bc

Tol... I Love You!

book_age0+
693
FOLLOW
2.3K
READ
drama
bxb
like
intro-logo
Blurb

Paano kung lihim mong mahal ang best friend mo at dahil hindi mo alam kung paano ito ipaalam sa kanya, idinaan mo ang lahat sa santong paspasan - nilasing atsaka nilapastangan?

At paano kung ikaw ang best friend na inabuso? Matatanggap mo pa ba ang ginawa sa iyo ng best friend mo?

Tol... I Love You.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
By Michael Juha ---------------------- Masasabing matalik na magkaibigan kami ni Lito. Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong first year high school pa lamang kami. Lumipat ang pamilya nila sa probinsya namin upang doon na siya mag-enrol. Nag-iisang anak lang kasi si Lito. Dahil sa takot ng mga magulang niya na malulong siya sa iba’t-ibang bisyo sa Maynila kung kaya’t napagdesisyonan nila na sa probinsya na namin siya mag-aaral, sa isang private sectarian na eskwelahan kung saan ay doon din ako nag-aaral. State-of-the-art pa rin naman kasi ang mga facilities ng school namin at mataas din ang antas nito, bilang isang sister school ng isang prestihiyosong paaralan. Halos pareho kami ng mga gusto at hindi gusto ni Lito, pati pananamit, pag-aayos ng buhok, hilig, at sport, halos wala kaming pinagkaiba. Pati nga tangkad, kulay ng balat, frame at kinis ng mukha, halos magkapareho. Sa mga estudyanteng hindi pa nakakakilala kay Lito, ang itatanong kaagad nila ay kung kapatid ko siya o di kaya ay kambal. Tawa lang ang isasagot namin kapag nakakarinig kami ng ganoong tanong. Minsan ay sinasagot din naming ng, “Kambal sa kalokohan!” Halos walang oras na hindi kami nagkakasama ni Lito sa eskuwelahan. Kahit pagkatapos ng klase, kami pa rin ang magkakatropa, namamasyal kung saan-saan, gumigimik, at kapag trip namin, doon ako matutulog sa bahay nila. In fairness, sobrang mabait si Lito; mapagbigay, at kapatid na talaga ang turing niya sa akin. Higit sa lahat, may agreement kami sa isa’t-isa bilang magkaibigan, na wala kaming sikretong itatago. Kagaya ng isang normal na magkaibigan, wala kaming malisya. I mean, sa pagkakaalam ko. Kahit sa pagtabi namin sa pagtulog sa kanyang kama, kahit magyayakapan pa, wala akong napapansing naaasiwa siya. Open na open kami sa isa’t-isa. Kahit pinakamalaswa at nakakahiyang karanasan at sikreto, malaya namin itong nasasabi at nagagawa nang walang kiyemi-an kapag kaming dalawa lang. Tinatawanan at ginagawa naming biro ang mga ito. Minsan nga kapag inaatake kaming pareho ng libog sa kakapanood ng bold, sabay kaming magpaparaos – kanya-kanya, syempre. Para sa akin, normal lang ang ganoon sa mga lalaki, walang dumi sa utak, walang ibang motibo kundi ang makaraos lang. As in… wala talaga. Hanggang nag-second year college na kami, wala pa ring pagbabago sa aming pagkakaibigan. Parehong nasa edad na 18, pareho ang kursong kinuha, parehong may girlfriend, at sa tingin ko naman ay pareho kaming masaya at nag-enjoy sa buhay. Mga alas 5:30 iyon ng hapon, naisipan naming umakyat sa paborito naming hangout – sa roof top ng school kung saan naroon ang malaking tangke na nagsu-supply ng tubig sa buong building. May 4 na palapag ang eskuwelahan namin at maliban sa mga technicians ng school na paminsan-minsang nagtsi-check, kami lang ang nakakaalam kung paano akyatin ang parte ng rooftop na iyon. Actually, si Lito ang nakadiskubre noon at sinabi lang niya ito sa akin. Simula noon, lagi na niya akong dinadala roon. At kapag ganyang hindi namin nahahanap ang isa, sa hangout naming iyon naming hahanapin. At malalaman namin kung naroon nga ang hinahanap dahil kung sino ang naunang umakyat, itatali niya ang kanyang handkerchief sa may railing ng hagdanan. Kung siya ang nauna at gusto kong sundan, tatanggalin ko ang handkerchief niya upang isoli sa kanya. “Alam mo Tol, ang taong dadalhin ko rito, ay syang mahal ko” ang sabi niya isang hapon matapos ang aming klase. Nasa hangout naming iyon kami, nakaupo sa gilid ng rooftop, nakadungaw sa iilang estudyanteng nasa baba. “Tange!” Ang pag-react ko. “E, nand’yan ang girlfriend mo, bakit ‘di mo siya dalhin dito?” Binitiwan lang niya ang isang nakakaintrigang ngiti. “P-parang hindi ko siya talaga mahal ‘tol, eh. Parang may kulang?” “Tado! Ginagalaw mo ang girlfriend mo tapos hindi mo pala siya mahal? Ano iyon?” “M-may iba akong mahal ‘tol eh…” “Shiiiit! Tangina! May itinatago ka sa akin? Sino? Sino ‘yang babaeng iyan?” Sambit kong may naramdamang excitement sa bagong nalaman. “Huwag muna, mahirap ipaliwanag eh.” “Ganoon?! Mahirap ipaliwanag?” Ang sarcastic kong sagot. “Sino ba iyan at mahirap ipaliwanag? Madre ba siya? May asawa? Biyuda? May mga anak? Matanda na? Teka… teacher natin sa Theology iyan no? Si… Sister Mary Anne? Ang ganda kasi niya tol… Pati ako nga ay nagka-crush din sa kanya. Kung hindi nga lang siya madre, baka niligawan ko na eh.” dugtong ko sabay bitiw ng malutong na tawa. Ngunit hindi siya natawa. “Basta, huwag muna ngayon…” “Ah, hindi ako papayag sa sagot na yan ah! Dapat sabihin mo na ngayon sa akin. Kapag hindi mo sinabi sa akin ngayon kung sino ang babaeng iyan, hindi ako bababa rito sa roof top.” Ang pabiro kong pananakot. “S-sigurado kang gusto mong malaman?” tanong uli niya. “Oo naman! Wala tayong sikreto, di ba? Kaya kapag hindi mo sinabi sa akin iyang sikreto mo, magtatampo talaga ako.” “O sige, sasabihin ko na…” “Talaga? Sino?” Ang excited na sagot ko. Ngunit imbes na sagutin niya ako ng seryoso, nagbiro lang siya, “E, sino pa nga ba kundi ikaw? Ikaw lang naman ang dinadala ko rito eh!” Sabay tawa ng malakas at kumaripas ng takbo. “Tarantado!” Ang sigaw ko at mabilis ko siyang sinugod. Noong ma-corner ko siya, nagpangbuno kami hanggang sa nagpagulong-gulong sa semento. “Tado ka ha? Ako ang love mo? Bakla ka ba ‘tol? Bakla! Bakla!” ang pang-aasar ko. “Bakla pala ha…” ang sagot din niya, ang boses ay may bahid na pagkapikon. Pinuwersa niyang itihaya ako at noong nakatihaya na, inupuan ang tyan, at ang siko ay itinukod sa aking leeg. Mas malakas kasi si Lito kaysa sa akin, mas malaki ang katawan. “Ano… bakla ako?” ang tanong niya uli. “Urrkkkk! Ayoko na ‘tol! Give up na ako! Give up na… Ito naman di na mabiro o...” Pinakawalan niya ako. Tumayo siya, iniabot ang kamay sa akin upang tulungan akong makatayo. Tinanggap ko ang kanyang kamay sabay tayo. Naupo kami sa sementong sahig sa gilid ng tangke. “Sino ba talaga iyang babaeng mahal mo, ‘tol? Bat ayaw mong sabihin sa akin.” Ang pangungulit ko uli. “Huwag muna ngayon, ‘tol… Sasabihin ko rin ito sa iyo sa takdang panahon.” “Kakabad-trip ka naman ‘tol, o! Sige na nga, wala akong magagawa kung ayaw mong sabihin. Pero araw-araw, kukulitin kita d’yan, tandaan mo.” Ang pananakot ko pa. “Hindi ko pa kasi nasabi sa kanya na mahal ko siya, eh.” “E, di ligawan mo, problema ba iyan?” “’Yan ang mahirap eh… takot akong mabigo” ang malungkot niyang sabi. “Tangina. Ikaw pa! Ang dami ngang nagka-crush sa iyo d’yan, tapos mabibigo ka? Ang swerte kaya ng babaeng iyan kapag nagiging girlfriend mo.” “Ah, basta, liligawan ko muna siya.” Nahinto siya nang sandali, tila may lungkot sa kanyang mga mata. “Ngunit kapag binigo niya ako… tatalon ako sa tangke na ‘to.” turo niya sa malaking tangke ng tubig sa rooftop. “At lulunurin ko ang sarili ko d’yan. Promise!” “Hahaha! Tado!” ang tawa ko. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan? Gaano ba ka-espesyal ang taong iyan at magpapakamatay ka talaga para sa kanya?” “Ah, basta…” Iyon ang mga katagang sinabi niya na hindi ko naman sineryoso. Sa tingin ko naman kasi hindi siya ganyan ka gago para magpakamatay dahil lamang sa isang babae. Isang araw, lumuwas ng Maynila ang mga magulang niya at doon mamalagi ng apat na araw. Hinikayat ako ng mga magulang ni Lito na samahan ang anak nila. Nagpaalam ako sa aking mga magulang. Sa unang gabi na kaming dalawa ni Lito sa bahay nila, napagkatuwaan naming mag-inuman. Isang malaking bote ng gin ang aming tinira. Noong lagpas kalahati na ng bote, naramdaman ko na ang alcohol sa aking katawan. Ang ipinagtataka ko ay parang wala lang nangyari kay Lito. Ewan kung pinaglalaruan lang niya ako dahil siya naman ang taga-tagay pero wala lang sa akin iyon dahil nag-enjoy naman ako. Hindi na naubos pa ang isang bote ng gin nang bumagsak na ang katawan ko sa sofa. Kahit ganoon ako kalasing pansin kong hindi talaga tinablan si Lito ng kalasingan. “Andaya-daya mo, ‘tol! Pinagtripan mo akong lasingin ah!” ang nasabi ko habang nanatiling nakahiga sa sofa. “Hehehe!” Tawa lang ang narinig kong sagot niya. Maya-maya, hinila niya ako at binuhat patungong kwarto. “Tol… huwag!” ang sigaw ko. Ako kasi kapag nasa ganoong sobrang kalasingan, pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid. Kaya dapat ay hindi ako gagalawin at hindi rin ako gagalaw dahil magsusuka’t magsusuka na ako niyan hanggang sa manlalanta ako at mawalan ng lakas. Pero kahit nasa ganoon akong kalasingan, gising pa rin ang diwa ko. Natatandaan ko pa rin ang mga pangyayari. Ngunit pilit pa rin akong kinarga ni Lito patungo sa kuwarto niya at noong nasa loob na, inilatag niya ako sa kanyang kama. Pagkalatag na pagkalatag niya sa akin ay agad akong nagsusuka. Nasukahan ko pa ang damit at pantalon niya dahil nakaharang siya noong bumalikwas ako upang sumuka. Habol-habol ang paghinga, pilit kong hinubad ang t-shirt ko upang pahiran ang aking bibig at pagkatapos ay nahiga ulit. Maya-maya lang, sumuka na naman ako. At sumuka uli… hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong isusuka pa at naubos ang aking lakas. Nanlalanta ako habang tila walang humpay sa pag-ikot ang aking buong paligid. Tawa nang tawa lang si Lito habang pinapahid ang suka kong dumikit sa damit niya at sa sahig. Ako naman ay pilit na huwag nang gumalaw pa sa kinahihigaan. Nakatihaya, pilit na ipinikit ang mga mata, at ang pakiramdam ay tila mapapatid na ang hininga sa tindi ng hilo at panlalanta. Napansin ko ring nawala sandali si Lito at noong may narinig akong mga yabag, iminulat ko ang aking mga mata. Siya pala ang bumalik ng kwarto na nakatapis lang ng tuwalya. Tinanggal niya ang nakatapis na tuwalya, isinabit iyon sa silya at sumampa na sa kama, sa tabi ko. “OK ka lang ba?” Tanong niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ipinikit ko muli ang aking mga mata. Sobrang panlalanta ko na kasi na halos wala na akong lakas upang gumalaw o sumagot sa tanong niya. Ngunit laking pagkagulat ko noong bigla niyang isinampa ang hubad niyang katawan sa ibabaw ng aking katawan. “Uhhhmmmmp!” ang mahinang ungol ko gawa ng bigat na naramdaman. “Tol… I love you!” Iyon ang narinig kong sinabi niya sabay lapat ng bibig niya sa bibig ko. (Itutuloy)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rejected Prince

read
283.7K
bc

Gay Sex Confessions Series

read
46.8K
bc

Theo

read
149.2K
bc

The Beta and His Human Mate

read
204.9K
bc

Stubborn Princess

read
302.1K
bc

Falling in love with the Popular Playboy

read
20.1K
bc

Hybrid Prince

read
629.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook