. Humakbang na ako palapit sa kanya. Pero...