Chapter 8 - Bomb

2016 Words
TERRENCE ALTAMONTE "Alex!" Si Nathan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Ms. Bodyguard ng makita ang itsura niya. Saka ko lang naalala ang duguan niyang labi. Teka, bakit nakakaramdam ako ng guilt ng makita ko ang dumudugong labi ng bodyguard ko? Hindi ko naman ginustong iharang niya ang sarili niya upang saluhin ang suntok ng lalaki at makipagbasagan siya ng bungo sa mga ito. "What the...?" nag-aalalang anas nito ng tuluyang makalapit saka hinawakan ang baba nito para tignan ang dumudugong labi. Tsk! Ang OA naman ng isang 'to! Wait! Nandito din ang isang 'to? Did my father already know? "I'm fine Nathan. Malayo sa bituka 'yan." ang pormal na sabi ng bodyguard ko. Nga naman! Malayo sa bituka 'yan saka ang liit liit lang ng sugat oh, huwag ka ngang epal! Isa pa, masamang d**o 'yang bodyguard ko kaya hindi agad-agad mamamatay 'yan, baka ako pa nga ang mauna dyan dahil sa konsumisyon! Ngunit ganoon na lang ang pagngiwi ko ng kumuha ng panyo mula sa kanyang bulsa si Nathan sabay pahid sa nadugong labi ni Ms. Bodyguard. Hindi ko namalayang nakasimangot na pala ako! Sobra naman kasi! Mag-PDA ba naman 'tong dalawang 'to! Napatingin ako sa bodyguard ko, nakangiti pa nga. LOL! Gustong-gusto naman! "Parang konting dugo lang, nataranta na." ang inis kong parinig sa dalawang naglalandian sa gitna ng maraming tao! Tsk! Kainis! "Hindi naman niya ikamamatay 'yan!" Napatingin silang dalawa sa akin. Pati sina Kenneth napatingin din. May sinabi ba akong mali? Eh sa naiinis ako! "Kung hindi ka tumakas, hindi mangyayari 'to!" ang angil ni Nathan. Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran niya. Bakit ba nakikiepal pa 'tong taong 'to? "Wala naman akong sinabing sundan nyo ako!?" ang galit ko namang bulyaw sabay duro sa mukha ni Nathan. "Saka paano niyo nalaman na dito ako makikita? Tracking device? Naglagay kayo ng tracking device 'no?!" Malakas niyang tinampal ang kamay ko sabay gigil na hinawakan ako sa kwelyo. "Are you not worried about losing your job for assaulting your own client? Malas mo pa kapag tinanggalan ka ng lisensiya!" ang nanghahamon ko na boses maging ang ngiti ko. He glares at me. Then ngumisi si Nathan pero may naaninag ako sa mga mata niya...galit? "For a person like you? Yes, it will be worth it." Napalis naman ang ngiti ko. May laman ang mga salita niyang iyon. Parang may nais siyang ipahiwatig ngunit hindi ko alam kung ano. The first time na nakita ko ang side niya na 'to! He has always been the calm one. "Teka Nathan..." tangkang awat ng bodyguard ko na nakahawak sa balikat ni Nathan. "Ikaw na itong iniisip ang kaligtasan, ikaw pa itong mataas ang pride!" "So what kung mataas ang pride ko? Problema ko iyon!" "Tindi mo din! Masyado ka pa ring matigas kahit may nasaktan na ng dahil sa'yo!" gigil na sabi ni Nathan. "Oy, simula pa lang sinabi ko nang ayoko ng bodyguard pero kayo din naman ang nagpupumilit sa mga sarili nyo! Bakit ako sinisisi mo kung may nasaktan sa team mo? Kaya hindi ko na problema kung masaktan man kayo ng dahil sa akin since it's your responsibility afterall!" ang sabi ko naman. Nagsukatan kami ng titigan ni Nathan! Nang biglang..... *TOK* Isang malutong na tunog ang dulot ng kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo naming dalawa. "Ouch!" ang nasaktan kong anas sabay himas sa ulo ko. Ang sakit n'un ha! Nabukulan ata ako! Ganoon din ang reaksyon ni Nathan. Sabay kaming napalingon... sa bodyguard ko. Hawak-hawak pa rin nito ang tray na pinampalo sa amin. "Oi Oi! Dalawang idiot." malamig nitong sabi with a scary aura floating around her! "Kakatapos lang ng sapakan dito. Kung gusto nyo ng round two, doon kayo sa labas, ipaglalatag ko pa kayo ng ring, kung gusto niyo pati stretcher na din." dugtong pa nito na seryoso ang mukha. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro ito o talagang seryoso. "Wala akong kasalanan! Siya!" sabay pa kami ni Nathan nagsalita sabay turo sa isa't-isa. Nagsukatan uli kami ng titig. *TOK* Isa pa muling malutong na palo sa ulo namin. Hinagkisan ko siya ng masamang tingin! "Aray! Nakakailan ka na ha!" gigil kong reklamo na himas-himas uli ang ulo ko. May bukol na yata! "Nakakadalawa." papilosopo nitong sagot ngunit walang emosyon ang mukha. Lalo ko siyang tinignan ng masama pero no epek! "You, both idiots, magsiuwi na tayo." pagkasabi niya ay dumaan siya sa gitna namin ni Nathan, and take note, binangga niya kami! Aba't! Tumigil ito at may nilingon. "Hoy kayong tatlong unggoy, magsiuwi na rin kayo. Baka gusto niyo na iuwi ko kayong nakastretcher." Parang tangang nagpatango-tango ang 3. Kumunot ang noo niya. "Gusto niyong iuwi ko kayong nakastretcher?" muli niyang tanong sa tatlo. Agad namang umiling ang mga ito. Saka tumingin sa akin. Parang gag* lang eh! Geez! Napahiya na naman ako sa maraming tao! Nakakainis! Pagkatapos ay sabay na kaming 6 na lumabas sa disco bar na iyon. Ang bodyguard ko at si Nathan ay nasa harapan ko, nasa likuran ko naman ang 3, patungo na kami sa parking lot kung saan naroon ang mga sasakyan namin. "Uy pre, baka maglumpasay na 'yang dalawa sa talim ng titig mo." ang mahinang bulong ni Kenneth. Hindi ko na lang iyon pinansin. Nakatutok lang ang tingin ko sa dalawang nasa harapan ko subalit nakatalikod sa akin. Nanggigigil talaga ako! "Nathan, ako na muna ang magmamaneho ng SUV. Ikaw na ang magdrive ng motor ko." ang kaswal na sabi ni bodyguard saka nito iniabot kay Nathan ang isang susi. "Pero—". "Kung ikaw ang magmamaneho, baka magbugbugan pa kayo sa loob ng sasakyan." ang nakataas na kilay na putol niya sa sasabihin nito. Nathan just sighed. "S-sige." tila nagtatalo pa rin ang loob nito habang tinanggap nito ang susi ng motor saka iniabot din nito ang susi ng sasakyan na agad namang tinanggap ng Bodyguard ko. "Nasa kabilang parking area 'yung motor ko. Pakiingatan na lang!" turo pa niya sa parking lot sabay ngiti kay Nathan. Napangiwi ako sa inis. Tsk! Hindi ba titigil sa paglalandian ang dalawang 'to?! "Terrence dito na rin kami, nasa kabilang parking area din kasi 'yung sasakyan namin." sabi ni Jason pagkaraan. Tinanguan ko sila. "Ingat. Kita nalang tayo sa school." sabi ko. Nagpasalamat din sila sa bodyguard ko sa ginawa nito, tinanguan lang sila. Saka sabay-sabay na silang apat na nagtungo sa kabilang parking area. Bigla akong nakaramdam ng ilang, paano ba naman kami nalang 2 ang natira. Shet! Is it fear? Am I really scared of her because of what I saw earlier? Na wala akong laban sa kanya? Ilang metro na lang kami mula sa sasakyan ng biglang.... *KABOOOOM!* Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa parking lot! Kasabay n'un ay tumilapon kaming pareho. Pati yata kaluluwa ko yumanig sa lakas! Ramdam ko din ang impak ng pagtama ng katawan ko sa sementadong daan. I can't move. Darn! What the hell just happened?! Ilang segundo ata naging blangko ang isipan ko dahil sa pagkagimbal at sakit ng katawan. "S-sh*t!" pagkaraan ay narinig kong anas ng katabi ko na bumangon paupo saka napatingin sa nagliliyab na sasakyan. Narinig ko na nagkakagulo sa paligid... may nagsisigawan... may nagtatakbuhan... Hindi naman ako makabangon sa sakit ng likod at pwetan ko dahil sa paghagis namin. Takte! Na-paralyze na ata ang katawan ko! Subalit mas lalo akong nagulat at nanigas dahil bigla na lamang siyang yumakap sa akin! Kasabay nang muling malakas na pagsabog! *KABOOOM!* I see, she made her body as a shield to protect me from flying debris. Subalit wala na doon ang isipan ko o kung ano man ang nangyayari sa paligid. The only image in my mind is her body on top of me! At andun na naman ang pakiramdam na 'yun! There's something... "A-ayos ka lang ba?" ang nag-aalalang boses niya sabay angat ng mukha niyang tumingin sa akin matapos ang ilang sandaling pagkakayakap. Lihim akong napasinghap at napatitig sa kanyang mukha dahil sa sobrang lapit niya— even her breath... her long hair touching my face... Something... "ALEX!" Nang marinig niya ang kanyang pangalan bumangon siya sabay upo. Samantalang ako ay nanatiling nakahiga at nakatitig sa madilim na kalangitan. Bakit parang nakaramdam ako ng kahungkagan ng lumayo siya.... 'yun bang parang ayoko matapos ang sandaling iyon? Agad lumapit sina Nathan sa amin saka ako inalayan nina Kenneth na bumangon. Lihim naman akong napasulyap sa Bodyguard ko na inalalayan din ni Nathan. "Ayos lang kayo?" ani Nathan na sa bodyguard ko lang nakatingin, hindi maidrawing ang pag-aalala nito sa mukha. Tumango naman siya habang nakatingin sa nag-aapoy na mga sasakyan, nadamay din kasi ang isa pang kotse kaya nagkaroon ng pangalawang pagsabog. Nagsisimula na ring makiusyoso ang mga naroon. "Muntik na kayo d'un, pre." ang concern na boses ni Mark na nakatitig sa nag-aapoy na mga sasakyan. Tama ito, muntik na nga kaming mamatay... mabuti na lang at hindi pa kami nakakasakay. I just realized I almost died this time. "Sa tingin ko, walang intensyon na pumatay ang kung sinumang may gawa nito. I think it's just another warning para sa pamilya Altamonte." ang seryosong sabi ni Nathan at sa kanya kami napatingin lahat. "Posible nga ang sinasabi mo Nathan." her sigh hissed. "Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung paano nailagay ng salarin ang bomba sa sasakyan at paano nito nalaman na doon nga sasakay si Terrence? Ang sasakyan na 'yan ay from HQ, unless—" Sa narinig kong sabi niya, bigla din akong napaisip. Oo nga naman may punto siya! How come the suspect knows that vehicle? Napaisip din si Nathan sa sinabi nya. "Maaari kayang sa simula pa lang ay nasundan na ako ng suspek habang nakasunod din ako kina Terrence? Maaaring nakaantabay lamang siya sa labas—" Dagli akong napabaling kay Nathan. "Kung ganoon ay sinundan mo nga ako!" ang inis kong asik. He glared back at me. "Isa ka pa ring Altamonte at responsibilidad ko pa rin ang kaligtasan mo with or without Alex!" si Nathan naman ang bumawi ng sagot. "Oh well, thank you ha! Because of you, I almost died!" nakakalokong sisi ko dito. "Tumigil na nga kayong dalawa!" ang malakas na awat ni Alex na ikinatahimik namin. "Kahit magsigawan kayo o magsisihan, walang maitutulong 'yan!" hinarap niya ako. "Like it or not, mananatili kami sa tabi mo or ni Gov, for your safety. It's our job! Kung ayaw mong madeads ng maaga, tigilan mo ang kakangawa because it's no use!" sermon niya sa akin na ikinatahimik ko na lang. Muli siyang napatingin sa nasusunog na sasakyan, fire trucks can now be heard from a distance. "Tulad ng sabi ni Nathan, maaaring nasundan nga kayo ng taong 'yon at nang makahanap siya ng pagkakataon inilagay niya ang bomba sa sasakyan. Ang tanging pagkakataong iyon ay nang pumasok sa loob ng bar si Nathan." seryoso na sabi ni Alex. Tumingala siya na parang may hinahanap hanggang tumigil ang tingin niya sa isang parte kaya napasunod din kami ng tingin. Sa isang poste—sa itaas nuon... nakakabit ang isang cctv camera! "Tama!" napaigtad ako sa gulat ng magsalitang bigla si Mark na nasa tabi ko, lahat kami takang napatingin. "Makikita sa cctv ang mga nangyari bago 'yung pagsabog!" nakangiti pang wika ni Mark na parang proud pa sa sarili! Ugok talaga! Ano bang akala niya sa amin tanga!? Tinignan ko siya ng masama, tumahimik ito. "Tumutulong na nga eh." paawa pa nitong sabi sabay nag-pout pa! Ngali-ngaling batukan ko nga! Ang OA!Nakakairita! Subalit ang pangyayaring ito ay napakaseryosong bagay na. Oo nga't marami ang nagpapadala ng death threats sa amin, ngunit ngayon lang nangyari ang ganito! Hindi na ito biro! Kung sino man ang may pakana nito, isa lang ang nais niyang ipahiwatig sa pamilya namin.... handa siyang pumatay! Sino? Sino ang taong nasa likod nito? Ano ba talaga ang motibo niya? Mukhang may mas malalim pa na dahilan ang pangyayaring ito! Napasulyap ako sa bodyguard ko. Should I accept her help for my protection? For me to live? Then someone's face lingers in my mind for a few seconds. Do I really deserve to live?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD