Chapter 5 - Scared

1081 Words
TERRENCE ALTAMONTE POV Matapos ko utusan ang bodyguard na 'yun, inaya ko na ang mga tropa ko na mag-night-out. Dahil ayokong may bumubuntot-buntot sa akin, kelangan ko magsinungaling. Nasa tapat na kami ng connection bridge ng building A at B nang magulat ako at mapaigtad dahil may kung anong bagay ang biglang nahulog mula sa bridge! "Whoa!" nagulat din ang mga tropa ko sa biglang pagsulpot nito. No, wait! Hindi bagay kundi tao!Napatingala ako! The hell! Did she just jump from the bridge?! Napanganga ako! Nakita ko na tumayo si Ms. Bodyguard, parang biglang nagsitayuan din ang mga balahibo ko sa batok ng makita ko ang madilim niyang mukha. Mukhang galit ito! "Ang astig!" bulalas ni Mark na nanlalaki ang mata at nakanganga. Amaze na amaze ito sa nakita. "B-babae ba talaga siya?!" ang parang wala naman sa sariling anas ni Kenneth. Lahat kami nakatanga sa pagkagulat, napahinto din ang mga kasabay namin na mga estudyante. "Hindi ba sabi ko hintayin mo ako?" malamig ang boses na sabi nito. 'Yun bang lamig na hanggang sa kinatatayuan ko ay mararamdaman! Agad kong hinamig ang sarili ko. "O—oo, sa ano— sa labas kami maghihintay!" nilakpan ko ng inis ang boses ko. "Nasaan na ang notebook na pi—pinakukuha ko?" "Hindi ko na nakita." diretso niyang tugon na wala pa ring emosyon ang mukha. Bakit mas kinakabahan ako kapag ganito siya?! "P-paano mo nalaman ang pasikot-sikot dito?" hindi ko alam kung bakit 'yun 'yung lumabas na tanong sa bibig ko kahit na obvious din naman ang sagot. Subalit hindi ito kumibo at nanatili lang nakatitig sa akin. Darn! Bigla akong nailang! Or maybe... I felt... scared? "I am not!" Nagulat ako sa sinabi ko, naisigaw ko pala ang dapat ay sa isip ko lang! Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Umuwi na tayo." ang sabi niya saka tumalikod at nagpatiunang naglakad. Shet! Ako si Terrence Altamonte! Lahat takot sa akin so bakit ako ang matatakot sa isang babae lang?! Never! "Umuwi ka mag-isa! May lakad pa kami ng tropa ko at ayoko na may bumubuntot-buntot sa akin." pagmamatigas ko na ikinalingon niya. Napatingin sa akin ang 3 kasama ko. Nagthumbs-up pa si Kenneth! "Hindi maaari." maikli at pormal na sabi nito na ikinahumindig ko. "Hey! Who do you think you are para sabihan ako ng ganyan?! Hoy Ms., 'di ba parang sumusobra ka na ata, lampas na 'yan sa obligasyon mo!" She narrowed her eyes. "Baka nakakalimutan mo, I have the permission to do whatever I want to you. Kaya kapag sinabi ko na hindi ka pwedeng pumunta sa ganyan, iyon ang masusunod at walang pwedeng kumontra." Tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan ko. Nagpanting ang tenga ko, saka nginisihan ko siya. Magsasalita pa sana ako nang sumabat si Kenneth. "Ah T-terrence, next time na lang tayo gumala." ang biglang sabi ni Kenneth. Napalingon ako sa kanila. "O-oo nga pre. Saka m-me pupuntahan pa pala ako." sabi ni Jason. Mga ugok na 'to! Biglang naduwag, tinitigan lang! Napalingon ako kay Mark, nakabuka na ang bibig nito para magsalita pero pinukulan ko siya ng masamang tingin. Napatikom ito. "S-sige pre!" sabay-sabay na bigkas ng tatlo sabay takbo. "Hoy! Humanda kayo sa akin sa lunes!" pahabol kong sigaw! Mas natatakot pa sila sa babaeng 'to kesa sa akin!? Binalingan ko ang bwisit na babae na nakatingin lang sa akin, wala pa ring expresyong mababanaag sa mukha kaya mas lalo ako nailang. Kaasar! Saka padaskol na nagpatiuna ako sa paglalakad. Dumiretso na ako sa kotse namin na nasanparking lot. "Tara na." galit kong anas sa family driver namin. Nakakainis! Napalingon ako sa likuran, hinanap ko siya. Nakita ko na pasakay na siya ng kanyang motor at sumunod na rin sa amin. Napasapo ako sa noo ko. The hell's wrong with her? Jumping from the bridge! Eh kung nabalian siya, kasalanan ko pa?! And what's with those stares! Napailing na lang ako ng maalala ko! I'm not scared! Ano ba ang gagawin ko?! Nakakainis na ang babaeng 'to! Mamamatay ako ng maaga sa kunsumisyon! ** ALEXIS ALEJO POV Pagdating namin sa mansyon, nakita ko na padabog na bumaba at isinara ni Terrence ang pinto ng sinakyang SUV. Nakasimangot itong pumasok sa loob. "Ano na namang nangyari dun?" Napalingon ako sa nagsalita, si Nathan pala. "Nag-away na naman kayong dalawa?" Muling tanong nito sa akin. "Ewan ko ba sa taong 'yon. Never yata talaga kaming magkakasundo, hindi ko mareach ang ugali." nakasimangot ko namang sagot kay Nathan habang tinatakpan ang motor ko. "Bakit? Ano ba ang nangyari?" Napabuntung-hininga muna ako bago ikinuwento kay Nathan ang nangyari. Tawa ito ng tawa sa sinabi ko, kulang na lang maglumpasay ito sa kakatawa. Nahawa din tuloy ako sa tawa niya. "Nakahanap si Terrence ng katapat niya ha! Buti na lang na sa iyo ibinigay ang trabahong 'to! Saludo talaga ako sa'yo Alex!" nagsalute pa ito sa akin habang natatawa. Napapailing na lang ako sa ginawa niya. "Tigilan mo nga ako. Kilala mo ako, although mahaba ang pasensiya ko hindi naman ako makakapayag na minamaliit ako. Alam mo din na ayoko sa taong nagsisinungaling just for their own interest." Nathan crosses his arms. "Alam ko iyon. Kaya nga malaki talaga ang paghanga at respeto ko sayo." and he give me a very sweet smile. Pakshet! Feeling ko namumula ang mukha ko. Oi, Oi, alalahanin mo, hindi boys ang priority mo ngayon! Saka akala ko ba eh enough na muna sa mga ganyan? Letse! Nginitian ka lang! Kastigo ko sa sarili ko. Napukaw lang ako sa pag-iisip ng biglang mag-ring ang cp ko, kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumawag. Hala! Si mama! Nakalimutan ko. Agad kong sinagot habang nakatingin sa wristwatch. "Ma." nagsalita ang nasa kabilang linya. "Opo, nakalimutan ko po, mabuti po tumawag kayo.... Sige po, pupuntahan ko na po!" pagkababa ng phone agad kong inalis ang nakatakip sa motor ko. "O, bakit? May problema ba sa inyo?" ang conccern na tanong ni Nathan. "Ah, wala. Nakalimutan ko kasi na ngayon nga pala ang dating ni Kuya Stevein galing sa Manila at nangako ako na ako ang sasalubong sa kanya sa airport. Nakapagpaalam na rin ako kanina kay Gov." sumampa na ako sa motor ko. Muli kong binalingan si Nathan. "Ikaw na muna ang bahala dito, kapag umalis si Terrence, itawag mo sa akin." "No prob. Mag-ingat ka." Tinanguan ko lang siya saka pinaandar na ang motor ko. Lingid sa aking kaalaman ay may mga mata palang nakasunod sa paglabas ko ng mansiyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD