bc

What Lies Ahead

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
goodgirl
heir/heiress
blue collar
sweet
bxg
scary
small town
poor to rich
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lia hates Third's guts and friendliness towards girls in their school. Never in her wildest dream that she would wish to become associated with someone like him. She's a strong and independent woman who doesn't need a man like him around her. But tables turned upside down when she started to know who Ricardo Elizalde III or Third is.

Her feelings for him deepened without even realizing and accepting it. Moreover, everything changed when she personally asked for his help. Third gladly accepted everything because it was Amelia, his first love, but under one condition---they have to get married.

Will Lia accept his offer? Or will she continue to deny her feelings for him even though she really needs his help?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Good bye, Teacher Lia. See you tomorrow. Take care and God bless us!" iyan ang sabay-sabay na bating pamamaalam ng mga estudyante ko pagkatapos ng lesson namin. Tipid na ngiti ang binigay ko sa kanila habang nagpapaalam sila sa akin paglabas nila ng classroom. Dinala ko na lang ulit yung mga gamit ko sa loob ng faculty para makahanda na sa pag-uwi. Ayokong umagaw na naman ng eksena ngayong araw. Hindi na natapos kasi ang chismis sa akin kahit noon pa. Malayo pa lang ako ay gusto ko na agad tumakbo paalis. Nasa hagdan pa lang ay dinig ko na ang malakas na boses nila at ang topic nila para sa araw na ito---Ako. "Kaya siguro nakapasok agad sa public dahil malakas ang backer niya!" boses iyon ni Teacher Joy. "Totoo nga! Naku, kung alam lang ng asawa niya ang mga ginagawa ng babaeng iyon." Tinig naman iyon ni Teacher Mayet. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko para magkaroon ako ng lakas na loob na makapasok sa faculty. Tambak ang gagawin kong trabaho at hindi iyon pwedeng matengga lang. Natahimik naman bigla ang mga kasamahan kong guro sa faculty pagkakita nila sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. There's nothing new anyway. Nakakapagod lang magpaliwanag sa mga taong kagaya nila na sarado ang utak sa mga ganitong bagay. Ayoko na. Nakakasawa na. Tahimik ko lang na nilagay ang gamit sa bag ko. Gusto ko sanang magtagal para makapag-check man lang ng mga assignments ng mga bata pero hindi ko naman matagalan 'yong tingin ng mga teachers sa akin. "Hay naku! Totoo nga siguro yung usapan sa bayan...na yung isang teacher dito sa atin na makapal ang mukha at walang pakialam sa mga issue sa kanya." Malakas na patutsada ng isang guro sa akin. "Ginagamit kasi yung ganda niya." Dagdag pa nung isa. Napatigil ako sa ginagawa ko at nanlamig ang kamay ko sa narinig na sinabi ni Teacher Joy. Ayokong-ayoko sa lahat ang nakikipag-away lalo na at wala naman silang alam sa kwento ko. Pero araw-araw na lang! Laging ganyan ang pinaririnig nila sa akin. Wala na akong naging kaibigan sa eskwelahan na ito dahil sa panghuhusga nila sa akin. Pinipilit ko namang makisama sa kanila pero wala talaga! Iba ang tingin nila sa akin matapos lumabas ng issue tungkol sa buhay ko. Habambuhay ko bang pagbabayaran iyon? Wala pang isang taon ang pagtuturo ko sa public school na ito. Lumipat ako mula sa dalawang taon ko sa private school. Gusto ko kasi talagang makatulong sa lolo at lola ko. Gusto kong mapagamot si lola. Sila na lang ang mayroon ako at ang nag-iisang kapatid ko. Kinagat ko nang mariin ang labi ko bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Hindi ako sasagot dahil ayokong mawalan ng trabaho. Hinding-hindi ko sila papatulan kasi alam kong hindi sila karapat-dapat na patulan. "Nagbibingi-bingihan na naman po siya. Sabagay, hindi siya natatakot na makipag-away kasi alam niyang may makapangyarihang tao na kaya siyang i-back up!" malakas na sabi ni Teacher Joy. Dinampot ko na rin ang eco bag sa gilid ko at pinasok doon ang mga papel na kailangan kong i-check. Sa bahay ko na lang ito gagawin para hindi ko na kinakailangan na magtagal pa rito. Mas binilisan ko ang pagkilos ko. Ayokong madawit na naman ang pangalan niya dahil lang sa akin. Hindi ako dumating sa punto ng buhay ko na ito para maging mahina lang. "Nagmamadali ka ata, Teacher Lia. May sundo ka ba? Nandyan na ba 'yong asawa mo? Hinihintay ka na ba niya? Alam ba niya ang issue mo? Kawawa naman 'yong tao kapag hindi niya alam iyon," dagdag na tanong pa nito. Hindi ako mahilig umiyak. Hangga't maaari nga ay hindi ako iiyak. Dalawang beses pa lang ako umiyak sa buong buhay ko. Noong nalaman ko ang sakit ni Lola at noong pinilit kong makipaghiwalay sa kanya dahil sa nalaman ko. "Ingat po sa pag-uwi," diretsong sabi ko sa kanila bago sila tinignan isa-isa. "Sana masaya kayo na pinagpipiyestahan niyo ang buhay ko. Nakakahiya kayo, guro pa man din kayo. May sinumpaan tayong pangako pero ganyan kayo sa kapwa guro ninyo," dagdag ko pa bago ko sila iniwanan sa faculty. Narinig ko pa ang malakas na pagsasalita nila pero hindi na ako nagtangkang lingunin pa sila. Ginagawa ko lang ito dahil kailangan ko ng trabaho. Kung kailangan kong lunukin ang pride ko para lang hindi ko sila pansinin pa ulit ay gagawin ko. Ito lang ang tanging paraan na alam kong makakadugtong sa buhay ng lola ko. Palabas na ako ng school nang makita ko ang pamilyar na itim na kotse niya sa labas. Malalim ang pinakawalan kong buntong-hininga bago umiwas ng tingin sa sasakyan nito. Lumiko ako at alam kong nakita niya ako. I heard the car door opened and closed kasunod no'n ay ang paghawak niya sa braso ko. Pumiksi ako at dire-diretso pa ring naglakad pero nahabol din naman niya ako kaagad. Now he overtakes at nasa harapan ko na. His deep black eyes bore into mine na parang binabasa na naman ako. Seryoso ang mukha niya kahit natatakpan iyon ng salamin sa mata. Ang kanyang perpektong pagkakatangos ng ilong ay nagpapakita ng ibang lahi na nananalaytay sa katawan niya gano'n din ang mapula niyang labi. I know how much he hated cigarette kaya hindi talaga nangingitim ang labi niya. Hindi katulad ng mga kakilala kong lalaki. Ang suot niyang asul na long button-down sleeves ay yumakap ng perpekto sa katawan niya kahit ang pantalon niyang itim ay bagay na bagay sa kanya. Wala naman ngang hindi mapapalingon sa kanya. "Umalis ka riyan," seryosong sabi ko sa kanya. Wala akong panahon na magtagal dito. Hindi naman namin kailangan magsama sa iisang bahay lalo na at nakipaghiwalay naman na ako sa kanya. "Umuwi na tayo." Mariin niyang sabi. Malalim ang timbre ng boses niya na napakasarap pakinggan sa tenga. Nagsukatan kami ng tingin dalawa. Akala ba niya ay magpapatalo ako sa kanya? Hindi! Binangga ko pa siya para lang makadaan sa tabi niya. Kailangan kong umuwi dahil titignan ko pa ang lola ko. Wala silang ibang kasama sa bahay maliban kay Fiona. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko ng dumaan ako sa tabi niya dahilan para pwersahan niya akong maharap sa kanya. "Pwede ba, Third? Tigilan mo na ako. Nakikipaghiwalay na ako sa'yo. Hindi mo ba maintindihan iyon ah?" iritableng tanong ko sa kanya. His jaw clenched while looking intently at me. "I've told you na hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa'yo," seryosong sagot naman niya sa akin. Muli kong sinubukang pumiksi sa pagkakahawak niya pero wala pa rin. "Get your hands off me." Mariin kong sabi. "Uuwi na tayo, Lia. Ilang araw na kitang pinagbigyan na wala sa bahay natin pero hindi na ngayon," aniya sa akin. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanya. Ayoko talagang sumama sa kanya sa pag-uwi. Bahala siyang tumira sa bahay na iyon. "Bakit ba kasi ayaw mo 'kong tigilan ha? Hindi naman totoo 'yong kasal natin, 'di ba? Wala namang bisa iyon lalo na wala namang nangyari na seremonya sa pagitan nating dalawa. Kaya pwede ba, Third? Tumigil ka na! Hiwalayan mo na ako para hindi na tayo magkasakitan pang dalawa." His hold tightened, kamay na walang planong bitawan ako kahit anong mangyari. "How many times should I repeat myself to you, Lia? Hinding-hindi kita hihiwalayan kahit anong mangyari. You will forever carry my name wherever you go and that's what you signed and agreed years ago. Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo 'yon?" Mariin niyang sabi sa akin. Aaminin ko na nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagsasalita niya pero hindi ako magpapadaig sa kanya. Parehas kaming masasaktan kung patuloy kaming mabubuhay sa kaisipan na mag-asawa kaming dalawa. Kaya walang ano-ano na tinadyakan ko ang bahagi niyang iyon dahilan para mapabitaw siya sa akin dahil sa sakit na dinulot no'n. I heard him growl when I ran fast away from him. "Amelia! Come back here!" He called me pero hindi ako lumingon pa sa kanya. Sumakay agad ako sa tricycle na narooon habang tinitignan siyang namimilipit sa sakit pero ang mata ay nakadako pa rin sa akin. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko na si Fiona sa labas ng bahay gamit ang saklay nito. May hawak itong timba kahit may saklay pang gabay. Nagmamadali akong lumapit sa kanya at kinuha ang timba mula rito. "Ate," tawag niya sa akin. "Sabi ko naman sa iyo na ako na ang gagawa nito. Bakit hindi mo na lang ako hinintay?" tanong ko sa kanya. Naglalaman iyon ng mga basang labada. Pagod na ngumiti sa akin si Fiona. "May maitulong man lang ako, ate," sagot niya sa akin. Nilapag ko ang dala kong gamit sa isang kahoy na upuan sa harapan ng bahay. Sinilip ko mula sa labas ang bahay, sarado ang pinto kaya hindi ko makita sina Mamang na nasa loob. "Si Mamang?" tanong ko sa kanya. Lumingon lang din si Fiona sa bahay bago ako hinarap, "Nagpapahinga na muna. Si Papang naman nagpuntang bayan para bumili ng ulam." I took a deep sigh sa sinabi niya. Ilang beses na akong nagbilin sa mga ito na huwag nang lumabas dahil iba na ang panahon ngayon, isa pa ay mahina sila! Kinuha ko ang mga damit na nilabhan ni Fiona at isa-isang sinampay iyon sa sampayan namin. Naroon pa rin sa tabi ko si Fiona at mukhang may gusto pang sabihin dahil ayaw akong iwanan. "Hindi ka pa uuwi sa bahay ninyo ni Kuya Third, Ate? Isang linggo ka na dito, hindi ka pa ba niya hinahanap? Kahit si Mamang nagtatanong na rin sa akin," Aniya sa akin. Pinagpag ko ang huling damit na sinampay ko bago ko siya hinarap. "Wala pa akong nahahanap na kasambahay para sa inyo, Fiona. Hindi ko naman kayo pwedeng pabayaan lang lalo na at may karamdaman si Mamang," sagot ko sa kanya pero ang totoo ay palusot ko lang iyon sa kanila. Hindi naman nila alam na nagkakalabuan kami ni Third—mali—ako lang ang may problema sa aming dalawa. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon lahat ng nalaman ko. Kung alam lang ni Third na pinipili ko siyang isalba mula sa sakit na pwede niyang matamo mula sa akin. "Nagtataka na kasi si Mamang. Pinaliwanag ko naman sa kanya na naghahanap ka ng kasambahay para sa amin pero ayaw niyang maniwala. Gusto niyang umuwi ka na sa inyo kasi kasal ka naman na daw," sagot niya sa akin. Tumango ako sa kanya tsaka kinuha ang gamit ko bago ko siya yakagin na pumasok sa loob ng bahay. "Uuwi ako kapag may nakausap na ako. Huwag kang mag-alala tsaka ako na ang bahalang kumausap kay Mamang." Tinapik ko ang likuran niya para mapanatag na rin siya. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nilinis ko na muna 'yong ilang kalat doon. Sinilip ko rin si Mamang sa kwarto nito. Kapag nakikita ko siya ay hindi pwedeng hindi ako masaktan lalo na at ang payat niya ngayon kumpara noon. Nagpalit na rin ako ng damit ko pagkatapos ay nagsaing na ako para makapagluto na ako ng hapunan namin pagdating ni Papang. Pagkatapos ko sigurong magluto ay sasaglit na lang ako sa grocery para makapamili ng mga stocks sa bahay pati na rin ng gamot ni Mamang. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasaing nang nagising si Mamang. Dahan-dahan itong naglakad palabas ng kwarto nito, mabilis ko siyang inalalayan para makaupo siya sa wheelchair niya. "Tinawag niyo na lang po sana ako, Mamang," sabi ko sa kanya. Tinapunan naman ako ng tingin ni Mamang. "Hindi ka pa ba uuwi sa inyo, Amelia? Baka hinahanap ka na ng asawa mo. Dapat ay doon ka sa bahay niyo, apo. Hindi ka na nakatira rito, Amelia," bungad niya sa akin. Tinanguan ko na lang siya at hindi nakipagtalo pa dahil hahaba lang ang usapin. Saktong inaayos ko 'yong pagkakaupo ni Mamang ng bumukas ang pintuan at niluwa no'n si Papang kasunod ang taong hindi ko inaasahan. "Isinabay ako ng asawa mo, Amelia. Susunduin ka na raw niya," sabi ni Papang sa akin pagkatapos ay tinuro si Third na nasa likuran nito at may dalang dalawang malaking kahon na nilapag nito sa sahig pagkakita sa akin. "Magandang gabi po, Mamang." Magalang na sabi nito bago nagmano kay Mamang. Nakasunod naman ang tingin ko sa kanya. Hindi talaga siya titigil? Ngumiti naman si Mamang dito. "Sinusundo mo na ba ang asawa mo, apo?" tanong ni Mamang dito. Nag-angat naman ng tingin sa akin si Third tsaka tumango sa akin. "Opo, Mamang. Isasama ko na po sana pauwi sa bahay 'yong misis ko," seryosong sabi nito bago ako binalingan. "Tama at hindi dapat nalalayo sa bawat isa ang mag-asawa." Komento naman ni Mamang. Kung alam lang ng mga ito talaga ang totoo sa likod ng kasal namin ni Third. Hinding-hindi nila siguro ako papayagan pang sumama kay Third. Kung alam lang nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Deal With The Billionaire

read
5.0K
bc

The Billionaire's Sinful Affair

read
22.2K
bc

Claiming back his missing wife

read
1K
bc

The lycan’s Virgin pet slave

read
10.7K
bc

Twin Alpha Step Dad Mates

read
27.6K
bc

Forbidden Affair With My Uncle

read
43.8K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
25.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook