Chapter 03: Heart of Stone

1621 Words
CHAPTER 03: HEART OF STONE BLAIRE’S P. O. V. "Hooooh," napahilot ako bigla sa aking sintido. Bwist talaga tong si Arturo! "Oh! Sorry, I didn't mean to scare you," mapang-umanhin niyang sabi. Te-teka lang, hindi pulido sa pag-iingles si Arturo! Binuka ko ang aking mata, laking gulat ko na si kuya mong driver pala ito. "Hi?" alinlangan niyang bati sabay kaway sa akin. "H-Hi! You're back again," nakangiti kong tugon sabay bitiw ng hilaw na tawa. Akala ko talaga si Arturo. "Oh! By the way, my name is Griffin," Sabay lahad ng kaniyang kamay nito. Nakipaghandshake din ako sa kaniya. Matigas ang kamay niya at lalaking- lalaki ang tekstura. "Blaire. Blaire Aiden," nabigla ako ng bigla niyang kinuha ang aking kamay patungo sa kaniyang bibig at hinagkan niya ang likod ng aking palad. "Pleasure meeting you, Mademoiselle," sabay bitiw niya sa aking kamay. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Kinilig naman ako sa inakto ni Griffin. For the first time in my existence, someone like him introduced himself to me in the most unexpected way. Bigla kaming napalingon sa lalaking pumalatak "Tsk. What was that for?" mapanuyang tugon ng kaniyang amo na kasalukuyang nakapamulsa habang sinisipat ang aking kabuuan. Napayuko ako sa tinding hiya. Inayos niya ang kaniyang tinding "Master," buong galang niyang pagbati at nag bow pa ito. Nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin "This is Blaire Aiden," pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis. One rule of attracting customers is to catch them through your charming smile. "Blaire meet my Master," tiningnan ako ni Griffin tsaka siya tumingin sa lalaki. "Master Caleb Guillermo," Parang hari niya ito kung ipakilala sa akin. Nilahad ko ang aking kamay sa kaniya "Hi. Nice meeting you," magalang kong tugon. Ngunit nanatili siyang nakapamulsa lang at bahagyang tiningnan ang aking kamay na parang nandidiri, parang wala siyang narinig o nakita man lang. Iniwas niya ang kaniyang tingin at nakatanaw sa malayo. Pasipol sipol pa ito. Siniko naman siya ni Griffin at pinandilan ng mata. "Huh? Anything you'd like to say?" sabi niya habang nakataas ang dalawang kilay. Mukhang wala siyang balak na kausapin ako kaya binawi ko ang kamay ko. Napatawa ako ng hilaw. Lintek! Ang yabang! Gwapo nga pero grabe talaga ang napaka arogante niya! Hooooh! Keep your composure Blaire, keep your composure. Nilampasan niya lang kami ni Griffin at pumasok siya sa loob ng café store at umupo sa bakanteng mesa. "I-I'm so sorry for his action, Mademoiselle. Believe me he is a nice person it's just that he's..." nag-aalinlangan niyang sabi. "Cocky, arrogant and disrespectful?" namilog naman ang kaniyang mata ng sabihin ko iyon. "Just kidding," at tumawa ako ng mahina. "Wow. Can you read mind? I was just about to say that," manghang pagkakasabi niya. "Not much. I just know how to recognize someone based on their aura," napa 'wow' ang kaniyang bibig "Hidden talent," at kinindatan ko siya. Nakipag highfive sa akin si Griffin at bigla kaming bumunghalit ng tawa. Napatingin ako sa may balkunahe pero wala na rito si Arturo. "Saan naman kaya pumunta yung lalaking 'yun?" Sabi ko ng mahina. "What did you say, Mademoiselle? I didn't hear you clearly," sabi niya habang inaayos ang kaniyang damit. "N-Nothing. We should go inside," sabi ko. Napailing na lang ako sa ginawang paglisan ni Arturo na ‘di man lang nagpaalam. Pumasok na kami ni Griffin sa café. Umupo siya sa harap ng bakanteng mesa kung saan doon nakaupo ang kaniyang Master. Pumunta ako sa may kahera at kinuha ang menu sabay abot sa kanila. Just like our old customers, I poured their glass with ice cold water before asking their orders. "Excuse me gentlemen, are you ready to order now?" masigla kong pagkakasabi. Kanina ko pa napaansin mula ng pagpasok namin na tinititigan ako ni Caleb. ‘Di ako komportable pag tinititigan ako para kaseng may utang ako na ‘di nabayaran. Alam kong maganda ako pero pwede bang wag mo masyadong ipadama sa akin? Chars! Kapal ng mukha! Nagtama ang mata namin ni Caleb. ‘Di ko ma wari pero kinakabahan ako sa mga titig niya. His eyes screams for dominance and arrogance. Nailang naman ako sa ginawa niyang pagsipat sa aking kabuuan. Bigla siyang tumingala, pinokus niya ang titig niya sa mura kong dibdib. Napasinghap ako sa kaniyang ginawa. Agad kong tinakpan ang aking dibdib, sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. Sarap talaga hambalusin ng limang kutsilyo. Luckily, Griffin diverted our attention. Tumikhim siya na siyang nagpaputol sa pagtitig ni Caleb sa akin "So, uh... we would have all your best-sellers from fruits to cold beverages please." "Okay. On what particular area Sir?" tanong ko sabay sulat sa kanilanh orders. Napakamot pa ng ulo si Griffin. "Oh! Uh!... Filipino one. For two please" ngiti niyang sabi. "Great! Can I have the menu gentlemen?" Tumango naman sila, actually Griffin only did. Caleb is still smirking at me. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin at kinuha ko sa kanila ang menu. "Your orders will be served within 20 minutes. Please suit yourselves, excuse me," Iniwan ko sila sa lamesa. Pumunta agad ako sa kusina at ginawa ang kanilang order. This is the part where I love the most, cooking. It's just that there's always a room in my heart for cooking. No matter how tired I get, cooking will always be my remedy. The employees I have are only two. It's just me and Mamá. I'm kinda sure that kay Mamá ko namana ang pagkahilig ko sa pagluto. If we're flooded with orders naman, Papá is always to the rescue. Speaking of Papá, I need to find other ways to make enough money to pay his debt. We've been tackling and keep on reminding him about his addiction to gambling. I didn't expect that it will be this worst. At ang masaklap pa, kahit i-benta ko ang store, hindi pa din ito magiging sapat para mabayaran ang kaniyang utang. I shouldn't loose hope, miracles come in the most unexpected way. I believe in God as well as His mercy. Makakahanap din ako ng paraan para mabayaran ang utang ni Papá. ‘Di ko tuloy mapigilang mapahikbi dahil sa aming kinakaharap na problema. ‘Di ako pwedeng maging mahina at iyakin sa harapan ni Mamá lalo pa't madali siyang umiyak. I need to be strong. No, scratch that. I should be strong! Naturingan pa namang bread winner ako tapos magiging mahina ako? That's a no, no for me. Pinunasan ko ang mga luha na lumalandas sa aking mukha. Huminga ako ng malalim sabay buga ng hangin sa ere. Kailangan ko ng tumigil sa pag-iyak baka mamaya pumangit ang lasa ng niluluto ko. Nag-text ako kay Mamá, sabi ko sa kaniya ‘di ako uuwi mamayang gabi dahil maraming customers kahit wala naman talaga. Gulong-gulo lang ang isipan ko. Kailangan ko munang mapag-isa at mag-isip-isip kung papaano ko ba ito masosolusyonan. Makalipas ang bente minutos ay natapos na ako. Nag-plating na lang ako at voila! It is ready to serve. Inilagay ko sa trolley ang kanilang inorder dahil hindi ko kayang dalhin ang kanilang inorder gamit ang tray. Habang papalabas na ako mula sa kusina ay di ko maiwasang makinig sa kanilang pinag-uusapan. Sino ba namang hindi makakarinig kung makapag-usap sila ay parang sila lang ang tao rito. "I told you! You shouldn't act like that again," pangangaral ni Griffin kay Caleb "Well, it's my nature. No one can and will change me," preskong pagkakasabi ni Caleb sabay unan ng kaniyang kamay sa ere. Mahangin talaga tong lalaki na ito sayang may itsura pa naman. Well for me, I don't care if your face is a ten. If your attitude is a zero then boy you're zero for me. Periodt. "You know you're not getting young day by day Caleb. You should act your age and portray your responsibilities," parang galit na ewan na sabi ni Griffin. "Hey! Watch your words you abominable t**t. I'm still your Master," iritadong sabi ni Caleb sabay dirty finger kay Griffin. Palaban siya na tumawa at ibinalik ang dirty finger sa kaniyang Master. "Well, I don't care," matapang niyang sagot. "I will only respect you as my Master if and only if... you act one," sabay cross arms niya. "But right now, all I see is an old man playing his obnoxious games once more," palaban na sabi ni Griffin kay Caleb at mapanuyang tumawa. Biglang umalingawngaw ang malakas na tunog sa lamesa sanhi ng paghampas ni Caleb dito. Pero hindi natinag si Griffin, naka cross-arms pa rin siya at maloko niyang nginisihan ang Master niya. Kinuyom ni Caleb ang kaniyang kamao at nanggagalaiti na sa galit ang kaniyang mukha. Bilang may ari ng store, dali dali akong lumabas dala ang kanilang order "Gentlemen!" halos pasigaw kong sabi. "Your orders are here!" malakas kong sabi para kahit papaano ay mabaling sa akin at sa pagkain kong dala ang atensyon nila. Tinulak ko ang trolley patungo sa kanilang lamesa, narinig ko pang nagwika si Griffin na. "Do it! So she can witness it. I dare you," akmang susugod na si Caleb ngunit agad ko itong pinigilan. "He-Hey! Is everything alright in here?" nanatili sa ere ang kamao ni Caleb. Bago ko narinig ang pabagsak niyang pag-upo. Wala ni isa sa kanila ang sumagot. "O-Okay! So here are your orders gentlemen," sabay lapag ko sa kanilang harapan ng kanilang inorder na pagkain. "Enjoy your lunch. Excuse me," Bago paman ako tuluyang makalisan sa kanilang la mesa ay narinig ko pang nagwika si Griffin "Master, please," buntong hinga niyang sabi. "Take time to think about what I told you. I meant every word I said," biglang bumuntong hininga si Caleb. "Fine. Now eat," sagot niya sa baritono niyang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD