Chapter 7 - She's Here

1346 Words
TERRENCE ALTAMONTE POV "Woo!" malakas kong sigaw habang umiindak, kasabay ng maingay na tugtugin! "Oh yes!" muli kong sigaw, kasama ko ring nagsasayaw ang mga tropa ko at ilang seksing babae. "This is life!" "Rock 'n roll to the world!" sigaw ni Mark! "Wooo!" sigaw rin ng mga tropa ko. "Tangi**! Ano ba ang problema mo?! Kanina ka pa, ha!" bigla kaming napatigil ng may tumulak kay Jason. Napatingin din ang ibang nagsasayaw na malapit sa amin. "Teka, p’re, wala naman akong ginagawa sa 'yo, ha?" sagot naman ni Jason na nagtataka. "Wala? Gag* ka ba! Kanina mo pa ako tinatapakan!" nanlalaki ang mata ng lalaki sa galit, hinawakan nito sa kwelyo si Jason. "P’re, hindi ko naman sinasadya na matapakan ka. Nakita mo naman na maraming tao dito ‘di ba, kaya hindi maiiwasang magkatapakan." inis na sabi ni Jason. "Sumasagot ka pa?!" gigil na bulyaw ng lalaki sa kaibigan ko. "Tama naman ang kaibigan ko." sumabat na ako. Kahit tarantado ako, hindi ko naman matitiis ang mga kaibigan ko na ganunin saka nasa tama rin naman si Jason. "At sino ka naman?" tanong nito sa akin tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa! Pucha! Sapakin ko nguso mo eh! "Kaibigan ko nga siya at tama naman siya, nasa disco bar tayo, nasa maraming tao at hindi maiiwasang magkaapakan." kalmado ko na sabi. Pa-cool effect lang! Pero nangangati na ang kamao ko na sapakin ang pangit na 'to! Badtrip na nga sa araw pati ba naman gabi?! Baka sa 'yo ko pa maibunton ang badtrip ko! "Terrence, kaya ko na 'to." nakangiting sabi ni Jason with assurance in his eyes. "Ano’ng kaya?! Tarantado!" pagkasabi no’n sinapak nito si Jason, napaupo ang kaibigan ko sa sahig sa lakas ng kaliwang kamao nito. Agad namang dinaluhan nina Kenneth at Mark si Jason. Napasigaw ang mga babae kaya nahinto ang mga nagsasayaw pati ang nagpapatugtog. Tumayo si Kenneth, reresbak na sana pero… "Damn you!" gumanti ako ng sapak para kay Jason. Tumama ang kamao ko sa panga ng lalaki, pero agad din siyang nakarecover at inihanda ang kaliwang kamao para suntukin ang gwapo kong face! Ngunit bago pa iyon maglanding sa makinis kong mukha ay may pumigil na sa kamao nito. Nakatalikod siya at nakasombrero. Pigil-pigil ng kanang kamay nito ang kaliwang pulsuhan ng lalaki. "Hoy ikaw! Huwag kang makialam!" galit nitong bulyaw sa pumigil ng kamao niya. Nandidilat pa ang mata nito na nakatingin sa nakasombrero! "Pasensiya na, boss. Ang problema kasi nasa public area kayo at nakakagulo kayo sa mga nag-eenjoy rito. Kung gusto niyo magbasagan ng panga... doon kayo sa labas. Sa ginagawa niyo pwede kayong makasira rito at makasuhan pa ng damage of property," ang malamig na boses ng nakasombrero at pamilyar ang boses na 'yon! Nang mapansin ko ang mukha ni Mark, tila ba nakakita ng multo habang nakatitig sa nakasombrero. No, imposibleng siya 'yan, walang nakakaalam na nandito ako. "Sinabing huwag ka ng makialam!" Sabay hatak sa sariling braso na agad namang binitawan ng nakasombrero. "Maliit na bagay lang naman ang pinagtatalunan ninyo. Saka pwede namang pag-usapan ang mga ganitong bagay. Hindi mo kailangang manuntok, baka gusto mo pa na madagdagan ang kaso mo ng physical injury niyan," seryoso ang boses ng nakasombrero. Napaisip ang lalaki, maya-maya'y ngumisi ito na ikinainis ko. Aba! Feeling gwapo kang ugok ka! "Alright, fine! I will forgive and forget what happened tonight, on the condition that they kneel in front of me!" turo pa niya sa akin na agad ikinaasim ng mukha ko. Gag* ‘to! Sino may sabi sa ’yong luluhod ako! "Damn it! Isaksak mo sa baga mo 'yang tawad mo!" sigaw ko pa, akmang susugod sana ako nang iharang ng nakasombrero ang braso niya sa harap ko upang pigilan ako. "Aba't-" "Walang ginagawang masama ang kaibigan ko. Makitid lang kasi 'yang utak mo kaya hindi mo maintindihan! Gag*! B*b*!" muling sigaw ko sa lalaki, dinuduro ko pa ang pangit niyang mukha! Nang biglang umigkas ang kamao ng lalaki, at nagulat pa ako ng iharang ng nakasombrero ang kanyang sarili. Napaatras ako ng bahagya, napasinghap naman ang iba sa nakita dahil tumama lang naman sa kanang pisngi niya ang kaliwang kamao ng lalaki. Sa lakas niyon muntik na siyang matumba, mabuti na lang naibalance niya kaagad ang kaliwang paa niya. Ngunit kasabay no’n ay nahulog ang suot niyang sombrero kaya tumambad sa lahat ang naladlad niyang mahabang buhok. Oh sh*t! "W-what the—babae ka?" ang gulat na anas ng lalaki ng malamang babae pala ang kaharap at nasuntok niya. "M-Ms. Bodyguard!" ang halos sabay-sabay na sambit ng tatlong kaibigan ko. "Bodyguard?" hindi naman makapaniwalang ulit ng lalaki. Mas lalong nagpalaki sa mata ko ay ng bigla-bigla niyang binigwasan nang suntok sa mukha ang kaharap naming lalaki, natumba pa nga ito sa sahig sa lakas yata ng impak. Napadaluhong naman dito ang 3 pa nitong kasama. Napanganga ako! Siya nga na sinuntok ng lalaki na mas malakas pa hindi man lang siya natumba? Samantalang siya, babae, isang suntok lang niya sa lalaking 'yan, ito pa ang natumba? Is she real?!! Ganoon kalakas ang babaeng 'to? Masama ang tinging ipinukol ng lalaki sa bodyguard ko ng muli itong tumayo. "Hindi porke babae ka hindi na kita papatulan!" sabay sugod nito. "Huwag kang makikialam," malamig ang boses na narinig ko pa na sabi ni Bodyguard and I'm very sure na ako ang pinagsasabihan niya. Nagulat pa ako ng bigla niya akong itinulak! Napaatras tuloy ako, akala ko matutumba ako, mabuti na lang may sumalo sa likuran ko. May dumating na mga staff ng bar, ngunit huli na para umawat. "Pigilan n’yo sila!" narinig kong sabi ng mga nakapaligid. Muli akong bumaling sa bodyguard ko na ngayon ay hawak hawak ang kaliwang braso ng lalaki at ipinilipit iyon sa likuran nito. Mabilis namang sumugod mula sa likuran ni Ms. Bodyguard ang isang lalaking kasama nito ngunit bago nito tuluyang mailanding ang kamao, eh malakas na itong nabigwasan nang sipa ni Ms. Bodyguard na tumama sa sikmura nito, tumilapon ito at naglanding sa ibabaw ng mesa dahilan upang magiba iyon. Pagkatapos ay sinipa ni Ms. Bodyguard ang likod ng tuhod ng lalaking nanggulo kaya napaluhod ang gag* habang nakapilipit pa rin ang braso nito sa likod. Takte, deja vu? Narinig kong napamura ang lalaki marahil sa sakit na naramdaman sa braso niyang pilipit. Naranasan ko din ‘yan. Ngayon ay sumugod ng sabay ang dalawa pa nitong kasama. Binigwasan ng isa si bodyguard ng suntok, mabuti na lang nakailag siya at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Binitawan niya ang braso ng lalaki at itinulak ito saka hinarap ang pasugod na kalaban. Tila hindi inalintana ng bodyguard ko ang dami ng kalaban at nag-iisa lamang siya. Kung titignan mabuti, tila walang binatbat ang mga ito sa kanya! Sumugod nang suntok ang magaling na lalaki, sa pagkakataong iyon, muling hinawakan ni Ms. Bodyguard ang left wrist nito sabay tadyak sa isang paa at tila isang sakong binuhat niya iyon sabay balibag sa isa pang lamesa. Napaigik ito sa sakit. Tatayo pa sana ang isa ng makita kong kalmado na kinuha ni Ms. Bodyguard ang tray sa isang mesa saka inihampas iyon sa lalaki, balik ito sa tulog, nayupi pa ang tray! "Tumigil na kayo!" may isang sumigaw na ikinalingon namin. Marahil ito ang Manager kasama pa ang dalawang bouncer. Lumapit ito kay Ms. Bodyguard upang kausapin ang huli. Tapos na? Ang bilis naman! Para akong nanunuod ng movie pero behind the scenes! Saka hindi man lang nabugbog ang bodyguard ko? Ang hihina! Wala palang binatbat 'tong mga 'to! Wait! Kung nakakaya niya ang apat sa isang labanan, paano pa kaya kung ako lang? Holy sh*t, Terrence Altamonte, you're dead! Kinilabutan ako sa naisip ko saka muling nilingon si Bodyguard. Maya-maya'y nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Humakbang na siya patungo sa kinatatayuan ko. Sa 'di ko malamang dahilan, tila ba biglang nawala ang mga tao sa paligid at tanging nakikita ko ay siya lang kasabay ng malakas na t***k ng puso ko habang papalapit siya! Hindi iyon dahil sa kaba, iyon ang natitiyak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD