"Ayan na pala si Amelia." Tinuro ako ng mga kaklase ko ng makarating ako sa harapan nila.
"Sorry, galing pa ako kina Ron kasi." Sagot ko sa kanila habang kipkip ang isang bag sa balikat ko.
"Intayin na lang natin si Frances sa loob." Ani ni Joshua naman.
Yumakap sa akin ang malamig na hangin mula sa resort na pagmamay-ari nila Third. Ngayong araw naming sisimulan ang ocular at titignan ang lugar na pwede naming paggamitan pa. Kailangan naming magamit ang magagandang parte. Mabuti na lang at hindi dito ang location ng grupo nina Adler.
Ang Sun and Sand Beach Resort ay ang isa sa pinakamalaki at kilalang resort sa La Union. Dito nagsimula ang pamilya ni Third kaya pinagpapatuloy nila hanggang sa ngayon. Buong taon ay laging dinadayo ang resort nila kaya hindi talaga matatanggi na napakayaman ng pamilya nila.
Ang pinong puting buhangin ang unang bumati sa akin kasunod ng malakas na agos na dagat na lumikha ng ingay sa tenga ko.
Maganda ang resort nila Third kaya lang ang target market nito ay yung may kaya sa buhay dahil sa medyo mataas ang presyo sa lugar na ito. Ginala ko ang tingin ko sa lugar. Hindi ba sila malulugi kung gagamitin namin ng isang buong araw yung resort?
"Guys!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa boses ng tumawag sa amin---si Frances kasunod si Third na naglalakad sa likuran nito. Hindi sinasadyang tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na magkasama. Unang beses iyon na silang dalawa lang.
At least, moving forward sila sa pagtanggap sa role bilang bride and groom. Hindi na nila ako guguluhin. Katulad ng lagi kong ginagawa ay nanatili ako sa likuran ng grupo. Mabuti na lang at nakatali ang buhok ko kaya't hindi ako naiilang sa hangin na nagiging dahilan ng pagsabog ng buhok sa mukha.
"Andito ka na pala. Iniintay ka pa naman naming sa labas." Sabi ni Luigi kay Frances.
Ngumiti naman si Frances dahilan para lumabas ang mababaw na biloy nito sa gilid ng pisngi bago nahihiyang nilingon si Third. "Sinundo kasi ako ni Third sa bahay. Maaga akong pinapunta dito." Sagot naman niya.
Sinubukan kong hindi magbigay ng reaksyon kaya binaling ko yung atensyon ko sa buhangin at pinagsisisipa iyon. Wala naman akong pakialam kung may relasyon sila o wala. Desisyon nila iyon kaya panindigan nila.
"Nice! Tanggap mo na ba siya Boss Third?" pang-aasar ni Gerson dito.
Binalik ko ang tingin ko sa kanila at saktong nakatingin sa akin si Third pag-angat ng tingin ko. "Ganun na ata?" nagkibit-balikat pa ito na sumagot bago tumingin kay Gerson.
"Doon na tayo sa restaurant, nagpahanda si Tita ng pagkain para sa lahat." Sabat naman ni Frances.
"Naks! May pagtawag ng Tita na nagaganap! Paano na si---"
"Ang ingay mo, Ejer! Kumain na tayo." Kung hindi lang hinatak ni Mia si Ejer ay matatapos na nito yung sasabihin. Hindi ko rin naman kailangan hulaan kung ano pa yung idudugtong niya.
Pwede bang hindi na lang kumain? Busog pa naman ako. Tsaka ayoko rin kumain na kasama sila. Yung grupo na nasamahan ko ay matagal ng solid na magkakaibigan. Ako lang naman ang dayo at ayoko naman na makisiksik sa kanila.
"D-Dito na lang ako!" sabi ko sa kanila.
Napalingon naman sila sa akin na papasok na sana. Nagtatakang nakatingin silang lahat sa akin. "Bakit?" tanong ni Naomi.
"Nag-meryenda na rin naman ako kina Ron kaya busog pa ako. Intayin ko na lang kayo dito." Sagot ko sa kanila.
Nagkatinginan ang grupo bago tumango yung iba sa akin. "Sigurado ka ba?" habol pa ni Vilma sa akin.
Tumango ako sa kanya kaya nagtapikan na lang yung bawat isa bago pumasok sa loob. Nauna naman sina Third at Frances kanina kaya hindi nila alam na naiwan ako. Mabuti na rin iyon talaga.
Hinarap ko ang malawak na dagat bago nakahanap ng nakatumbang puno ng buko at doon naupo. Hinayaan ko ang sarili ko na tangayin ng hangin ang lahat ng iniisip. Minsan nakakaramdam ako ng inggit sa mga ka-edad ko na may magandang buhay. Pinangarap ko rin na makaranas nun. Hiniling ko rin na sana ay mayroon kaming ganung klaseng buhay ng kapatid ko.
Pero hindi ko naman masisisi ang tadhana kung hanggang sag anito lang kami nakalaan ni Fiona. Natuto rin naman kaming magbanat ng buto sa murang edad dahil kailangan naming tumulong kay Mamang at Papang, pero hinding-hindi ko pinagsisisihan na maging bahagi ng pamilya na kinabibilangan ko ngayon.
May mga araw lang talaga na nakakaramdam ako ng matinding inggit lalo na kapag nakikita kong masaya ang buhay ng ibang kabataan maliban sa akin.
Katulad ng inaasahan ko ay napakaraming turista sa beach resort nila Third. Sa hindi kalayuan sa harapan ko ay may grupo ng mga dalagang magkakaibigan na nakasuot ng bikini habang nagpipicture taking. Ang puti nila at hinihiling ko na sana ay may ganun klaseng balat din ako.
Morena ang kulay ko dahil sa kulay na rin ni Mama pero bukod pa doon ay lagi rin akong nasa ilalim ng sikat ng araw. Tuwing bakasyon ay nakikigapas kami ng mais sa pinakamalaking maisan sa probinsya. Alam ko na hindi ako dapat mahiya sa kulay ng balat ko pero hindi ko lang maiwasan dahil yung mga nakikita kong babae halos lahat sila ay mapuputi. Kaya kahit mainit ay tinatago ko sa cardigan ang kulay ng balat ko.
Katulad ngayon, nakausot ulit ako ng cardigan at pantalon kahit tirik na tirik ang araw. Sa school naman ay wala na silang pakialam kahit nakasuot ako ng ganito. Buong school year ko na ata ginagawa iyon sa loob ng napakaraming taon. Wala na lang pumupuna at hinahayaan na lang nila ako.
Pinakamalaking insecurities ko talaga ang kulay ko. Ako lang sa klase naming ang ganito ang kulay. Sobrang kaiba sa mga kaklase kong mapuputi.
Sabi ni Mamang ay hindi ako dapat mahiya sa kulay ko lalo na at kinaiinggitan daw iyon ng mga gustong maging tan. Hindi naman kasi ako katulad ni Marikit na masyadong confident sa pagiging Morena nito. Alam ko naman na sinasabi lang iyon ni Mamang dahil sa apo niya ako at gusto niya na hindi ako mahiya o ano pa man. Hindi ko lang din talaga maiwasan. Nakakaramdam pa rin ako ng pagkahiya kahit hindi ko pa man sinusubukan na magtanggal ng suot na cardigan.
Isang dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang pagiging bride ay dahil sigurado ako na hindi pwedeng hindi sleeveless ang isusuot sa ganun.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa malawak na dagat. Masarap ang malamig na hangin na tumama sa balat ko habang nakatunghay sa karagatan. Hinding-hindi ko rin ipagpapalit ang probinsya sa Maynila.
"Anong ginagawa mo dito?"
Mabilis ang paglingon na ginawa ko sa nagsalita sa likuran ko. I rolled my eyes pagkakita sa kung sino ang nasa likuran ko. Mas maganda pang tignan ang view ng dagat kaysa sa isang ito.
"Busog ako." Simpleng sagot ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paglapit at pag-upo ni Third sa gilid ko. Hindi ko na siya kailangan lingunin dahil amoy na amoy ko na kaagad yung pabango niya. Isa pa, hindi ko naman siya pwedeng mapaalis sa lugar na ito lalo na at sa kanila ito.. ako ang may karapatang umalis pero siya hindi.
"Kakain lang tayo, Lia." Sabi pa niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at pinikit ko na lang ang mata ko habang pinapakiramdaman ko ang hangin na tumama sa mukha ko.
"Lia." Tawag niya pa sa akin ulit.
Inis na dinilat ko ang mata ko at humarap kay Third. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya pero nagbago rin iyon pagkakita sa akin mabuti. "Ano?" inis na tanong ko sa kanya.
"K-Kakain muna tayo," Nauutal na sagot niya sa akin.
"Hindi ako gutom kaya huwag mo kong intindihin. Bumalik ka sa loob at asikasuhin mo yung mga bisita mo." Sagot ko naman sa kanya.
Ewan ko ba at inis na inis ako kay Third. Hindi naman niya direktang inamin na gusto niya ako pero sa lahat ng pakikitungo niya sa ibang babae ibang-iba ang sa akin! Kung friendly na siya sa iba, sumobra naman ata sa akin. At ayoko iyon dahil nakakaagaw ng pansin ng ibang tao. Naging tampulan ako ng tukso dahil hindi naman daw ako bagay kay Third. Kung alam lang din nila na ayoko rin naman sa isang ito.
Mula grade 5 ay kaklase ko na si Third, noong dumating ito galing sa Maynila ay naging kilala agad sa school ito. Noong una ay wala naman akong pakialam sa kanya kaya lang masyado siyang friendly sa mga babae kaya naabuso na ito ng iba. Masyadong mahina pagdating sa mga babae kaya naman napakaraming babae na nasa paligid nito kaya maraming nagkakagusto.
At mula sa gurpo ng mga babaeng nagdedeklara ng pagkagusto sa kanya, nagsimula ang mga taong laging nang-aaasar sa akin dahil akala nila ay gusto ko rin si Third. Kung alam lang nila!
"N-Naghanda kami para sa inyo, Lia." Sagot pa niya sa akin.
"Kumakain na sila, Third. Hindi na ako kailangan pa doon. Pumasok ka na at asikasuhin mo sila, lumabas na lang kayo pag tapos na kayong kumain. Maghihintay na lang ako dito." Binalik ko na ulit ang tingin ko sa dagat.
Wala rin namang sense kapag nakipagtalo pa ako sa kanya. May pinaniniwalaan ang isang ito at sigurado ako na yung kung anong nasa isip niya, iyon ang gusto niyang masunod.
I heard his deep sigh bago tumayo sa harapan ko. Natakpan tuloy ng katawan niya yung tinitignan ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dala ng sikat ng araw ay kinailangan ko pang liitan ang mata ko para lang maaninag siya.
"Ano na naman?" tanong ko sa kanya.
Imbes na sumagot ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan at bigla na lang inangat patayo. Kumalat ng kilabot sa buong katawan ko sa simpleng pagkakadaiti ng balat naming dalawa.
"Bitiwan mo ko." Mariin kong sabi sa kanya.
"Kakain lang tayo, Lia." Aniya sa akin.
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero mas mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko. "Isa, Ricardo." Inis na sabi ko sa kanya.
"Huwag mong hintayin na buhatin pa kita, Amelia. Hindi mo magugustuhan na bubuhatin kita para lang kumain." Seryosong sagot niya sa akin.
Sinubukan ko ulit na hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Bakit ba ang big deal sa iyo kung kakain ako o hindi ha? Hindi mo naman hawak ang sikmura ko."
Pero ang matalim na tingin ni Third ang sinagot niya sa akin. Hinila ko yung braso ko sa kanya bilang sagot. "Ayokong makipagtalo, Third. Kaya please lang, tumigil ka na." pakiusap ko sa kanya.
Saglit na tumingala si Third para sumagap ng hangin bago binaba ang tingin sa akin at tumango, "Okay." Wala na siyang isang salita na tinalikuran ako at bumalik sa loob.
Akala ko ay makikipagtalo pa siya sa akin kaya inihanda ko na ang sarili ko. Mabuti na lamang at hindi na kaya nakahinga na rin ako nang maluwag.
Muli akong bumalik sa kinauupuan ko at pinakalma ang sarili. Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago ako tuluyang kumalma dahilan para ma-enjoy ko ulit yung pinagmamasdan ko sa harapan ko.
Nasa kalahating oras pa ang paghihintay ko bago sila muling bumalik. Nagtatawanan sila habang palapit sa kain. Agad naman akong tumayo at pinagpagan yung suot kong pantalon.
Lumapit si Joshua sa lugar ko habang hinihimas pa yung tiyan na halatang nabusog sa ginawang pagkain, "Sayang naman at hindi ka pumasok, Amelia. Ang sarap pa naman ng hinanda ng Mama ni Boss Third sa atin."
Tumango ako sa kanya, "At least busog ka." Tanging nasabi ko sa kanya bago pinagmasdan ang mga kaklase ko. "Pwede na natin simulant yung ocular? Papasok pa kasi ako sa part-time ko."
Nagkatinginan naman ang mga ito bago tumango sa akin. Si Third lang ang tanging wala tsaka si Frances, mukhang napansin naman ng mga kaklase naming iyon.
"Ah, dumating yung taga-sukat nila ng damit. Pagagawaan sila ng damit ng Mama ni Third. Sandali lang naman daw iyon." Ani ni Mia sa akin.
Huminga akong malalim, wala naman akong choice kundi maghintay na lang din. Ganun naman talaga. "Tignan na natin yung lugar na pwede natin gamitin. Nakakahiya naman kasi sa pamilya nila kung yung buong resort ang magagamit natin para sa project natin."
Nagtanguan naman sila sa sinabi ko, "May point ka diyan. Sayang nga kung gagamitin natin lahat ng area. Ikot na tayo?" imbita naman ni Carol.
Iyon nga ang ginawa naming habnag nagpapasukat pa sina Third at Frances. Kahit hindi namin kabisado ay may napili namang lugar yung mga kaklase ko. Gagawin naming yung photoshoot sa isang boardwalk sa isang bahagi ng resort. Wooden boardwalk iyon at magandang gamitin for pre nup shoot.
"Dito na lang sa sea side mismo yung ceremony---ayan na pala sila." Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating, bukod sa dalawa ay may isang babae pa silang kasama na agad na nakangiti sa amin.
"Naka-ikot na pala kayo? Pasensya na at hindi naming kayo nasamahan. The couple needs to take their measurement pa kasi." Nakangiting sabi ng babae sa amin.
"Ayos lang po, ma'am. Nag-enjoy din naman po kami." Sagot ni Naomi sa mga ito.
The woman eyed each of us bago huminto ang tingin nito sa akin. "O! May isa pa pala kayong kasama, anak. Kararating lang ba niya?" anito bago tinignan si Third.
Mama ito ni Third?
Sumulyap sa akin si Third at pasimpleng tumiim ang bagang habang nakatingin sa akin, "Yes, mommy. Kararating lang po niya." Palusot nito.
Agad naman na lumapit sa akin ang babae at nilahad ang kamay, "Hi. I'm Lisa, Third's mother. Kaya pala hindi kita nakita during their merienda. Bagong dating ka lang pala." Sabi niya sa akin.
Alanganin na ngumiti ako sa kanya at hindi alam kung tatanggapin ang kamay nito pero sa huli ay tinanggap ko rin. "Magandang hapon po. Amelia po. Classmate po ni Third." Magalang na sagot ko naman dito.
"Wow. Nice to meet you, Amelia. Ikaw pala yung nababanggit nila kanina." Nilingon pa nito si Third bago binitawan ang kamay ko.
Nahihiyang pinagsiklop ko ang palad ko. Kung anong lambot ng kamay niya ay siyang gaspang naman ng kamay ko. Kaya nahihiya rin ako makipaghawak kamay sa ibang tao kapag nagpapakilala. Hindi dahil sa ayoko silang hawakan dahil masungit ako, kundi dahil sa magaspang yung kamay ko sa kakatrabaho.
"Now, if you'll excuse me. Kausapin ko lang yung mananahi na gagawa ng damit nung dalawa. I'll see you around, kids." Kumindat pa ito sa amin bago kami iniwanan.
Nakasunod naman ang tingin ko sa kanya hanggang sa muling pumasok sa loob ng building. Naiwan ulit kami na naging dahilan para mag-ingay ang mga kaklase ko. My eyes met Third's eyes. Inirapan ko siya at muling binalik ang tingin sa mga kaklase namin.
"Doon sa boardwalk natin gawin yung prenup na shoot ninyo. Tapos ang plano ay dito lang sa small part ng resort gawin yung ceremony para hindi tayo nakakaabala. Tutal kailangan lang natin maglabas ng SDE at photoshoots. Sayang naman kung kukunin natin yung buong araw ng resort." Paliwanag ni Carol sa kanila.
Lumapit naman sina Third at Frances sa amin, "Uy kinakabahan talaga ako ah. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako yung napili niyong bride." Kinikilig na pininid nito ang buhok sa likuran ng tenga bago tumingin kay Third na seryoso naman ang mukha.
"Wala kasi kaming choice, Frances. Kaya huwag kang assuming diyan, mars." Sabat naman ni Naomi dito.
Sinimangutan naman siya ni Frances bago kami nagpatuloy ulit ng ikot. "Gusto niyo bang gamitin din yung hidden falls?" suhestiyon ni Luigi.
Napatingin kami sa kanya, "Gagamitin na iyon ng grupo nila Ron. Bigay na natin sa kanila iyon since meron naman tayong resort na." sagot naman ni Vilma dito.
Mayroong tinatawag na hidden falls malapit sa bayan, kailangan nga lang akyatin yung bundok sa di kalayuan bago marating yun. Nasa puso kasi ng gubat yung hidden falls na tinatawag. Nakuha na iyon nina Ron kaya hindi na naming pwede pang gamitin pa.
"Boss Third, pwede ba natin gamitin yung garden sa harapan ng resort niyo?" tanong naman ni Ejer dito.
"Pwede naman. Nasabi naman ni Mommy na pwede natin gamitin yung lahat ng amenities na mayroon ang resort." Sagot nito sa amin.
Hindi ko naman masabing nagyayabang si Third pero nayayabangan talaga ako sa kanya kung minsan. O dahil naiirita lang ako sa kanya kaya ko nararamdaman iyon?
Naguguluhan na rin ako kung minsan.
"Puntahan natin mamaya pero check muna natin yung area kung saan natin pwede gawin yung ceremony." Sabat naman ni Gerson.
Tumango naman ang iba kaya naglakad na ulit kami sa area malapit sa board walk. Hindi talaga ako makapagsalita sa kanila lalo na at buo na yung plano ng grupo. Kung bakit naman kasi kailangan kaming lahat samantalang ocular lang naman ang gagawin at wala ng iba pa.
"Ayan, dito natin gawin yung kasal ni Third at Frances. Si Gerson yung tatayong peke na priest kaya diyan siya sa gitna tapos since may kanya-kanya tayong role, rarampa lang tayo." Tinuro ni Mia yung malawak na area na napili nila.
Ilang lakad lang iyon malapit sa boardwalk pero yung lugar na napili nila ay mabuhangin at mataas ng bahagya mula sa iba pang bahagi ng resort.
"Red carpet ba ang gagamitin natin?" tanong ni Luigi dito.
"Pwede naman. May red carpet sa bahay pero sure ako na mayroon din sina Third. Tama ba?" tanong ni Frances dito. "Third." Tawag niya dito.
Sabay-sabay kaming napalingon kay Third na nakatingin sa gawi ko. Tumaas naman bahagya ang kilay ko habang hinihintay ang reaksyon niya. Bakit ba tingin ito nang tingin sa akin?
Mabilis na binaling ni Third ang tingin sa mga kagrupo namin. "Ano nga iyon?" tanong nito.
"Kung meron kayong red carpet." Ulit ni Frances dito.
"Meron. Tsaka na natin pag-usapan yung decoration natin since may idea na rin naman tayo. Magdadala na lang ako ng picture ng lugar bago natin piliin yung design na kailangan natin ilagay." Sagot naman ni Third.
"May point tsaka para hindi na tayo pabalik-balik pa. Sayang din yung ibang gagawin pa natin." Sagot naman ng iba.
Kanya-kanya na silang sabi, samantalang ako ay ginuguhit ko sa notebook ko yung idea ko na pwedeng maging setup ng ceremony area. Magaling akong mag-drawing kaya ito lang yung pwede kong maging ambag sa grupo naming since hindi naman nila ako tinatanong ng pwede kong suggestion.
Bukod pa doon ay mainam na ito para may overview na kami sa posibleng disenyo at outcome ng venue na napili namin. Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng kung ano-ano ay patapos naman na ako sa ginuguhit kong idea ng lugar.
"Is that for my wedding?"
Halos mapatalon ako sa pagkabigla sa boses ni Third na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala. Nakatingin din siya sa ginagawa ko kaya mabilis na isasarado ko sana yung notebook ko ng kinuha niya iyon sa akin at pinagmasdan mabuti.
"Idea mo ito?" tanong pa niya sa akin.
Napalingon naman ako sa mga kaklase namin na parang walang pakialam kung nag-uusap kaming dalawa. "Wala lang yan." Inagaw ko yung notebook ko sa kanya at mabilis na sinilid sa loob ng bag ko. "Wala naman ng gagawin di ba? Pwede na ako umalis? May pasok pa kasi ako sa grocery." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko.
Matagal na tumitig sa akin si Third bago marahang tumango. "Pakita mo nyung design mo sa kanila sa Lunes, Lia. Huwag mong itago at sayang yan." Sabi pa niya sa akin.
Inirapan ko siya. As if makikinig ang mga iyan. May plano nang nabuo ang mga iyan bago pa man ako magsimula ng sketching ko. Hindi ko na kailangan pang ilahad sa kanila iyon.
"May idea na yang mga iyan. Closet idea lang ang mayroon ako. Hindi na kailangan pang i-share." Nilagpasan ko na lang siya at dire-diretso na iniwanan sil;a ng hindi na nililingon pa.
Hindi naman nila mamamalayan kung nandoon ako o hindi.