Chapter 04: Temptation

2408 Words
CHAPTER 04: TEMPTATION Arturo's P. O. V. Nakakainis! Nakakagigil! Nangangati na ang kamao ko. Sarap manuntok. Ang daming araw sa kalendaryo pero bakit ngayon pa talaga! Ngayon pa na pinaghandaan ko ito. Ngayon pa kung saan dumating itong ingliserong hilaw! Pinagplanohan ko na ito ng ilang araw. Linggo na nga yata eh. Aayain ko sana si misis ko na manuod ng sine at bilhan ng kung anong gusto niya. Pero natameme ako. Hindi ko na nasabi. Dami kasing hadlang. Hindi ako torpe. Tigasin ako. Pero pagdating sa kaniya. Tiklop. Manoy ko lang yata ang hindi takot sa kaniya. Nanggagalit kasi ito tuwing nasisilayan ang kulay gatas niyang kutis. Mabangong buhok. Nakakaakit na katawan. At... ang hinaharap niyang medyo kapatagan. ‘Wag kang mag-alala, Blaire. Napaka easy sa akin na palakihin iyan. Sarap sapakin nitong ingliserong hilaw! Bugbugan nalang oh! Kabanas! Naka pormal lang ng suot ay akala muna kung sino. Para sabihin ko sa'yo. Pareho lang tayong mabaho ang utot at tae. Lamang kalang ng isang tabong paligo sa akin! Ito namang misis ko. Tumitingin pa rin sa ibang lalaki. Nakakainis rin! Nakakataas ng dugo! Ginawa ko na ang lahat para matakam si Blaire. Nag workout. Pinalaki ang katawan. Siniguradong nagpuputukan ang muscles at ugat sa aking katawan. ‘Di bale ng mamatay ako sa pagod sa kaka exercise. Pinaumbok ko ang aking mga abs pati batuta ko. Kulang na nga lang maghubad ako sa kaniyang harapan. Para sa akin na lang siya tumingin. Sinadya ko pa nga na kapalan ang aking bigote. Pinatrim ko ito ng mabuti para talaga pasok ako sa banga ni asawa ko. Pati nga buhok ko sa kili-kili ay pinalago ko. Alam kong isa ito sa... wait lang. Anong tawag nga nun? Selfish? Tifesh? Shifet? Alam niyo namang mahina ang utak ko. Paglabas ko kasi sa sinapupunan. Naumpog ang ulo ko. Kaya ang utak. Tumagilid. Ah! Alam ko na! Fetish! Fetish 'yun gago! Bobo ko talaga. Fetish ni misis ko ang kili-kili. Pero ayon pa rin. Nataob na naman ako. Tang ina kasi. Bakit tingin tingin pa sa iba! Pero tang ina talaga! Titig na titig pa din siya kay kano! Kanina pa nangangati ang kamao ko! Madalang lang akong magtimpi at kay Blaire lang 'yon pero pag ako talaga napuno. Sinasabi ko talaga may dudugo na ilong ngayon. ‘Di ko sinasabi na ang kausap ni Blaire ha? ‘Di ako galit! Lalong hindi ako nagseselos! ‘Di ko sila masabayan dahil hindi ako marunong sa wikang ingles pero nakakaintindi ako ng konti. Hindi ko nalang sila pinansin bagkus tumingin nalang ako sa malayo. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Gago talaga! Minsan naiinis din ako sa sarili ko. Hindi ko mahanap ang lakas ng loob para aminin kay Blaire ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit pa tarayan niya ako buong magdamag ay oks lang sa akin. Huwag lang niya ako itaboy palayo. Kalaro ko si Blaire noon pa man. Naalala ko pa nga noon nag wrestling-wrestlingan kami. Ngayon ko pa nalaman na na dogstyle position ko na pala siya noon. Sana pala tinodo ko na ang pagkakataon! Akala ko talaga lalaking binata ito pero naging dilag pala. Magandang dilag. Puso ko'y kaniyang binihag. Pangalan pa kasi niya ay pambabae na. Para kaming sangang magkadikit noon, napakahirap naming pagbuwagin. Kung sino ang kaaway ng isa ay siyang kaaway na rin ng isa. Sabay naming nasaksihan ang pagluha at pagtawa ng isa't-isa. Ibang saya ang nadarama ko tuwing kapiling siya. Ngayon ko lang nalaman na pag-ibig na pa la. Napapangiti na lang ako sa panahon na kung saan sa akin lang umiikot ang mundo ni Blaire. Iyong tipong pagmulat niya sa umaga ay Arturo ang buka ng bibig niya. Iyong tipong hindi niya ako ipagpapalit sa iba. Ipinagdadamot niya pa nga ako at nakikipag-away siya sa iba na magtangkang maging kalaro ako at agawin mula sa kaniya. Napakaiyakin pa naman niya noong mga bata pa kami pero ngayon iba na si Blaire. Ibang-iba na siya. Minsan nanliliit din ako sa sarili ko dahil tignan mo naman si Blaire may sarili ng negosyo, matalino, nakakatulong na sa pamilya. Eh ako? Tambay, basagulero, bobo, hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral. Kung kaya't minsan idinidistansya ko ang sarili ko sa kaniya dahil hiyang hiya talaga ako—kahit pa masakit ay nagagawa ko. Putang inang pride kasi. Napabuntong hininga ako at napayuko. Naturingan pa naman na ako ang lalaki sa aming dalawa kung sakaling magkakatuluyan kami. Anong ipapakain ko sa kaniya? t**i ko lang ba? Baka nga hindi niya ako magawang maipagmalaki sa mga kaibigan niya. Kung sa bagay wala namang maipagmamalaki sa akin. Zero ako kung zero. Pumasok silang dalawa sa loob ng café niya. Naiwan akong mag-isa. Mapait na napangiti. Habang nakatanaw sa kanila. Alam kong kustomer niya 'yon pero. s**t! Bakit ba kasi nagpapapriority ako sa kaniya? Bakit ba kasi napaka selfish ko na aabot sa punto na gusto kong sa akin lang ng buo ang kaniyang atensyon. Ayaw kong may ibang makinabang dito. Ako lang. Ako lang! Nakakatawa mang isipin pero sino ba naman ako sa buhay ni Blaire para hadlangan ko ang kaniyang kaligayahan at desisyon niyang pumili ng kaniyang kabiyak. Tang ina! Napaka drama ko. Makaalis nga rito. Ano pa bang hihintayin ko? Ang masaktan na naman ba ng todo? Mabuti pa ay i-iinom ko nalang ito ng alak. At may alam ako na lugar kung saan akong pwedeng uminom at magbahagi ng sama ng loob. Baka matulungan nila ako. "Oy mga pre! Si Pareng Arturo oh!" Malakas na pagkakasabi ng tropa kong si Bryan. Kahapon pa kasi namin napagplanuhan na iinom kami ngayon sa bahay ni Mike. "Naku! Mukhang alam ko na kung anong nangyari," iling na sabi ni Christian ng makita niya na bagsak ang aking balikat at napakatamlay ko habang papasok sa lungga namin. Ang bahay ni Mike. Nagsitawanan silang lahat. Saktong pag-upo ko ay inabutan agad ako ni Bryan ng isang baso ng beer. "Basted na naman ba?" seryosong tanong niya. Nakatingin lang ako sa baso. Hindi ako kumibo. Malakas akong napabuntong hininga. Lahat sila ay nakatingin sa akin at hinintay nila ang aking sagot. Malakas silang napahiyaw matapos kong tinungga ang alak. Wala akong tinira. Inubos ko lahat. Dumaloy ang pait at hapdi sa aking lalamunan pero wala akong pakialam. Mas mahapdi at masakit pa ang naramdaman ng aking puso ngayon kaysa sa alak. Pito kaming miyembrong magkakatropa. Sina Christian, Vincent, Bryan, Mike, Emman, Jon at Ako. Kilala kami dito bilang mga Choke Me Daddy. Binansagan kaming Choke Me Daddy dahil lahat ng mga babae at binabae dito sa aming baryo ay gusto kaming maging Daddy. Hindi naman kami matatanda pero Daddy ang tawag nila sa amin. Sira na ata ulo nila. 'Di naman sa pagmamayabang pero lahat kami dito ay may itsura. Walang tapon sa aming magbabarkada. Si Christian isang freelance model sa siyudad pero napakakuripot. Si Vincent naman ay isang construction worker, nasa abroad ang syota niya. Si Bryan naman isang architect sa isang sikat na firm, maloko parin gaya ng dati, napakaraming chicks. Si Mike at Emman naman ay waiter sa isang fast food chain sa siyudad. Si Jon ay kasalukuyan pang nag-aaral, nasa pang-apat na taon na siya ng pagko-kolehiyo. Inakbayan ako ni Bryan. Amoy na amoy ko sa kaniyang hininga ang alak na aming iniinom. Hindi pa naman siya ganoon ka lasing. Pero kaninang tanghali pa sila nagsimula. Sweldo kasi ni Christian. Bihira lang manlibre kaya pumunta kaming lahat. Kahit bihira lang siya kung manlibre ay tibatiba naman. "Pre! Sabi ko naman sa iyo. Tigilan mo na si Blaire. Sa gwapo mong iyan paniguradong maraming magkakandarapa sa iyo," sabay taas niya sa aking baba. Ikinailing naman ito ni Jon habang pinapakinggan kami. Tumungga ulit ako ng alak kahit walang panulak. Walang kaabog-abog ko itong nilunok kahit mahapdi ito sa lalamunan. Gusto kong magpakalasing ngayong gabi. Gusto kong makalimot kahit... kahit sandali man lang. "Art! ‘Wag mong pakinggan iyang si Bryan palibhasa kase puro p**e at kantot lang ang laman ng isip niyan," wika ni Jon. Bigla namang humalagpak sa tawa ang iba naming tropa at kinantiyawan si Bryan. "Abay gago to ah! Gusto mo kantutin din kita Jon," sabi niya sabay kambyo sa kaniyang ari na siyang ikinatawa nilang lahat. "Pero seryoso ako Art. Sundin mo ang tinitibok ng puso mo. 'Wag kang tumigil kung hindi mo pa sinisimulan. Tatagan mo nga loob mo. Para ka namang hindi si Arturo eh! Basta kung kailangan mo ng suporta. Nandirito palagi ang tropa upang tulungan ka," pagpapayo ni Jon sabay tapik sa aking balikat. Biglang sumingit si Emman "Group hug nga mga Daddy. Mukhang magiging madrama na naman itong gabi," na siyang ikinatawa naming lahat. Si Emman talaga ang napakakwela sa aming lahat. "Salamat mga Pre! Kailangan ko lang talaga ng may makakausap ngayon," sabay inom ko ulit ng alak. "Teka lang Art. Ano bang nangyari? Inaya mo na ba siya? Niligawan mo na ba?" tanong ni Vincent na mas lalong nagpasakit sa aking nararamdaman. Binaba ko ang aking baso. Napalamukos ako sa aking mukha dahil naaalala ko na naman kung gaano ako ka tanga. "Hindi pa nga eh," mahina kong tugon. "Eh yun naman pala eh! Huwag mo sanang masamain, pero bakit kung makaakto ka diyan eh dinaig mo pa ang magkarelasyon na nag break-up?" nasupalpal ako sa sinagot ni Vincent. Oo nga no? Parang naging madrama lang ako kanina. Bigla akong tumahimik at napayuko. Masyado akong pinangunahan ng aking selos at insekyuridad. Narinig kong tumikhim si Christian. Napalingon ako sa kaniyang gawi. "Ganito nalang Art, bakit hindi mo siya subukan ayain sa istilo mo? Hindi iyong umaakto ka na parang ibang tao para lang magustuhan ka niya," bigla akong napaisip sa kaniyang sinabi. "Sa madaling salita, paibigin mo siya sa'yo bilang si Arturo. Nang sagayon kung tanggapin niya ang totoong ikaw ay paniguradong mahal ka talaga niya," pagpapatuloy pa ni Christian. Para akong sinampal ng katotohanan sa opiniyon ni Christian. Simula ngayon, ipapakita ko sa kaniya ang totoong ako. Ipapalasap ko sa kaniya kung papaano mag-mahal ang isang Arturo Salvador. "Maraming salamat mga Pre! Akala ko talaga puro lang kayo kalokohan," natatawa kong sabi "Gago ka talaga Pre! Oh ito pang alak oh? Baka kulang ka lang sa inom," nagsitawanan naman kami. Napahaba at napasarap ang aming inuman. ‘Di na ako nakapag-pananghalian dahil mas pinili kong magpakalasing ngayon. Napatingin ako sa relo ko, medyo tumatama na ang alak sa aking katawan dahil nahihilo na ako. Mag hahating-gabi na pala. Kailangan ko ng umuwi. Napatingin ako sa aking paligid. Ako, si Mike at Vincent nalang ang hindi pa nakatulog ang iba ay knock-out na! Napahilamos ako sa aking mukha. Tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin ko kay Mommy nito. Umiling-uling ako baka sakali ay hindi na umikot ang paningin ko "Pre! Ayosh ka lang ba?" tanong ni Vincent na halatang lasing na rin. Tinanguan ko siya "Mauuna na ako mga Preh! Kailangan ko nang umuwi sha bahay," sabi ko habang naduduwal. Tatayo na sana ako ngunit bigla akong inawat ni Mike at pinaupo mulit sa upuan. "Dito ka na matulog Art! Tatawagan ko nalang si Tita," utas ni Mike. ‘Di na ako pumalag pa dahil umiikot na ang paningin ko. Inabutan ako ni Mike ng kape. "Oh! Para di ka masuka at nang mahimasmasan ka ng konti," si Mike talaga ang may mahabang alcohol tolerance sa aming lahat. Napatingin ako sa lamesa halos nakaubos pala kami ng apat na kaha ng alak. "Tatawagan ko na si Tita," binigay ko sa kaniya ang aking telepono ngunit may biglang kumatok. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko "Art! Arturo," boses babae ang naulingan ko. "Sandali lang," tumayo si Mike at humakbang patungo sa pinto at binuksan ito ng maliit. Biglang nagulat si Mike sa kaniyang panauhin "Oh! Ikaw pala Tricia?" "Yes it's me. Nandito ba si Arturo? Pinasusundo siya sa akin ni Tita. Tumabi ka nga Mike! Nakaharang ka sa pintuan!" maarteng pagkakasaad ni Tricia. Tang-ina! Pag minamalas ka nga naman. "Ahh na-natutulog na si Art! Ako nang bahalang kakausap kay Tita Andrea. Bumalik ka nalang bukas, ako na ang maghahatid sa kaniya," pagtataboy ni Mike kay Tricia. ‘Di ko alam kung bakit gustong-gusto ako ni Tricia. Lahat ng pagpapabango ng pangalan niya kay mom ay ginawa na niya. Binigyan niya ito ng alahas, pagkain, at pati halaman. Maganda siya pero hindi siya tung tipong pang-kasal, pang-kama lang siya. Dahil bali-balita ay sino-sinong lalaki ang uuwi sa kaniya. "Tabi!" tinulak niya ang pintuan ng napakalakas. Walang nagawa si Mike kundi tumabi at pinapasok si Tricia "Oh! There you are Art. Common let's go home," lumapit siya sa akin at hinila ang aking kamay Hindi niya nakaya ang bigat ko para hilahin niya. "Mike! Ano ba? Tulungan mo nga akong buhatin tong si Arturo!" utos niya rito. "Sabi ko naman sayo dito na lang matutulog si Art," pinanlisikan ng mata ni Tricia si Mike. "Tutulungan mo ba ako o hindi?" nataranta si Mike at muntik pa siyang matapilok "O-oo nga tu-tulong na," Isinukbit ni Tricia ang kaliwang braso ko sa kaniya at ang kabila ay isinukbit ni Mike. Inalalayan nila ako papasok sa kotse ni Trisha. Sa front seat niya ako pinaupo "Mag-iingat kayo Art at... Tricia," tanging tango lang ang nagawa kong sagot dahil umiikot na ang aking paningin. Narining kong sumagot si Tricia. "Whatever!" sabay irap niya kay Mike at padabog na isinara ang kotse. Napapikit nalang ako sa aking mata dahil bumibigat na ang aking talukap habang tinatahak namin ang daan pauwi sa amin. Maya-maya pa ay aramdaman ko ang paghinto ng kaniyang kotse. Napasilip ako sa bintana ngunit hindi ito ang bahay na aking tinitirhan "Tri-Tricia hindi ito ang bahay namin," lumabas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan makalabas. "Alam ko. Dito ka muna magpahinga, mamaya na kita iuuwi," malandi niyang tugon. Pagpasok namin ay agad niya akong ihiniga sa kama at naghubad siya ng damit niya. Tanging panty at bra lang niya ang natira. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya "A-anong ginagawa mo Tricia. Kailangan ko ng umuwi!" akmang babangon na ako ng bigla niya akong itinulak pahiga sa kama. "Wag kang mag-alala Art! Iuuwi rin kita sa bahay niyo maya-maya," erotiko niyang pagkakasabi habang kinakalas ang butones ng aking zipper. Bigla niyang dinakma ang aking ari. "T-Trisha m-mali ito a--" pinatunga niya ng daliri ang bibig ko at ng wikang "Shhhh-Shhh" "Pero sa ngayon, dadalhin muna kita sa langit, Daddy." sabay himas niya sa ari kong unti-unting nabubuhay. Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD