3

3191 Words
"Amelia, pwede ba kaming tumabi muna kay Alder?" Tumaas ang kilay ko paglingon ko sa tatlong kaklaseng babae na nagtatangkang umupo sa pwesto ko. Computer lab kami ngayon dahil iyon ang unang subject namin para sa araw na ito. Free seat kaya kahit saan ay pwede kaming maupo. Ang normal na nangyayari ay magkakatabi kaming tatlo lagi nina Adler at Ron. Pero dahil sa pagiging friendly masyado ni Adler ay siya ang gustong makatabi ng ilang kaklase namin. Tinaasan ko sila ng kilay pagkatingin ko sa kanila, "Wala bang ibang upuan at dito niyo gustong umupo?" tanong ko sa kanila. Nakita kong napalunon si Grace pagkatapos ay marahang siniko nito si Vilma na katabi nito. "D-Doon na lang tayo sa likod." Hinila pa nito yung dalawang kasama kaya umalis na rin sila. Naiwan ako sa pwesto ko habang hinihintay yung dalawang lalaki. Unti-unti na rin nagdadatingan yung ibang kaklase namin. My eyes stayed on the screen kahit hindi pa iyon nakabukas, ayoko lang talagang makihalubilo sa mga kaklase ko. Isang yogurt drink ang biglang lumitaw sa mesa ko, hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino iyon dahil batay pa lang sa kamay at boses ay kilala ko na. "May try out ng basketball ba? Papalista na ako." Anito sa kausap bago ito umalis at pumunta sa pwesto nito. I rolled my eyes dahil alam kong nasa akin na naman ang tingin ng mga kaklase ko. Hindi ba napapagod ang isang ito na magbigay ng ganun sa akin? Mukha ba akong nagugutom lagi ha? "Naks, may yogurt siya. Hindi ko na kailangan kung sino nagbigay niyan?" mapang-asar na tanong ni Adler sa akin bago umupo sa tabi ko. "Subukan mo lang at isasalaksak ko sa baga mo itong inumin na ito." Sagot ko sa kanya. Natawa naman si Adler, "Ang high blood mo na naman, Madam Amelia. Pulang araw ba ngayon ha?" pambubwisit niya pa sa akin. Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumayo na lang ako na lumikha ng ingay sa computer lab. Hawak ang yogurt drink ay dire-diretso ako sa pwesto ni Third na nakatingin naman sa akin. Nilapag ko iyon sa table niya dahilan para biglang tumahimik ang buong klase namin. Walang salita na tumalikod ako at bumalik sa upuan ko. Hindi pa ba napapagod iyong taong iyon? Ilang beses ko ng ni-reject yung mga binibigay niya sa akin! "Rejected na naman ako." Natatawang sabi nito na naging dhailan para tumawa yung buong klase. Nasalubong ko naman yung tingin ng pinsan niya pero mabilis ko rin iniwas iyon. Wala namang dahilan para tignan pa namin ang isa't isa. Kung na-offend siya sa ginawa ko para sa pinsan niya well then, I'm sorry about it but I won't apologize for my honesty. "Napaka-harsh mo talaga, Amelia." Naiiling na sabi ni Adler sa akin. Dumiretso ako ng upo sa pwesto ko bago binuksan ang computer sa harapan ko. Mabuti na lang din at dumating na yung teacher namin sa computer kaya nagsimula na yung discussion at hands-on namin. "Bilang project ninyo sa Computer, kailangan niyong gumawa ng isang Powerpoint Presentation na tumatalakay sa history ng Computer. Lahat ng information na kailangan niyo ay makikita ninyo sa Computer book niyo," anunsyo ni Sir Mendez sa amin. Tinignan ko ang libro ko bago binalik ang tingin kay Sir. Madali lang sana iyon gawin, ang kaso nga lang ay wala akong computer sa bahay. Hindi naming kayang bumili nun lalo na at naggagamot si Fiona. Makikiusap na lang siguro ako kung pwedeng dito ko na lang sa Computer lab gawin yung project namin since wala naman akong access sa ibang bagay. Wala rin malapit na computer shop dahil thirty minutes pa ang biyahe by jeep bago ako makapunta sa pinakamalapit na computer shop. Nagkatinginan kami ni Adler, wala rin siyang computer. Sa aming tatlo ay si Ron lang ang mayroon. Kaya naglakas-loob akong magtaas ng kamay. "Yes, Amelia?" tanong ni Sir sa akin. "Sir, wala po kasi kaming computer sa bahay. Pwede po kayang dito na lang namin gawin ni Adler sa com lab yung project po?" tanong ko. Narinig ko naman ang ilang bulungan ng mga kaklase namin. "Hmm. Pwede naman kaya lang hindi niyo siya magagamit during class time, probably after class na o uwian ng iba. Ginagamit din kasi ng ibang level ang computer lab natin." Sagot niya sa akin. Tumango ako kay Sir Mendez, "No problem po, sir. Basta po makagawa, maghihintay na lang po kami ni Adler." "Sure. Ipapaalam ko rin sa office para aware sila. Baka may ilan din kasi na makigamit nito para gawin yang project. May iba pa ba bukod kina Adler at Amelia?" tanong ni Sir Mendez sa lahat. Wala naman ng nagtaas ng kamay dahil halos lahat naman ay may computer. Sadyang kami lang ni Adler talaga lalo na at kami lang naman ang sabit na scholar na mahirap. Si Ron, scholar man ay may kaya sa buhay ang pamilya. Nilista ni Sir Mendez ang pangalan namin sa logbook bago nagdagdag ng iba pang impormasyon tsaka kami pinakawalan. Tahimik na naglalakad na lang ako sa tabi nila Ron at Adler habang pabalik kami sa classroom. Nasa likod naman naming yung ibang kaklase namin na may kung ano-anong pinag-uusapan. Wala naman akong ibang pakialam sa mga pinag-uusapan nila. Tanging concern ko na lang ay yung part time ko sa isang mini grocery store sa bayan. Pandagdag kita kasi iyon, no work no pay pa naman kaya kailangan kong matapos ng isang araw lang yung project ko para hindi ako mawalan ng sasahurin. "Pwede naman kayo sa bahay kung gusto niyo." Biglang sabi ni Ron habang naglalakad kami. Sabay na napalingon kami ni Adler sa kanya. "Seryoso?" tanong ni Adler dito. Walang buhay na tumango si Ron sa amin. Para akong biglang nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. Kapag kasi doon kami sa kanila gagawa ng project pwede ako ng Sabado at Linggo, mahabang lakaran nga lang mula sa amin papunta sa kanila pero mainam na rin iyon para makagawa ng project. "Sige! Pero ayos lang ba sa Sabado? May pasok kasi ako sa grocery ngayon." Sabi ko sa kanya. Isang tango lang ulit ang binigay ni Ron bilang sagot sa akin. "Ako, pwede ako mamaya, brother. Pwede bang makigulo sa bahay niyo mamaya?" tanong naman ni Adler dito. Isang tango ulit ang sinagot ni Ron dito. At least hindi na namin kailangan pang maghintay hanggang matapos ang klase para lang gumawa ng project. Pagbalik namin ng classroom ay mas naging maingay ang mga kaklase namin. Agad naman akong dumiretso sa upuan ko at binuklat ang libro para magbasa ng ilalagay na detalye sa project namin. Kailangan ma-draft ko na yung plano kong disenyo sa project para hindi nakakahiya kina Ron. "Hi!" anang ng boses na tumabi sa akin. The sweet scent from her comes out naturally at nagdala ng pagkahilo sa akin. Hindi ako masyadong mahilig sa sweet na amoy ng pabango, nakakahilo siya para sa akin. Nilingon ko si Sitti na nakangiting nakaharap sa akin. Inabot niya kaagad ang yogurt na binalik ko kay Third kanina. "Why did you return it to Thirdy? He just wants to give you something." Tinignan ko iyon pero hindi inabot. "Salamat pero hindi naman ako nauuhaw." Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya dahilan para lumabas ang malalim na dimple sa pisngi niya. "Silly. Hindi naman sa dahil nauuhaw ka kaya ka binigyan ng ganyan." Nilapag niya sa desk ko yung yogurt drink. My eyes focus on it at walang buhay na binalik ang tingin kay Sitti, "My cousin likes you, tama? One week pa lang kitang kilala and as I can see may personality kang gusto ng ani Thirdy talaga. He likes strong and independent woman," Kumindat pa siya sa akin na para bang nakaka-proud iyong sinabi niya sa akin. Umiling ako sa kanya, "Salamat sa pagkagusto niya pero hindi ko siya gusto." Diretsang sabi ko. Akala ko maooffend si Sitti sa sinabi ko pero ngumiti lang siya sa akin at tumango, "Thirdy is such a nuisance and pain in the ass at some point. But I would appreciate if you could take a second look on him. He's nice naman. Hindi lang halata talaga." Binulong pa nito yung huling phrase bago ako iwanan at bumalik sa pwesto nito. Malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko bago bumaling sa pwesto ni Third na nakatingin sa akin. Agad naman nitong iniwas ang tingin sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. "Tanggapin mo na kasi. Masyado ka naman kasing firm, Miss madam." Pang-aasar ni Adler sa akin. Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya dahil mabubwisit lang ako pag nagkataon. Nilagay ko na lang sa tabi yung yogurt drink na iyon. Kapag kasi pinakita ko kay Third na ayos lang na bigyan niya nang bigyan ay hindi siya titigil. Hindi lang isang beses siyang magbibigay ng kung ano-ano sa akin at ayoko naman na lagi siyang mag-aabot ng kung ano-ano. Mabuti na lang at hindi ko na kinakailangan pang magsalita ulit dahil dumating na yung teacher namin. Naging abala kami sa buong araw dahil puro discussion at quizzes naman yung iba. Mas mabuting may pinagkakaabalahan kaysa natetengga. Pagdating ng last subject namin ay at ease na sana ako ng i-announce ang project namin. "So, this will be your end term project para sa apat na subject: T.L.E, English, EsP at Mathematics." Tinuon ko yung atensyon ko sa harapan habang nagsasalita si Ma'am Madrid. "Medyo mabigat dahil fourth year na kayong lahat. A mock-up wedding shoot and ceremony." Aniya sa aming lahat. Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Ma'am Madrid. Mock-up wedding shoot and ceremony? Ano naman ang gagawin namin doon? "Ganito, you will be divided into two groups at naayos na namin ng mga concerned teachers ang groupings para patas din. You will hold a simple and fake wedding ceremony with wedding pictorials na gaganapin. Nasa inyo kung sino ang mapipili ninyong bride and groom. Also, pwede naman kayong mag-request ng ibang partner mula sa ibang section basta't desisyon ng lahat iyon. Hindi porket ayaw niyo yung prospective bride and groom sa section ninyo ay aayawan niyo kaagad." Sabi niya sa amin. Nagtawanan ang mga kaklase ko, halatang nasa plano na nila kaagad na maghanap ng kapalit. "Group 1 are consisted of the following: Gerson, Luigi, Carol, Vilma, Amelia, Victor, Joshua, Frances, Ricardo, Naomi, Ejer, Mia." My mouth opened a bit sa pagkarinig kung sino ang groupmates ko. Ayos lang naman sana kaya lang nandoon si Third! Ayoko siyang kasama sa group! Malakas na palakpakan naman ang sinukli ng mga kaklase ko. May ilan pang tumayo at tinignan si Third na parang nanalo sa lotto. "Hindi na po kami magpapalit ng groom! May bride na rin po kami!" pang-aalaska naman nung iba. Inirapan ko sila bago ko hinarap si Ma'am Madrid, "Ma'am pwede po ba makipagpalit ng groupmates?" tanong ko sa kanya. Umiling si Ma'am Madrid sa akin bilang sagot. Palibhasa alam ng buong eskwelahan na gusto ako ni Third kaya malamang sa malamang ay gagawa sila ng paraan para madikit kami sa isa't isa. "Hindi lang kasi ako ang nag-decide nito, Lia. Kung pwede lang ay ginawa ko na. Tsaka, malay mo naman na hindi ikaw ang piliin na bride kaya huwag kang mag-alala." Ngumiti pa ito sa akin. Wala naman akong pakialam kung pipiliin nila akong bride o hindi. Ang akin lang ay ayoko na maging groupmate siya. Mas magkakaroon kami ng oras na magkasama at iyon ang ayoko. Hindi pwede! "Oo nga naman, Lia. Assuming ka naman masyado kasi." Sabat naman ni Victor. Sasagot na sana ako sa kanya ng binatukan ito ni Third dahilan para manahimik ito. "Sorry naman, boss." Anito. Naaasar naman na naupo ako sa pwesto ko bago nilingon si Adler na nakangiti. Nasa mukha nito agad ang pang-aasar. Magkasama sila ni Ron sa isang grupo at kung pwede lang sana na makisiksik ako sa kanila ay ginawa ko na! Bakit kasi hindi kaya ako payagan? "Ma'am, paano po yun? Edi hihiramin ng ibang section si Theron?" tanong ng isang kaklase namin. Nabaling naman ang atensyon ng lahat kay Ron na nanahimik lang sa isang tabi at walang pakialam sa pang-aasar ng kaklase namin. "What do you mean, Karl?" tanong ni Ma'am dito. "Sa section po nila Marikit! Siguradong si Ron ang pipiliin nil ana maging groom." Sagot naman nito. Umiling si Ma'am Madrid dito, "Hindi eh. May partner na si Marikit, yes, siya yung bride pero hindi si Ron ang groom." Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Ron sa sinagot ni Ma'am Madrid. Umungol naman ang mga kaklase naming lalaki na akala mo ay mga aso na kailanga umatungal. "Ouch, pighati, sakit! Ayos lang iyan, pres. Ikaw pa rin ang gwapo sa mata namin." Pambobola ng ibang boys dito. Hindi naman sila sinagot ni Ron katulad ng nakagawian. Wala naman itong pakialam sa sinasabi ng ibang tao pero nakapagtataka lang din na hindi siya ang kinuha ni Marikit. Pero bago pa man ako magtanong sa kanila ay inutusan na kami ni Ma'am Madrid na pumunta sa groupmates namin. Halos hilahin ko ang paa ko para lang maglakad papunta sa ka-grupo ko. Hindi ko talaga gusto yung set namin lalo na at naroon si Third. Andami naman kasing pwedeng groupmates, bakit siya pa? Sa lapag kami naupo katulad ng kabilang grupo. Kanya-kanyang ngisi ang ginawa ng mga kaklase ko lalo na at alam naman nila yung sa pagitan naming ni Ron. "Draw lots tayo sa kung sino ang bride at groom." Suhestisyon ko sa kanila. I will never agree na ako na lang basta ang piliin nilang maging bride. Ayoko! "Ey! Huwag naman ganun, Lia. Perfect match naman kayo ni Boss Third." Sabat ni Luigi bago nilingon si Third na nakaupo sa bandang likuran ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pero alam na alam ko yung enerhiya niya lalo na at sigurado akong nakatingin siya sa akin. There's no way na hindi nakatingin sa akin ang lalaking iyon. Mataray na tinignan ko si Luigi na mabilis na nag-iwas ng tingin. He turned to our other groupmates na naroon. "Bakit mayroon na bang napili na hindi man lang nadaan sa desisyon? Hindi kayo pwedeng mag-call out na lang basta-basta. Paano kung ayaw ng napili yung role na ibibigay niyo sa kanya?" sagot ko naman. Sabay-sabay na bumuntong-hininga ang mga kaklase ko, "Sige na. Draw lots na." narinig kong sabi ni Third na nasa likuran ko. Para akong naparalisa nang marinig ko ang baritono niyang boses. Kung ibang tao iyon ay hindi papayag si Third na diktahan lang kaagad. Ito lagi ang may isang salita sa section namin, mas malakas pa ang boses nito pagdating sa pagdedesisyon kumpara kay Ron. More on academic naman kasi ang pinaglalaban ni Ron samantalang kapag extra-curricular, kadalasan ay si Third na. Sang-ayon din naman halos lahat sa desisyon nito at ako lang naman ang tanging kalaban nito. Kaya kung minsan ay dumadaan sa akin din ang desisyon ng klase lalo na kung si Third ang nag-suggest nun. Tahimik na sumunod naman ang mga kagrupo namin samantalang sa kabilang sa grupo ay namamayani na ang asaran. "Mukhang si Adler at Sitti ang sa kanila." Boses iyon ni Third. Hindi na kailangan pang hulaan iyon dahil halata naman sa asaran ng lahat. Mabuti pa sa kanila ay ayos lang at wala lang yung nangyayaring pag-uusap. Kung bakit naman kasi masyadong big deal sa akin at ang hirap para sa akin na tanggapin yun. "Ayan, bunutan na. Ikaw na bumunot, Lia. Baka naman sabihin mo na nandaya kami. Yung girls lang iyan kasi payag naman na si Third na siya yung groom." Sabi ni Joshua sa akin. Dapat ba akong maging thankful na pumayag na siya kaagad? Umiiwas lang ako sa posibilidad na maging malapit masyado sa kanya. Kung bakit naman kasi may ganitong klase ng project pa samin. Anim lang naman kaming babae sa grupo kaya anim na papel din ang naroon. Pinakita pa nila sa akin na nakasulat doon ang pangalan naming anim na girls para hindi ko sila awayin. Sila Gerson ang nagbilot nun bago nilagay sa palad nila at inalog. Tahimik akong umuusal na sana ay hindi pangalan ko ang makuha ko. Pagkabunot ko ng isang papel ay agad kong binuksan iyon. Sumiksik naman kaagad yung ibang kaklase ko maliban kay Third na nasa likuran ko at nakisilip sa kung sino ang nabunot ko. Kaya halos makahinga ako nang maluwag pagkakita sa pangalan ng kaklase ko at hindi ako. Frances Nag-angalan naman ang mga kaklase ko lalo na si Frances n amabilis na umiling-iling sa akin. May ngiti sa labi ko na pinakita kay Third ang pangalan ng bride niya. "Congrats." Pang-aasar ko pa sa kanya. Matalim naman ang tingin niya sa akin at walang ngiti na bumaling kay Frances, "Ikaw ba?" tanong pa nito sa isa. Alanganing tumango si Frances kahit alam kong ayaw na ayaw niya. Wala naman kasing naglalakas-loob na lumapit kay third kahit friendly ito. Alam kasi nila na nasa akin yung attention ni Third at ayoko naman iyon! "Ikaw na lang kasi, Lia. Magiging maganda yung gagawin natin kapag ikaw ang naging bride. Mas natural yung kalalabasan ng photoshoot natin." Sabi nila Ejer sa akin. "Pumayag kayo sa bunutan at nakita niyong si Frances ang napili. Bakit ipipilit niyo pa ako? Masyado naman atang unfair iyon para kay Frances---" Pero naputol ang iba ko pang sasabihin ng sumabat si Frances, "Ayos lang, Lia. Wala naman kaso sa akin kahit maging flower girl ako. Hindi ko kailangan maging bride." Anito pa sa akin. Umiling ako sa kanya. "Nagbunutan tayo and that's a fair system." Sagot ko sa kanila. "Sinasabi mo lang iyan kasi hindi naman ikaw yung nabunot." Sambakol na sagot ng mga ito sa akin. May point naman sila pero kahit siguro ako ang mapili ay tatanggapin ko na lang yung resulta lalo na at nangyari naman yung gusto ko na bunutan. At least naging patas. "Ayoko. Hindi naman kami bagay ni Third!" angal pa rin ni Frances sa akin. "Bakit? Kami ba bagay?" bulalas na tanong ko sa kanila. "Oo!" sabay-sabay na sagot nila sa akin. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Masyado lang talaga silang clouded sa judgement nila para kay Third. Ang perfect kasi nito sa mata nila kaya nakakabiwisit. Parang wala na siyang ginagawang kamalian. "Huwag niyo na pilitin yung may ayaw, guys." Sabi ni Third sa kanilang lahat. Umusog ito ng upo at halos katabi ko na, kaya dumistansya pa ako sa kanya nang kaunti na hindi naman nito pinakialaman. Sadyang sanay na talaga siya sa akin. "Hindi ka man lang ba aangal, Third? Grade natin yung nakasalalay doon." Ani ni Mia naman. Ngumiti si Third sa kanilang lahat dahilan para manahimik ang mga ito, "Kung maganda naman ang gagawin natin kahit sino yung partner ko ay ayos lang." sagot nito sa lahat. Halos lumipad naman pataas yung kilay ko sa sinagot niya. At least hindi siya manipulative na lalaki na magpapaawa lang para maging kapareha ko. "Galingan natin, Frances." Sabi pa nito sa isa bago tinuon ang atensyon sa pagpaplano sa gagawin namin. Mabuti na iyon at may distansya sa pagitan naming dalawa. Iyon ang pinakahahangad ko sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD