Chapter 5

1968 Words
By Michael Juha ---------------------- Pinalakpakan siya ng aming mga kasamahan. Iyon ang kuwento ng unang kasama namin. Napa “s**t!” na lang ako sa aking sarili sa pakiramdam na tila may sumundot-sundot na kung anong bagay sa aking dibdib. May sumunod na mga tanong sa kanya kagaya ng kung natanggap na ba niya ang kalagayan niya; kung ano ang naramdaman niya ngayon para sa ama ng bata sa kabila ng hindi niya pagpakita at pagbigay ng suporta; kung ano ang dulot at impact ng karanasan niya na iyon sa pananaw niya sa buhay; kung wala ba siyang pinagsisihan o gustong ituwid sa sarili at ano ang mga ito kung mayroon man; at ano ang naramdaman niya ngayong nabunyag na niya sa amin ang kanyang pinakatago-tagong lihim. Maganda ang kanyang sagot sa mga tanong na ibinato sa kanya. Kapupulutan ng aral para sa amin. Ngunit ang huling tanong na ibinato sa kanya at ang sagot niya rito ang lalo pang nagpatindi ng aking kaba dahil naka-relate ako. “Gumaan ang pakiramdam ko sa pagpapalabas ko sa matagal ko nang itinatago-tagong mapait na karanasan. Sobrang hirap ng kalooban kapag may itinatago kang sikreto...” Noong wala nang nagtanong sa kanya, nag-group hug ang lahat, ipinarating ng grupo na “Ok lang iyan… nandito lang kaming sumusuporta at nagmamahal sa iyo sa kabila ng lahat.” Ang sunod na pangalang nabunot ay sa isang lalaki. At sa hot seat isiniwalat niya ang mga hinanakit niya sa mga magulang noong naghiwalay ang mga ito. Syempre, umiiyak siya dahil sa mga emotional at financial na kahirapang naranasan. “Noong una, sobrang sakit at napakahirap tanggapin na ang papa ko ay nasa ibang bahay at sa ibang pamilya na umuuwi samantalang kaming apat na magkakapatid ay nagkahiwa-hiwalay. Iyon bang mabilisang pagbabagong taliwas sa nakasanayan. Kung dati ay buo ang pamilya namin, kumpleto sa hapag-kainan, namamasyal, kumakain sa labas tuwing linggo… iyong mga harutan, tawanan, lambingan, konting tampuhan. Ang mga iyon ay nawasak, naglaho na parang bula. Nawala ang pagmamahal at napalitan ng matinding lungkot at sama ng loob. Pakiwari ko ay sirang-sira na ang buhay ko, wasak na ang mga pangarap. Nand’yan iyong psychological na hirap, dagdagan pa ng problema sa pera, dahil hindi na kami regular na binibigyan ng suporta ng aking ama. Minsan din, walang pera ang aking inay, walang baon sa eskuwela, nangungutang para lamang makasali sa pagsusulit. Ang hirap! Kahit ano na lang ang naisip na gawin ng inay. At dahil ako ang panganay, ako ang mas nasasaktan dahil gustuhin ko man, wala rin akong maitutulong. Hindi ko alam kung hanggang saan ang paghihirap namin. Pero… ipinangako ko sa aking sarili at sa aking inay na lalabanan namin ang lahat ng pagsubok. Walang choice eh. Unless… magpakamatay ako. Pero kawawa naman ang inay ko at mga kapatid kung gagawin ko iyon. Nawalan na nga siya ng katuwang sa buhay, gigive-up pa ako. Kaya kahit sobrang hirap ng aming kalagayan ngayon, pipilitin ko pa ring makatapos ng pag-aaral. Sa paraang ito ay makatulong ako sa mga mahal ko sa buhay, at maipakita ko pa sa itay ko na kaya naming mabuhay kahit wala siya…” Iyan ang kwento ng pangalawang buddy. Nakakabagbag damdamin din at muli, nagsi-iyakan ang mga kasama namin, pati na rin ako. Pagkatapos niyang magkuwento, tanungan portion uli, exchange ng mga advice, at kapag wala nang tanong, group hug uli. Sa kabuuan, nagustuhan ko ang takbo ng activity dahil talagang uplifting ito at iyon bang parang may parte sa iyong utak na na-enlightened at mapa-“waaahh!” ka na lang sa sarili dahil ang buong pagkakaalam mo ay nag-iisa kang may malaking problema sa mundo ngunit iyon pala, may mga tao ring mas matindi pa ang kahirapan ngunit pilit pa ring bumangon at lumaban. Iyon ang unang pagkakataong naging seryoso akong nakinig sa mga ganoong klaseng seryosohang kuwento. Kitang-kita ko sa mga nagsi-share ang sincerity nila at kawalang-takot na ipahayag ang mga saloobin. Pansin ko rin ang dulot na saya sa mga mukha nila pagkatapos nilang mag-open up, mag-unload ng mga saloobin at ang relief na naramdaman, lalo na sa ipinakitang suporta sa kanila ng grupo; na may mga tao rin palang nakakaintindi, naki-iyak, nakiramay, nagbigay ng kanilang mga ideya at payo. Doon ko rin na-realize na ang iba’t-ibang tao ay may iba’t-ibang drama sa buhay. Minsan, akala mo ay walang problema o matinding karanasan, iyon pala ay kung hindi man kasing-tindi, mas matindi pa ang mga pagsubok na kanilang dinadala kaysa sa iyo. Ngunit ang activity na iyon ay may dulot ding kaba sa akin. Syempre, dahil sa nangyari sa amin ni Lito, sa aking isip ay tila may naghilahang magkasalungat na puwersa: kung mag-share din ba ako sa aking problemang dinadala, o itago ito at hayaang manatiling isang lihim na lamang naming dalawa ni Lito. Nagsimulang lumakas ang kalampag ng aking dibdib nang ang sunod na tinawag ay si Lito. Sa pagbigkas pa lang sa pangalan niya, pakiramdam ko ay tila himatayin na ako. Sinundan ng aking tingin ang pagtayo niya, ang paglalakad niya patungo sa nakalaang puwesto para sa isang nasa hotseat, hanggang sa tuluyan na siyang naupo. Naka-cross leg siya at seryosong nakatingin sa harap. Tinitigan ko siya, nagbakasakaling titingin din siya sa akin at makuha niya ang ibig kong ipahiwating – na huwag buksan ang issue tungkol sa amin. Ngunit hindi siya tumingin sa akin. Nagsalita siya. Halatang kinabahan. “Mixed emotions ang naramdaman ko sa activity natin na ito… Marahil ay sa panlabas kong anyo, masasabi ninyong wala akong problema dahil heto, may kaya sa buhay ang mga magulang ko, ako naman ay kahit papaano, nasa top 3 palagi ang pangalan sa honors’ list. At kung postura naman ang pag-uusapan, nakakalamang naman siguro ako sa marami.” Napatango ang lahat. Sa totoo lang, guwapo naman si Lito; matangkad, neat magdala ng damit, maganda at proportioned ang hubog ng katawan, sikat sa campus dahil sa angking talino, makinis ang kutis, at maraming humahanga. Kung tutuusin, hindi hamak na maihahanay ang kapogian niya sa mga sikat na batang artista at mga modelo. Nagpatuloy siya. “Walang dudang mahal na mahal ako ng mga magulang ko. Simula noong bata pa lamang ako, ramdam ko ang lubos na pagmamahal nila sa akin. Akala ko, normal talaga ang lahat sa amin. Ngunit nang mag-high school na ako…” Nahinto siya gawa nang pag-crack ng kanyang boses, sabay humagulgol na parang bata, at tila nahirapan sa paghinga. Nilapitan siya ng moderator. Nagsunuran na rin ang iba pa naming mga kasamahan. Nag-group hug. “OK ka lang ba? Ituloy pa ba natin buddy? O kailangan mong magbreak muna, tatawag tayo ng iba?” ang tanong sa kanya ng moderator. Pinahid ni Lito ang mga luha sa pisngi, ininum ang tubig na ibinigay ng isang kasama. “O-ok lang buddy, itutuloy ko…” ang sagot niya. Nagsibalikan kami sa aming mga puwesto. Ipinagpatuloy ni Lito ang pagsasalita bagamat halatang hinid pa siya tuluyang nahimasmasan. “… Iyon nga, noong nag-high school na ako, aksidenteng nabuksan ko isang araw ang drawer sa kuwarto ng mga magulang ko. Nakita ko ang isang folder ng mga dokumentong may nakasulat na, ‘Confidential Family Secret’. Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari. Dali-dali kong hinugot mula sa drawer ang folder at binuklat ko ang mga dokumento. Nang nabasa ko na ang mga ito, doon ko nadiskubre na…” Hindi na naman niya nagawang ipagpatuloy ang pagsasalita gawa ng matinding paghikbi. Muling nilapitan siya ng moderator at ng mga kasamahan namin. Pinainum siya ng tubig at inalo. Halos nasa limang minuto rin siyang nag-iiyak. Nang ramdam na niyang kaya na niya uli, nagpatuloy siya sa pagsasalita. “N-nang mabasa ko ang mga nakasulat sa dokumento, doon ko nalamang ampon lang pala ako…” Saglit na huminto, pinahid ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata at pisngi, pilit na pinigilan ang sariling huwag muling humikbi. “Kinumpronta ko ang aking mga magulang, ibinagsak ko pa sa harapan nila ang nasabing mga dokumento. Nagulat sila. Ngunit wala silang nagawa kundi ang umamin. Umiyak ang aking ina at nagpaliwanag na ipinaampon daw ako ng tunay kong ina dahil sa kahirapan, dagdagan pang isa siyang dalagang ina na hindi pinanindigan ng aking ama. Noong nalaman ko iyon, naglayas ako ng isang linggo dahil hindi ko matanggap na ipinagkait sa akin ang katotohanan ng mga taong nagpalaki at umaruga sa akin simula noong bata pa ako. Ansakit… sobra. Iyon bang feeling na parang pinaglalaruan ka lang ng mga tao, na ipinasa-pasa ka lang na parang isang tuta. Sobrang galit ang naramdaman ko sa kanila, sa sarili ko, sa mundo… Wala namang nagbago sa pakikitungo at pagmamahal ng mga itinuturing kong mga magulang bagamat ang sakit na nadarama ko dahil sa pagtago nila sa katotohanan ay hindi matatawaran. Hanggang ngayon, puno pa rin ng galit ang puso ko para sa kanila, pati na sa mga biological kong mga magulang. Kaya noong sinabi sa akin ng aking kasalukuyang mga magulang na lilipat kami rito at dito na ako mag-aaral, laking pasasalamat ko. Ayokong baka isang araw ay makilala at mahanap pa ako ng tunay kong mga magulang. Hindi pa ako handing harapin sila. Matinding galit pa rin ang nadarama ko para sa kanila.” Tahimik. Hindi ko lubos maipaliwanag ang tunay kong naramdaman sa pagkarinig ng kwento ng buhay niya. Noon ko lang nalaman na ampon lang pala siya. Dahil sa nalaman ko, ang galit na nadarama ko sa pambababoy na ginawa niya sa akin ay parang unti-unting humupa, parang may kung anong awa ang gumapang sa buo kong katauhan para sa kanya. Biglang sumiksik sa isipan ang eksena kung saan ay nag-iiyak siyang umamin na mahal niya ako, ang kanyang pagpapakumbaba, ang pagtitiis, at ang kanyang pagtanggap sa ginawa kong pananakit bilang ganti ko. Noon ko lang na-realize na sobra-sobra pala ang paghihirap niya at nadaragdagan ko pa pala iyon. Kampante na ang isip ko na hanggang doon na lang ang iki-kwento ni Lito sa grupo. Akala ko ay wala na akong alalahanin pa. Ngunit nang may magtatanong na, nagsalita na naman ulit siya. “May isa pa akong sasabihin…” Biglang natahimik uli ang lahat. “Nitong bago lang, may isang bagay din akong nadiskubre sa aking sarili…” Huminto si Lito sa pagsasalita, yumuko na parang humugot ng bwelo. Muli na naman akong kinabahan. Ramdam ko ang pagkalampag na naman ng aking dibdib. “Tangina! Wag mong buksan!!!” sigaw ng nataranta kong isip. “Ewan ko ba ngunit may nararamdaman ako para sa isang kaibigan…” ang pagpapatuloy niya. Napayuko na lang ako, itinakip ang dalawang kamay sa mukha, inihanda ang sarili sa maaaring ibunyag niya. Ngunit sa utak ko ay may namumuo na namang galit. At bago pa man nakapagpatuloy si Lito sa kanyang pagsasalita, naalimpungatan ko na lang ang sariling sumigaw ng “OUCCHHHHHH!!!” upang mabaling ang atensiyon ng grupo sa akin. Hinawakan ko ang isa kong paa, nagkunyaring may masakit sa parte na iyon at pasikretong kinurot ito ng malakas. “Kinagat ako! Shiit! Ahhhhh!” Nagulat at nagkagulo ang mga kasama namin. Ngunit nanatili si Lito na nakaupo sa hotseat, marahil ay nahalata niya ang drama kong iyon. Pasikreto ko naman siyang dinilatan, pahiwatig na ayaw kong ituloy pa niya ang kung ano man ang nasa isip niyang sabihin. “Ano ba’ng kumagat sa iyo? Tanong ng moderator sa akin, halatang kinabahan. “Ewan ko ba, buddy…” “Tingnan ko nga…” Sinuri niyang maigi ang paa kong inireklamo. “Parang wala namang kagat, namumula nga lang na parang nakurot.” Ramdam ko ang pagkahiya sa sinabing iyon ng moderator. “K-kaya nga eh...” ang sagot ko na lang. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD