2

1013 Words
Nagsimula nga ang klase namin para sa araw na iyon. Nakangiti si Mrs. Advincula habang nasa tabi niyang yung transferee. "May bago tayong mukha ngayong araw na ito and she will become part of our section hanggang matapos ang school year na ito. Introduce yourself, hija." Ani ni ma'am sa bagong salta. Tumayo nang maayos yung babae at ngumiti sa lahat. "Hi! My name is Cordelia Tyanna Elizalde Navarro, you can call me Sitti for short and that's S-I-double T-I. I'm fifteen years old and came all the way from Manila." Nakangiting pakilala niya sa sarili. "So pinsan mo si Ricardo?" tanong pa ni ma'am dito. Lumingon si Sitti dito at tumango tsaka ngumiti. "Yes, ma'am. Thirdy is my mom's nephew." Tumango naman si Ma'am Advincula dito bago pinaupo sa tabi ni Third ulit yung babae. "Tulungan niyo na lang si Sitt isa mga kailangan niyang gawin dito sa klase ah. Ron, inaasahan ko na tutulungan mo siya para hindi siya mahirapan." Sabi nito kay Ron. Pasimple kong siniko si Ron na hindi naman umimik. Kapag nakita tiyak ni Mari na may kasamang ibang babae si Ron ay malulungkot iyon. Alam ng buong school na si Ron ay para kay Mari at si Mari ay para kay Ron. Every school year ba naman at flag ceremony ay laging dinedeclare ni Mari ang pagmamahal niya sa kaibigan namin. Kung anong kinatahimik at kinasungit ni Ron ay siyang kinaingay at kinaligalig naman ni Marikit. "Good luck." Sabi ko sa kanya. Napalingon naman si Adler dito at magsasalita pa sana pero pinandilatan ko na lang siya ng mata. "Okay, class! So, sisimulan natin ang araw natin sa napag-usapan nating activity at iyon ay ang debate. Girls and Boys ang magkalaban and ang topic natin ay kung sino ang mas makapangyarihan---babae ba o lalaki. Now go to your groupmates and we will start after ten minutes of meeting within your group." Anunsyo ni Ma'am Advincula sa aming lahat. Nagkagulo naman ang mga kaklase ko habang inaayos ang pagkakahiwalay ng mga upuan. Ako ang nilagay ng mga kaklase ko sa unahan dahil alam nilang ako lang yung may kayang sumagot-sagot sa mga lalaking narito. Tumabi sa akin yung bago, si Sitti. Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Hi! I'm Sitti and you are?" tanong niya sa akin. "Lia." Matipid kong sagot sa kanya. She smiled showing her deep dimple on her left cheek. "Nice to meet you, Lia. I hope we'll become a good friend." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Wala naman akong nagiging kaibigan na babae kahit noo pa man. Iwas sa akin yung mga babae sa room kasi masungit nga daw ako. Siguro dahil bago lang din si Sitti kaya ganun. Sa tabi ko naman ay si Dianne ang umupo. Kami ang unang sasalang sa labanan. Sa katapat ay nakita kong si Ron, Adler, at Third ang nakaupo. Kaya ko yung dalawa pero si Third naroon na rin. Tiyak na maraming sasabihin na naman ang isang iyon na ikabubwisit ko. "Sisimulan natin ang debate sa pagbunot kung sino ang unang magsasalita. Ang grupo ba ng kakabaihan o grupo ng mga kalalakihan." Mula sa fishbowl ay humugot si ma'am ng isang papel. "Lalaki ang mauuna!" anunsyo niya. Nagpalakpakan naman ang grupo ng mga lalaki. Si Third ang unang tumayo dahil siya ang unang magsasalita. Hinanda ko na kaagad ang papel ko para isulat yung mga walang kwentang lalabas sa bibig niya. "Magandang araw po sa lahat. Hayaan niyo po na simulan ko ang usapin na ito sa kung bakit nga ba ang mga lalaki ang higit na makapangyarihan kumpara sa babae. Lilinawin ko lang na, pantay-pantay ang pagkakalikha sa atin ng DIyos ngunit bakit nga ba kaming mga lalaki ang mas malakas kumpara sa babae. Unahin na natin sa isang tiyak na impormasyon na ang mga lalaki ay mas malakas sa pisikal gayundin sa mental at emosyonal. Bihira lang sa atin lahat ang makakita ng mga lalaki na umiiyak kadalasan kaming mga lalaki ang nagpapalakas ng loob ng mga babae pa." Simula ni Third. Tumaas na kaagad ang kilay ko sa mga pinagsasabi niya at nilista ko yung mga sinasabi niya. "Pathetic." Bulong ko. "Ang mga kalalakihan din ang haligi ng tahanan at sila ang basic provider ng isang pamilya. Higit sa lahat ay grabe magmahal ang mga lalaking tapat sa kanilang sinisinta. Kaya namin ialay ang buhay namin sa mga babaeng mahal namin." Nagpalakpakan naman ang mga lalaki sa sinabi nito. Kung ano-ano pa ang sinabi niya bago ako nabigyan ng pagkakataon na magsalita. Pagtayo ko pa lang ay napapito na yung mga lalaking ka grupo nila bago tinapik sa balikat si Third. Nakangiti naman at nakatingin mabuti sa akin yung damuho. "Magandang araw sa lahat. Hindi na ako magpapabulaklak pa ng mga salita para lang itaas ang bandera ng mga kakabaihan. Alam naman nating lahat na nagmumula ang pagmamahal sa isang pamilya mula sa mga babae, sa atin. Hindi ko rin gagamitin ang pahayag na, babae lang ang may kakayahang magdala ng buhay ng isang tao dahil alam naman nating lahat na may ambag din naman ang mga kalalakihan. Isa lang ang tanging masasabi ko, hindi porket babae ka ay mamaliitin mo ang sarili mo. Hindi nasusukat sa kung anong kaya mong gawin ang pagiging babae. Lahat tayo ay mayroong kakayahan sa buhay at naniniwala na ako na malaki ang kayang itulong ng mga kakabaihan doon. Kilala tayo sa mga paligsahan ng pagandahan, umaangat din tayo sa pulitika at higit sa lahat ay nagagawa nating sumabak sa mga trabaho na akala natin noon ay lalaki lang ang may kakayahan. Kaya huwag natin maliitin ang sarili natin. Hindi porket babae ka ay magtatapos na iyon doon. Marami pa tayong magagawa. Marami pa tayong kayang gawin na hindi nagagawa o magagawa ng mga kalalakihan. Maraming salamat po." Mahabang salaysay ko sa lahat. Ang malakas na palakpakan at sigawan ng mga kagrupo ko ang sumalubong sa akin pagkatapos kong sabihin iyon. Nilingon ko si Third na malaki ang ngiti sa akin at nakatayong pumapalakpak. Inirapan ko naman siya bago bumalik sa kinauupuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD