"Nakabalik na raw si Third galing Maynila!" malakas na sabi ni Yra.
"Talaga ba?" sagot naman no'ng Carol dito.
"Oo! Tapos ang usapan kasama raw niya 'yong pinsan niya. Dito na rin ata mag-aaral," dagdag pa no'ng isa.
Napailing na lang ako sa mga kaklase ko na pinag-uusapan 'yong bwisit sa buhay ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa ng lesson para sa long quiz mamaya sa Math.
"Thank you talaga, Adler. Hulog ka talaga ng langit. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko maiintindihan 'yong lesson natin sa Math." Maarteng sabi naman ni Winnie kay Adler.
Napairap na lang ako habang nakatingin sa kanila. Kahit kailan talaga ay agaw-atensyon ang kaibigan kong iyon. May kung anong sinabi pa si Adler bago lumapit sa akin.
"Hindi naman ako na-inform na tutor ka na pala ng buong klase. Kasama na ba sa list of works mo ang pagiging tutor?" sarkastikong tanong ko sa kanya bago ko inayos ang salamin sa mata ko.
"Nahirapan kasi siya. Alam ko naman kaya tinuro ko na lang," sagot naman niya sa akin bago binuklat ang notebook nito at nagsagot ng mga word problems.
"Alam ni Ron at alam ko rin kung paano iyon pero bakit hindi sila lumalapit sa aming dalawa? Bakit laging sa iyo?" tanong ko pa ulit sa kanya.
Napalingon sa akin si Adler sabay ngiti. Sa pagngiti niya ay lumabas ang malalim na dimple sa kanang pisngi niya. "Hindi naman kasi kayo malapitan ng mga kaklase natin, Lia. Si Ron masyadong seryoso sa buhay, ang sungit pa tsaka laging nakabakod si Mari sa kanya kahit taga-kabilang seksyon iyon. Ikaw naman, takot halos lahat sa iyo sa pagiging masungit at matapang mo. Ako nga lang nakakatiyaga sa inyong dalawa ni Ron." Mahabang paliwanag niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya bago pinagpatuloy ang pagbabasa. Kung bakit naman kasi ang aga kong pumasok ngayong araw.
Pang-hapon ang session ng class schedule naming mga fourth year ngayong araw. May ginawa kasing activity ang mga First year to Third Year kaya kailangan ng mga rooms. Matapos lang namin ang buong school year na ito ay college naman na ang iisipin ko. Isang mahirap na isipin pero sana ay makaya ko naman pag nagkataon.
Ako, si Adler, at Ron, mula elementarya ay magkakaibigan na. Ako lang ang babae sa aming tatlo pero lahat naman kami ay achiever sa klase.
Si Ron, siya ang laging top one sa klase mula pa lang noong bata pa kami. Ako naman ang laging pangalawa at si Adler ang nasa ikatlo.
Wala namang kompetisyon na nagaganap sa aming tatlo pero sanay na sanay lang kami talaga na magdaigan kung minsan.
Palibhasa ay kilala ko na sila noon pa man.
Para ko na silang kapatid sa sobrang buti nila sa akin. Alam ko na rin kung paano ko sila iinisin at kung paano sila kakausapin kahit bad trip na bad trip na sila.
"Mahal! Aral kang mabuti ah! Mamahalin pa kita hanggang sa susunod na buhay!" ani ng matinis na boses na sumigaw sa labas ng room.
Hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino ang nagsalita no'n. Batay pa lang sa tawa ng mga kaklase namin ay nahulaan ko na agad kung sino.
Kasunod no'n ay ang seryosong pagtabi ni Ron sa tabi namin.
"Hindi ka man lang nagpaalam sa asawa mo," pang-aasar ni Adler dito.
Masamang tingin ang agad na pinukol ni Ron kay Adler. Hindi naman ito nagsalita at inabala na lang ulit ang sarili sa pag-aaral.
"Sinundo ka ba niya o ikaw ang sumundo sa kanya?" tanong ko pa.
"Nakasabay." Matipid na sagot nito sa aming dalawa.
Sabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Ron. Matalino, matangkad, at gwapo. Halos lahat sa klase namin ay gusto siya. Ako lang ata talaga ang immune sa mukha ng mga kaibigan ko.
Nasaksihan ko kasi 'yong pagbabago nila. Mula sa pagiging payat at uhugin hanggang sa pagiging gwapo at kilala sa bayan namin.
Ngumisi naman si Adler. "Dalawang baboy ba ang kakatayin? Ako na bahalang maghanap ng taga-luto sa kasal mo, Ron," pang-aasar pa nito.
Hindi na lang siya sinagot ni Ron at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Unti-unti na ring dumating ang mga kaklase namin hanggang sa marinig ko ang malakas na tilian ng mga babae sa room. Hindi ko na kailangan tignan pa kung sino ang dumating. Dahil batay pa lang sa itsura ng mga ito ay kilala ko na agad.
"Pag-ibig mo, Lia," pang-aasar naman ni Adler sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Masaya ka na niyan? Basta masaya ka sa ginagawa mo, go," pagsagot ko sa kanya.
Ilang sandali pa nga ay nakita ko na ang pagpasok ni Third sa classroom. Nakahanda na agad ang ngiti niya habang kasunod naman niya ang isang babae. Ito siguro 'yong transferee na nasabi ng adviser namin sa amin.
Nilingon kaagad ako ni Third at ngumiti siya sa akin. Isang matalim na pag-irap ang sinagot ko sa kanya bago siya naupo sa pwesto niya.
Third and I will never be in good terms kahit anong mangyari. I hate his guts and arrogance. Matalino siya pero hindi ako natutuwa roon.
"Where should I seat, Thirdy?" tanong ng babaeng kasama nito.
"Teka, walang bakanteng upuan. Kuha na lang kita sa kabilang room tapos dito ka na lang muna sa tabi ko," sagot naman nito.
I rolled my eyes nang bungguin ako ni Adler sa balikat. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag solve ng problems. "Ikaw ang kumuha kung gusto mo. Huwag mo 'kong idamay riyan." Mariin kong sabi sa kanya.
Alam ko na kasi kaagad 'yong pinararating ng mga ganyan-ganyan niya sa akin.
"Natamaan lang naman kita. Eto talaga." Tumatawang sagot niya sa akin.
Paglabas ni Third ay tsaka ko tinignan 'yong babae. Nakatayo lang siya sa isang gilid. Matangkad siya at maputi. Ang buhok niya ay nakapusod at may ibang kulay pa na nakalagay. She's holding her book on her arm habang sukbit ang kulay pink at maliit na bag pack.
Hanggang ibabaw din ng tuhod ang suot niyang palda at mahaba ang medyas niya na umabot hanggang tuhod habang suot ang mataas na itim na sapatos. Masyado ring fit ang uniform niya sa kanya kaya bakat na bakat ang kurba ng katawan niya.
Matangos din ang ilong niya at maganda ang mata. Hindi ko alam kung may make up siya o natural na iyong gano'ng itsura niya talaga. Sadyang ang ganda niya kasi niya talaga, mukha siyang manika. Malayong-malayo sa itsura na mayroon ako.
Pasimple kong hinila ang suot kong cardigan na suot ko na lagi kong sinusuot bilang panangga sa kung anuman. The transferee's eyes roam around the classroom at isa-isa niya kaming nginitian. Sa pagngiti niya ay lumabas din ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi niya.
Tumikhim ako at nilingon si Adler na nagbabasa na ngayon. "Mukhang may partner ka na." Simula ko sa kanya.
He looked at me habang nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Anong partner yan?" tanong niya sa akin at kuryosong binaling ang tingin sa harapan. Mukhang nakuha naman niya 'yong sinasabi ko bago niya ako nilingon.
"Negative tayo riyan. Mukhang maarte at mayaman. Allergic tayo sa gano'n," bulong niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay bago inalis ang tingin sa kanya at bumaling ulit sa transferee. Pumasok naman ulit si Third na mayroon ng dalang silya. "Dito ka na lang muna." Itinabi nito sa silya nito 'yong bagong kuha na upuan.
"Thank you, Thirdy." Nakangiting sabi nito.
Hindi ba napapagod ang panga nito sa pagngiti? Nakakangalay kaya 'yong gano'n na ngiti nang ngiti. Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy na lang 'yong ginagawa kong pag-solve sa mga word problems nang may naglapag ng Yogurt drink sa desk ko.
Mariin akong napapikit upang muli lang ulit idilat ang mata ko. Hindi na kailangan hulaan kung sino ang naglagay no'n sa mesa ko. Siya naman lagi ang nagbibigay sa akin ng yogurt. Nag-angat ako ng tingin at nakitang palayo siya, halatang galing sa pwesto ko.
Kinuha ko 'yong yogurt at nilagay sa mesa ni Adler. "Baka nauuhaw ka," sabi ko sa kanya.
Tinignan niya 'yong nilagay ko sa desk niya at hinawakan iyon bago muling binalik sa akin, "Ayoko. Baka sumakit 'yong tiyan ko. Galing sa mayaman 'yan. Allergic nga ako sa mayaman," aniya sa akin.
Pinakatitigan 'yong kaawa-awang inumin na iyon. Araw-araw, walang araw na pumalya na hindi niya ako binibigyan ng brand ng yogurt na ito. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yong ideya na paborito ko ito. Isang beses lang naman ako nakabili nito lalo na at hindi kaya ng baon ko.
Napailing na lang ako tsaka muling binaling ang atensyon sa sinasagutan kong gawain. Hindi ako magpapaapekto kay Third. Sanay na ako sa kanya pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mainis sa kanya. Sadyang nakakainis din naman talaga siya!
Masyado siyang malapit sa mga babae kahit hindi naman dapat. Maraming babae ang humahanga sa kanya sa pagiging gano'n at inaasahan niya na pati ako ay magkakagusto sa kanya. Napakalabong mangyari no'n dahil kahit kailan ay hindi ko pinangarap o inasam na mapabilang sa grupo ng mga babae na may gusto sa kanya.