By Michael Juha
----------------------
“Bullshit! Sarili mo lang ang inintindi mo! Bakit ako, hindi ba nasira ang buhay ko? Hindi mo ba sinira ang pagtingin ko sa sarili? F*** You! Binaboy mo ako! Niyurakan mo ang aking pagkalalaki!” ang sigaw ko.
“Kaya nga nanghingi ako ng tawad ‘tol eh…” at lumuhod siya sa harap ko.
“Pwes, ‘di kita mapapatawad! Kapag may nakakakita sa iyo d’yn, ano na naman ang isipin nila? Hindi mo ba naisip ‘yan? Ha? Ha? Matalino kang tao pero heto, hindi ka nag-iisip! Tumayo ka d’yan, tangina! At hindi pa ako tapos sa iyo, tandaan mo. Mas matindi pa ang sunod na gagawin ko sa iyo!”
“T-tatanggapin ko, ‘tol kung ito ang paraan upang mapatawad mo ako. Kahit ano… Kahit magpapaalipin pa ako sa iyo…”
“Gusto mong madali ang pagpatawad ko sa iyo? Ganito ang gawin mo: magpakamatay ka, mapatawad kita kaagad!” sabay walk out.
Magtatanghali na nang lumisan kami sa isla. Dalawang pumpboat ang inarkila namin at ewan ko kung sinadya ni Lito na sa pumpboat ko rin sasakay. Nang nasa kalagitnaan na kami ng dagat habang naglalakbay ang pumpboat, nagbiruan kami tungkol sa mga girlfriends at boyfriends.
“Kapag sabihin ng mahal mong tumalon ka d’yan para patunayan ang pagmamahal mo sa kanya” sabay turo sa dagat “…tatalon ka ba?” ang tanong ng isang buddy naming lalaki.
“Oo naman…” ang sagot din ng isang buddy naming lalaki. “…walang pagdadalawang-isip.” Dugtong naman ng isa.
“Wow naman! Iyan ang tunay na nagmamahal! Gagawin ang lahat kahit i-alay pa ang buhay” ang sigaw kong papuri sa buddy na sumagot.
“E, kung gusto mo namang may taong tumalon d’yan, sino naman iyon?” ang biro naman ng isang buddy.
Ako ang sumagot sa biro niyang iyon. “A, iyong may utang sa akin, na hanggang ngayon ay sinisingil ko pa rin! Siya ang gusto kong tumalon d’yan.” sabay bitiw ng nakakalokong tawa.
Nagtawanan din ang grupo. Wala naman para sa akin ang biro na iyon. Pero sa isip ko, si Lito ang tinumbok ko.
Maya-maya, may narinig kaming sigaw ng isang buddy, “Mga Buddies! Tumalon si Lito sa dagat!” turo-turo niya ang bahagi ng dagat kung saan tumalon si Lito.
“Ipahinto ang pumpboat! Ipahinto ang pumpboat!” ang sigaw ko. Bigla akong nataranta. “Hindi marunong lumangoy iyon!!!”
Agad na bumalik ang sinakyan naming pumpboat sa parte kung saan tumalon si Lito habang taranta naman kaming mga lalaking nagsitalunan sa dagat, ang mga babae ay nagsisigawan at nanghahagilap ng mga inflatables na inihagis sa amin. Mabuti na lang at may dalawang lifeguards na nakasama naming sumakay sa pumpboat at bihasang-bihasa pagharap sa mga ganoong klaseng situwasyon.
Nakailang sisid din kami. Hanggang ang isa sa mga lifeguards ay sumigaw. “Dito na!” hila-hila niya ang walang malay na si Lito.
Kaagad naming pinagtulungang iakyat ang katawan niya sa pump boat. Nang nasa pump boat na, inilatag namin ito sa ibabaw ng mahabang upuan. Nang tingnan ko ang mukha niya, namumutla ito. Pinulsuhan ko kaagad siya. Wala akong mahagilap na pintig. Idinampi ko ang tenga ko sa kanyang bibig upang makasiguro kung huminga siya o hindi. Pagkatapos ay sa dibdib naman, kung pumipintig pa ang puso. Ngunit walang palatandaan na humihinga siya o pumipintig ang puso.
Dahil ako ang nasa pumpboat at nagbuhat at naglatag sa katawan niya habang ang mga lifeguards ay naiwan pa sa tubig, ako ang binigyang-instruction nila. “I-CPR mo!” ang sigaw nila.
“Paano ba?” ang may panginginig kong sigaw.
“I-pump ang dibdib at i-mouth-to-mouth!”
Sa pagkarinig ko noon, walang pag-aatubiling itinukod ko ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at binumba iyon, tapos buga ng hangin sa bibig niya. Bomba, buga ng hangin, bomba…
Naka-ilang bomba rin ako at buga ng hangin nang bigla siyang umubo at sumuka ng tubig. Sa pagkakita ng lahat, nagpalakpakan sila sa sobrang tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba pang mga buddies.
Ngunit imbis na matuwa, kumawala sa akin ang galit na matagal ko nang tinimpi. Tila isang bulkang pumutok ito at naalimpungatan ko na lana ang sariling inupakan ng suntok ang mukha si Lito at pagkatapos ay hinablot ko pa ang buhok at inuntog ko ang ulo niya sa bangko na nilatagan ko sa kanya. “Tangina ka! Pauwi na lang tayo, nagdadrama ka pa! Ano ba ang gusto mong mangyari?!!” ang sigaw ko. Hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili.
Alam ko, nabigla rin si Lito sa bilis ng mga pangyayari. Disoriented pa nga siya at kababalik lang ng malay tapos, suntok kaagad ang sumalubong sa pagmulat niya ng kanyang mga mata.
Hindi naman makapaniwala ang lahat sa nasaksihan. At sa nakitang hawak-hawak ko pa ang buhok niya at ini-untog ang ulo niya sa bangko, hindi sila magkandaugaga sa pagsisigaw, “Warren! Warren! Maghunos-dili ka!” habang ang mga lalaki ay dali-daling hinawakan ang mga kamay ko.
“Warren!!! Sumusobra ka na ah! Ano bang akala mo sa sarili mo? Nasagip na nga iyang tao sa pagkalunod at ngayon ay gusto mo namang patayin?!!!” ang sigaw ng moderator namin, galit na galit at mistulang handang paulanan na rin ng suntok ang mukha ko.
“Arrrggggg!!!” ang sigaw ko habang nagpumiglas sa pagkahawak nila. Nang nakaalpas ako sa pagkakahawak nila, tumakbo ako sa may bandang likuran ng pumpboat. “Hindi nyo lang alam kung gaano katindi ang sakit na dulot ng kahayukang ginawa niyan sa akin! Putang ina niya! Binaboy niya ako! Sinira niya ang pagkatao ko!” ang sigaw ko. Sa pagkakataong iyon ay napahagulgol ako. Pakiramdam kong sa kabila ng naramdaman kong sakit ng kalooban at pagka-agrabyo, wala akong kakampi at bagkus, ako pa itong naging kontrabida sa paningin nila.
Kitang-kita ko sa mga mata ng mga kasama ko ang matinding pagkagulat. Alam ko na sa pagtagpi-tagpi ng kuwento simula pa sa deepening kung saan ni Lito ibinunyag ang lahat, nakuha na nila kung sino ang taong tinukoy ni Lito sa kanyang sinabing inabuso niya.
Habang patuloy ang pag-iyak ko, hindi naman malaman ng mga kasama namin kung ano ang gagawin nila at kung kaninong side sila papanig. Alam ko, naguluhan din sila. Habang ang karamihan ay tinulungan si Lito, may ilang kababaihang myembro naman ang lumapit at nagpakalma sa akin. “Buddy… puwedeng i-hug ka namin?”
Tila may sumundot naman na nagpalambot sa puso ko sa sinabi ng mga babaeng buddies namin na iyon. Noong nag-group hug kami, lalong tumindi ang pagnanais kong i-unload ang sakit at bigat ng kaloobang dinadala. Napahagulgol uli ako sa harap nila, hindi makatingin at patuloy lang sa pagpahid ng luha.
“Ok lang iyan buddy. Sige, ipalabas mo ang lahat ng bigat ng kalooban mo.” ang sabi ng isang buddy sa akin.
“Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin iyon buddy, eh. Akala niya siguro, bakla ako. Hindi ako bakla, tangina niya…”
“Naintindihan namin buddy… masakit talaga ang naranasan mo.”
Sa pagkuwento at pag-unlaod ko na iyon, naramdaman kong unti-unting humupa ang bigat na aking dinadala. Tiningnan ko si Lito sa kinauupuan niya, nakayuko lang, tila tulala pa rin bagamat safe na, bakas pa rin sa mukha ang matinding kalungkutan.
Ngunit naroon pa rin ang galit sa aking puso...
Lunes, balik-eskuwela na naman. Gustuhin ko mang maging normal ang lahat, pakiwari ko ay pabigat nang pabigat ang aking naramdaman. Sa nangyari sa pumpboat ay parang nag-iba ang tingin ng mga tao sa akin. Parang pinag-uusapan nila ako. Alam ko kasi na kahit amin-amin lang iyong mga sikretong nabunyag sa deepening activity, hindi rin maiwasang may hindi makapagpigil na magsalita, intentional man o pakisimpatiya.
Sa araw ding iyon nalaman kong hiniwalayan si Lito ng kanyang girlfriend. Ngunit walang epekto iyon para sa akin. Minsan na rin kasing inamin ni Lito na hindi niya mahal ang girlfriend niyang iyon.
Ang masaklap naman sa side ko ay ang panlalamig ng girlfriend ko sa akin. Dry na ang pakikitungo niya. Nand’yan iyong kapag ihahatid ko na siya, marami siyang alibi; na kesyo dadaan pa siya sa kung saan-saan, kesyo kasama niya ang mga barkada niya, kesyo may gagawin pa siya sa library… Kapag sabihin ko namang dalawin ko siya sa kanilang bahay ay mangangatuwirang may lakad, may ipapagawa ang mama, busy, mag-aaral, kung anu-ano na lang. At sa school naman, kapag nakita niyang nasa isang lugar ako, kusa itong iiwas at lalayo. Hindi ko maintindihan kung ang inasta niya ay dahil ba sa mga naririnig niya o may iba pang dahilan. Pero malakas ang kutob ko na dahil iyon sa mga naririnig niya tugkol sa nangyari sa amin ni Lito. Parang ang buong bigat ng mundo ay nakadagan sa akin. Dumarami ang mga bagay na bumabagabag sa aking isip. Hindi ako makapagconcentrate, at nabu-buwesit na sa mga nangyari.
Syempre, ang dahilan ng lahat ay si Lito.
Sa paglipas ng mga araw, hindi ko na pinagtuunan ng pansin si Lito. Bagamat alam kong gusto niyang makipagbati, matigas ang paninidigan ko. Napansin ko rin ang pananamlay niya, ang pangangayayat. Hindi na rin siya iyong palaimik, naka-upo na lang sa isang sulok na parang isang tuod, ang isip ay tila naglalakbay sa malayong lugar. Wala sa sarili at pati ang pag-aayos sa sarili ay napabayaan. Minsan nga ay parang hindi na siya naliligo. Pati ang mga grado niya ay naapektuhan. May mga tests na wala siyang sagot at palaging nag-aabsent. Dahil dito ay nag-alala ang mga professor, mga kaklase, at mga kaibigan namin.
Isang araw, bigla na lang akong ipinatawag ng Guidance Counselor. Pagpasok ko sa office, laking gulat ko nang makita ko ang mga magulang ni Lito, kausap ang madreng Guidance Counselor ng school. “Please take your seat, Warren” ang sabi kaagad niya pagpasok na pagpasok ko pa lang.
Kumuha ako ng isang silya at naupo sa tabi ng mga magulang ni Lito. Ang inaasahan ko ay pagagalitan nila ako. Ngunit noong tingnan ko ang mga mukha nila, wala akong nakikitang galit bagamat pansin ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Kinumusta nila ako at niyakap.
“Warren, we need your help.” Ang seryosong sabi sa akin ng Guidance Counselor. “Sana, you are willing to do it...”
“A-ano po iyon, Sister?” ang tanong ko, nag-aalangan sa sinasabing tulong.
“Warren, alam kong may problema kayo ni Lito. May alam kaming kaunti. I am not blaming you. Pero alam mo, I am very much worried para kay Lito. I feel na hindi na siya ang dati kong anak. Iba na siya, Warren. Palaging wala sa sarili, tulala, hindi kumakain, hindi makatulog. At hindi na nag-aayos ng kanyang sarili. Ang kinatatakutan ko ay kung hindi siya maagapan, baka tuluyan na siyang masiraan ng bait o kaya…” napahinto siya ng sandali gawa ng pag-crack ng boses. “…magpakamatay” at tuluyan nang umiyak. “Bilang isang ina, napakasakit pagmasdan na ang anak na dating puno ng sigla, puno ng pangarap, puno ng pagmamahal ay biglang magbago at mawalan ng pag-asang lumaban sa buhay. Napakabata pa ng anak ko, Warren para masira ang buhay. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya.
Mistula akong isang kandilang unti-unting naupos sa aking kinauupuan. Hindi makakilos, hindi makatingin ng diretsahan sa kanila. Alam kong ako ang dahilan sa nangyari kay Lito. Dahil hindi ko siya napatawad.
“Warren, nagmamakaawa ako… please, maawa ka sa anak ko, sa kaibigan mo.” dugtong ng mama niya.
Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking tunay na naramdaman sa sandaling iyon. Tila may kung anong puwersa ang nagpalambot sa aking puso sa pagmamakaawa ng mama ni Lito. Simula kasi nang maging magkaibigan kami ni Lito, napakabait ng mama at papa niya sa akin. Kapag doon ako natutulog sa kanila, nakakasama namin sila sa kanilang sala, sumasali sa kuwentuhan, sa tawanan, sa biruan, habang sabay kaming manonood ng palabas sa TV. At kapag may importanteng okasyon sa kanila, hindi pwedeng wala ako dahil pinapatawag nila ako at pinapadalo. Alam ko, napamahal na rin sila sa akin, lalo na’t nag-iisang anak lang si Lito at ako ay itinuturing niyang kapatid. Turing nila sa akin ay talagang bahagi na ng pamilya. Mayaman ang pamilya ni Lito. At kahit ako ay anak-mahirap lamang, napakabait nila sa akin. At marami na rin silang naitutulong sa akin lalo na kapag kapos ang mga magulang ko sa pang-tuition. Ang totoo nga niyan, sila mismo ang nagpumilit na mama at papa na rin ang itatawag ko sa kanila. Marahil, kung masama lang ang ugali nila, baka sila na ang gumawa ng paraan upang masira rin ang buhay ko, dahil sa nangyari sa anak nila. Ngunit napakabait nilang tao. Sila pa itong nagmamakaawa sa akin.
“A-ano po ba ang maitutulong ko, ma?” an tanong ko.
“Puntahan mo si Lito Warren. Kausapin mo siya. Patawarin mo siya kung ano man ang nagawa niyang hindi maganda. Ibalik mo ang dating pagkakaibigan ninyo… Tatanawin naming malaking utang na loob sa iyo kapag napagbigyan mo kami, Warren, sana ay maawa ka kay Lito.”
(Itutuloy)