Chapter 01: How it all started
CHAPTER 01: HOW IT ALL STARTED
Blaire's POV
“Mamá?” Panawag ko.
Magpapatulong sana ako sa paglalagay ng mga binake ko na tinapay. Hindi ko mabuhat lahat. Ididisplay ko rito sa stante para kita agad ng mga mamimili.
Wala akong narinig na sagot kaya nilingon ko. Kakaiba ang mga kinikilos ni Mamá nitong mga nakaraang araw. Tulala. Tahimik. At lutang. Kinakabahan tuloy ako sa pumapasok sa aking isipan. Hay naku. Huwag naman sana
“May hinihintay ka ba na bisita, Mamá?” Kagaya ng kanina. Tikom ang bibig. Walang imik. Hay! Mamaya ko nalang itutuloy ang pagdidisplay sa mga tinapay. Nilagay ko sila sa bakanteng mesa.
Umupo ako sa kaniyang tabi. “Pwede mo pong sabihin sa akin kung anong problema o may bumabagabag ba sa’yo, Mamá,” mahinahon kong tugon.
Hindi ko maatim na makitang ganito siya. Nag-aalala ako at nababahala kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
“Inaantok lang ako anak,”
Hay! Bakit pa ba kailangang magsinungaling kung gayon ay halatanghalata na may problema?
“Pag-inaantok po natutulog. Hindi po nakatulala,” sabi ko.
“Ang Papá mo,” huminto siya sa pagsasalita at bumuntong hinga. Pati ako ay napabuntong hininga na rin.
“Ano pong mayroon kay Papá?” Ngunit katahimikan ang sumagot sa aking katanungan. Niyakap ko si Mamá. “Bumalik na naman po ba siya sa dati?” anas ko. Tumango si Mamá at mapait na ngumiti.
Bilang nag-iisang anak nina Claire Cortez at Leonardo Cortez ay nararapat lamang na tulungan ko sila. Obligasyon at tungkulin ko na bigyan sila ng payapa at magandang buhay.
Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos ako ng BS HRM sa tulong ng aking mga magulang. Nakapagtrabaho ako sa barko ng limang taon. Kaya ito. Naipundar ko ang Sip and Dine Café Store.
‘Di malaki at ‘di rin maliit. Katamtaman lang ang lawak at sapat na para makapagpapasok ng customers. ‘Di sa pagmamayabang pero dinarayo rin ng mga bigating personalidad ang aking Café Store.
Pag-apak mo palang sa establisimiento ay madarama mo na ang homey and comfy vibes. Simpleng disenyo lang ang café ko.
Ginawa ko siyang modernized bahay kubo. Puro mga kahoy ang palamuti. Maginhawa at presko sa pakiramdam rito. At ang pinaka the best sa lahat ay napaka affordable ng aking mga paninda.
From cakes, bread, and dishes. Name it and we’ll show you. Pwede rin kayo mag request if ever wala sa aming menu ang gusto mong kakainin.
“Bumibisyo ulit ang Papá mo,” at nagsilabasan ang kaniyang mga luha. Hinagod ko ang kaniyang likod. Makakabuti sigurong ibuhos na niya muna ang lahat ng luha. Kaysa alkontrahin ko at mas lalong makasama pa sa kaniya.
“Apat na taon,” suminghot siya.
“Apat na taon niyang nilihim sa atin, Blaire,” ramdam ko ang hinanakit sa bawat salita na binibitawan niya.
Sobrang bigat siguro dahil ganito na lamang ang kaniyang pag-iyak.
Niyakap niya ako pabalik. Umiyak si Mamá sa aking balikat. Napakabigat sa damdamin ang makitang lumuluha ang ina mo. Panay hagod lang ako at tamang pakikinig lang sa kaniyang mga hikbi.
Kalaunan ay tumigil naman sa awa ng Diyos. “Oh. Ayan. Tahan na po ha? Magkano ba ang utang ni Papá at mabayaran ko na po,” kumalas ako sa pagkakayakap. “Sandali lang po, Mamá," tumayo ako at tinungo ang kahera. Doon ko rin nilalagay ang pera ko.
“Ten million anak...” hindi ko masyadong narinig ang kaniyang sanabi dahil mahina ang pagkakasabi ni Mamá.
“Ay sus. Tigilan na ang pag-iyak at ako na ang bahalang babayad ng utang,” namilog ang mga mata niya habang ako'y tinitigan. “Ta-Talaga, Blaire?” Tumango ako.
“Opo, Mamá. Kaya wititit na mag crayola dahil akis na bahala mag payola sa utang ni pudra,” pagpapatawa ko kay MAmá sabay kinindat ko.
Nakakasama sa kaniya ang pag-iyak.
May kalumaan na siya. Chares! May edad na si Mamá kaya nakakasama sa kaniyang kalusugan ang labis na pag-iyak.
Dapat sa kanila ay maging kalmado and as much as possible ay light emotions lang upang hindi sumpungin ang kanilang high blood pressure. Mga komon na sakit kapag may edad na talaga.
“May ganoon kalaking pe-pera ka 'nak?” Tanong niya. Binuksan ko ang kaha at nasilip na may saktong pera pa ako para mabayaran ang kaniyang utang.
Umupo ako pabalik kay Mamá at hinawakan ang kaniyang magaspang na kamay. Palatandaan ito kung gaano niya kami kamahal.
Dahil lahat ng trabaho pinasukan niya. Makapagtapos lang ako ng pag-aaral. Hindi ko sila binigo dahil naging Summa c*m Laude ako sa aming batch.
“Hindi naman po sa nagmamayabang pero akala ko na kung gaano ka laki ang utang ni Papá. ‘Wag ka ng umiyak at ako na ang magbabayad sa sampung libo na utang niya. Hayaan mo at ibibigay ko kay Papá ang pera pag uwi niya at ng masabihan ko rin siya,” nakangiti kong saad.
Pero kaibahan kay Mamá. Gulat ang rumehistro sa kaniyang mukha.
“Hi-Hindi sampung libo a-anak,” napakunot ang aking noo.
“Ha” Tanging sagot na lumabas sa akung bibig. “Ilan po pala kung hindi sampung libo?”
“Sampung milyon, Blaire! Ten million. Milyones ang utang ng Papá mo. Hindi libo!”
At nawindang ako sa sinabi ni Mamá. Napahawak ako sa aking dibdib. Nakakakaba. Ganito na ba kalala ang pagkalulong niya sa sugalan? Diyos ko po!
“Ano? Pa-Paano po nangyari 'yon?” Napatakip ako sa aking bibig.
Dahil sa sobrang pagkabigla ay ‘di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha.
Nakakapabghinayang at nakakapanlumo kung papaano niya nagawang umutang ng sampung milyon at kung papapaano niya winaldas ito at wala man lang kaming nakitang kabaguhan o kung sa business pa ay return of investment man lang sa kaniyang pagsusugal.
Sabagay. Ano bang aasahan namin?
Bata pa lamang kasi ay mulat na siya sa sugal. Hindi ko rin masisisi si Papá kung bakit maaga siyang natuto.
Kung hindi siya susugal. Wala siyang kakainin.
Alam ko na pwede naman siyang humanap ng trabaho o ano paman. Pero alam mo naman ang kalakaran ng mundo. Pag tingin nila sa iyo ay mahirap at walang kakayanan ay automatic ayaw talaga nila sa'yo kahit pa pagbutihan mo.
Talo ng mapanghusga ang masipag.
Nag-iisang anak lamang ang Papá Leonardo ko. Malayo siya sa kamag-anak niya.
Maagang binawi ng maykapal ang kaniyang mga magulang. Kaya tinaguyod niya ang kaniyang sarili sa paraan na kaya niya.
Lahat naman tayo at may kani-kaniyang diskarte sa buhay. Dahil kung hindi tayo kikilos baka tayo ay mamamatay.
“Tanging ang Papá mo lamang ang makakasagot. Dahil ako mismo ay walang alam. Kung hindi ko pa narinig sa kumpare niyang sugarol din ay habang buhay tayong mangmang sa katotohanan,” saad niya.
Kumalma na si Mamá at hindi na umiiyak.
Sa kasalukuyan ay ako nalang ang umiiyak.
Si Mamá naman ngayon ang naghahagod sa aking likuran. Ilang minuto ring dumadaloy ang aking luha hanggang sa mapagdesisyonan ko na tumigil na.
“Kapit lang po kayo, Mamá. Mababayaran po natin ang utang,” hindi ako sigurado kung mababayaran pa ba namin pero gagawin ko ang lahat. Kahit pa isasakripisyo ko ang aking buhay.
I won't be Blaire Aiden Cortez for nothing.
Pinunasan ko ang aking luha. Ngumiti at tumayo. “Babalik ho muna ako sa paglalagay ng mga tinapay,” kakalmahin ko muna ang aking sarili.
“Aasikasuhin ko na rin muna ang mga paninda sa labas, 'nak,” nagtanguan kami at tinahak ang mga dapat naming gawin.
Sa labas kasi nitong café store ay may mini-market kami. Nagbebenta kami ng mga tipikal na mabibili sa wet market. Isda. Karne. Gulay. Pati na rin ang mga mabibili sa mga tindahan. Ni utilize ko na ang lugar. Tutal ang gusto ko naman talaga ay ang makamasa na pamilihan.
Dinarayo rin kami ng aming mga kapitbahay at ng mga kalapit na lugar. Ang mga bahay rito ay hindi magkakadigkit. Malayu-layo rin ang agwat.
Habang abala akong naglalagay ng mga tinapay sa stante ay may narinig ako.
“Magandang umaga po Tita Claire. Andiyan po ba ang anak mong masungit at ubod ng sama ang ugali kapag ako ang kausap pero okay lang dahil maganda naman? Andiyan po ba Tita?” Tanong niya.
Napairap ako sa ere.
Kainis! Kahit malayo pa siya sa akin ay rinig ko na ang boses niyang nakakairita at nakakakulo ng dugo. “Pasukin mo nalang,” sabi ni Mamá. Narinig ko siyang umalik-ik.
“Pasukin ko po? Okay lang sa inyo? Hindi pa naman ako marunong magpigil. Pag pasok. Pasok na wala nang atrasan. Kaso matagal bumulwak,” nanlaki ang mata ko.
Ang bastos talaga ng bibig nitong lalaking ito! Walang preno!
Binilisan ko ang paglalagay ng mga tinapay. Baka mabato ko ito sa kaniya ng wala sa oras.
Natawa si Mamá. “Hindi ka talaga maubusan ng biro kang bata ka. Puntahan mo siya sa loob. Abala iyon sa pagdidisplay ng mga tinapay. Pumunta ka na at susunod ako maya-maya. Baka nga at pasukin mo na ng tuluyan,” napanganga ako sa sinabi ni Mamá.
Wala ba talaga akong kakampi rito?
Ang laki ng ngisi oh! At kung makalakad akala mo talaga kung sino. “At bakit ka pumasok? May sinabi ba akong pwede kang pumasok?” tinarayan ko siya. Maldita ako pero with a heart.
Napakamot siya sa kaniyang batok. Ano ‘to? Pati ang pagiging mahiyain kailangan i-acting na rin?
“Ah. Eh. Sabi kasi ni Mamá pasukin daw kita. Kaya eto laki ng tuwa ko,” at kinindatan pa talaga ako ha? Lakas ng tama! Tamaan ko na kaya ‘to?
“Kung ikaw ang pasukin ko? Ano game ka?” Tinaasan ko siya ng kilay. Patuloy siyang lumapit sa akin. Inabutan niya ako ng preskong rosas. “Para saan ‘to?” kinuha ko. Napapikit ako at sininghot ang preskong amoy nito. Iba ang aroma. Nanunuot sa aking sistema.
“Hindi mo ako papasukan. Uupuan mo lang dahil ako po ang papasok sa'yo,” agad akong napamulat. Ngiting aso niya akong tiningnan.
“Alam mo, Arturo kung ang pinunta mo rito ay ang bastusin ako. Lumayas ka rito dahil nanlalanta na ako sa dami ng problema,” nilagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng refrigerator.
“Kaya nga ako pumunta para diligan ka. Wag kang mag-alala, asawa ko. Hihiga ka lang at ako na ang bahalang kakayod…” nabato ko siya ng tinapay. Nakailag pa ang gago kaya hindi natamaan. Bwisit!
“Para sa ating dalawa, asawa ko. Ano ba? Ako ang kakayod para buhayin ka at ang mga anak natin,” Natatawa niyang sabi.
“Kayurin ko iyang mukha mo! Hayop neto!” Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan siya pero tawa lang ito ng tawa.
Tinapos ko ang paglalagay ng mga tinapay at kaagad tinungo ang kusina.
Bahala siya riyan! Sasakit sana ang tiyan sa kakatawa. Nakakaanimal ang lalaking ito!
“Asawa ko, saan ka pupunta? Sandali lang!”
Naririndi na ako sa kakatawag niya ng asawa ko. Akala mo talaga! Sumunod siya sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa kusina. Wala akong kukunin. Gusto ko lang na makaiwas sa pagmumukha niya. Naaalibadbaran ako.
Tumungo ako sa lababo at nagkunwaring may huhugasan. Binuksan ko ang gripo at kinuha ang sabon. Wala akong nakitang hugasin kaya hinugasan ko nalang ang aking kamay.
Narinig ko ang kaniyang mga yabag na patungo sa aking puwesto. Binilisan ko ang paghugas pero tumakbo siya.
Nabato ako. Nasa likuran ko siya at tumutusok ang kaniyang pagmamay-ari rekta sa aking pang-upo.
“Anong hinuhugasan mo?” wala akomg kibo at hindi kumilos. “Hoy! Kumilos ka. Maghuhugas ka ba o magiging istatwa?”
Buwisit talga!
Napapkit ako ng wala sa oras. “U-Umalis ka sa li-likuran ko, Arturo,” mariin kong saad.
“Ha? Eh maghuhugas din ako ng kamay. Turuan mo nga ako. Tatlong araw na itong walang hugas-hugas. Tatlong araw na rin kasi akong hindi natampisaw sa tubig,”
“Maghugas ka mag-isa mo!” kinakabahan ako. Baka mahuli kami ni Mamá. Tiyak walang katapusang panunukso ang matatanggap ko sa kaniya.
“Eh ‘di umalis ka!" Singhal niya pabalik. Mas lalo niyang idinikit ang tumutusok niyang ari sa pwet ko. “Tu-Tumutusok!” Sabi ko. Pumipintig na!
“Ha?” Maangmaangan niyang saad. Alam kong alam niya ang ibig sabihin ko.
“Aray! Uhmp!” Daing niya. Siniko ko siya. Hindi naman ganoon ka lakas. Sakto lang para mapangiwi siya at mapaalis siya sa aking likuran.
Lumabas ako sa café at naupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
Nakangiti ang araw at bughaw ang ulap. Maaliwalas ang panahon. Nakakabuwisit talaga kahit kailan itong si Arturo!
Hindi masyadong mainit dahil patuloy ang daloy ng simoy ng hangin. Isa rin ito sa kinagigiliwan ng mga customers ko. Kahit pa walang wifi o aircon.
Simpleng-simple at malayo sa mga restaurant sa siyudad.
Lumabas si Mamá sa mini-market namin at bihis na bihis. Nakasukbit sa kaniya ang kulay itim na shoulder bag na may logo na GG. Regalo ko sa kaniya noong nakaraang birthday niya.
“Saan po kayo pupunta, Mamá?” Bago pa makasagot si Mamá ay pareho kaming napalingon sa lalaking nakahubad baro habang pinupunsasan ang mukha. “Oo nga po, Mamá saan po kayo pupunta?” Sabi ni Arturo.
Napairap nalang ako sa ere. “Pupunta ako ng bayan. Bibili ng stocks. Paubos na kasi. Teka bakit naka hubad baro ka, Arturo?” Umupo si Arturo sa aking tabi at inakbayan ako.
“Ito kasing anak mo, Mamá. Walang awa akong pinagsisiko hanggang sa matumba po ako. Kamuntikan na nga po akong mahulugan ng kaldero. Buti nalang po at malaki ang katawan ko at naagapan ko agad,” sabay flex ng muscles niya sa akin.
“‘Wag mo nga akong akbayan! Napaka galing mong gumawa ng istorya. Bagay kang maging isang manunulat. Hayaan mo bibigyan kita ng isang dosenang notebook para makagawa ka na ng telenobela. Galing mong gumawa ng kwento!” tinanggal ko ang kaniyang kamay sa pagkakaakbay sa akin. Inirapan ko siya ng malala.
"Eh kung ikaw nalang bigyan ko ng isang dosenang anak? Ano sa tingin mo? Ayos diba, Mamá?" Nagawa pa niya talagang tanungin si Mamá ukol sa ganiyan.
Napakabastos talaga. "Arekup!" Nakurot ko siya sa tagiliran. "Sa baba ang kurutin mo. Iyong mataba, mahaba, at matigas na bumundol sa'yo kanina," bulong niya.
Sasampalin ko na sana pero nagsalita si Mamá. "Oh siya siya siya. Aalis na ako. Kayong mga bata talaga. Kung ano-anong pumapasok sa isipan. Mamaya na ang kurot-kurot sa baba kapag wala ng tao. Mauna na ako at baka ako'y gabihin," sabay bukas ni Mamá sa payong at tinahak ang daan patungong sakayan. Bigla akong nahiya sa sinabi ni Mamá.
Pareho kaming nakatanaw kay Mamá. "Rinig mo 'yon, asawa ko. Kurutin mo raw t**i ko kapag wala ng tao. Sige na kurutin mo na. Solo natin ang lugar ngayon oh!" Sabay dila at kagat niya sa ibabang labi.
"Demonyo ka talaga! Ang bastos mo!" Nahampas ko siya sa braso. "Magbihis ka nga. Ang sagwa ng katawan mo, Arturo. Takpan mo bilis!" Kumunot ang kaniyang noo.
"Tang ina mo kung makapanglait ka. Pinagpaguran ko kaya itong katawan ko para takamin ka. Gago ang choosy mo ha? Salpakan kita ng t**i riyan eh!" Sabay punas niya sa katawan niya.
Ang totoo niyan ay nakakapanghina tingnan ang kaniyang katawan. Parang magiging marupok na ako at baka masuko ko ang bataan ng wala sa oras. Lagot talaga ako kapag nagkataon.
Magkababata kami ni Arturo Salvador. Pilyo talaga siya at makulit noon paman. Ngayon lang siya naging malibog at bastos ng magbinata na.
Maraming nagkakandarapa sa kaniya rito sa aming baryo. Makisig siya. Matipuno. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Mahabang pilikmata. Moreno. At lalong nagpadagdag sa appeal niya ay ang kaniyang balbas na nakatrim. Nakahulma kasi ito na mas lalong nagpaangat sa kaniyang itsura.
"Anong tintingin mo? Gusto mo? Luh! Asa ka!" Inirapan niya ako sabay kambyo sa t**i niya. Sarap hambalusin ng dos por dos.
"Tumahimik ka, Arturo. Ang baho ng hininga mo," kunwaring takip ko sa aking ilong.
"Kung halikan kaya kita para maamoy mo kung gaano kabango ang hininga ko? Para mapasahan na rin kita ng laway. Uhaw ka yata sa atensyon ko," seryoso niyang saad. Napatawa nalang ako. Ako pa talag ang uhaw sa atensyon ha?
Tumahimik ako at natingin sa mga ulap.
Paano ko kaya mababayaran ang utang ni Papá? Siguro babalik nalang ako sa barko. Pero ayaw kong mahiwalay sa kanila. Mukhang wala na akong pagpipilian.
"Kasing ganda mo ang panahon ngayon, Blaire," sabi ni Arturo. Titig na titig siya sa aking mga mata. Nginitian niya ako. Kitang-kita ang perpektong ngipin niya. Umakyat lahat ng dugo sa aking mukha. Kasing pula na ito ngayon ng kamatis. "Nek nek mo," tumawa siya.
"Dati, kalaro lang kita. Takbuhan pa tayo at habulan. Sabay pa nga tayong tinuli," napairap ako sa hangin.
"Tapos ngayon heto ka. Babaeng babae na. Nakakabaliw. Nakakasabik. Nakakatigas," nahampas ko ulit.
"Arekup!" Sabay himas sa kaniyang braso.
Shet! Ang tigas nga! Ng braso niya!
"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya. "Bakit interesado ka? Secret lang po," humalakhak ako. Parang ang pabebe ng 'secret lang po'
"Gago! Sino 'yan? Gugulpihin ko 'yan ngayon din!" Sabay pinatunog niya ang kaniyang kamao. "Sinasabi ko sa'yo, Blaire. 'Wag na 'wag kang magjojowa. 'Di mo deserve magkaboyfriend," seryoso niyang saad.
Napalingon ako sa kaniyang gawi. "Sino ka ba? Si Papá? Para pagsabighan ako na bawal magka boyfriend?" Singhal ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang aking mukha. Seryosong tumitig sa aking mga mata. "Sino ako? Ako lang ang lalaking bagay sa'yo, Blaire. Wala ng iba pa. Deserve mo ang magkaroon ng gwapo at may nalaking t**i na Arturo," dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
Napapikit ako. Malakas na kumalabog ang aking dibdib. Pinagpapawisan na ang aking noo. Konting-konti nalang talaga at mahuhulog na ako sa kaniya.
Walang araw na hindi niya ako pinapakilig ang binubwisit. Aminin ko man o hindi. Unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.
Ang singaw ng kaniyang hiniga ay tumatama na sa aking labi. Diyos ko po!
Bang!
Pareho kaming nagulat. Napamulat ang aking mata. Nagkahiyaan at napatingin sa ibang direksyon.
"What the hell happened?" Napunta ang atensyon ko sa mamahaling kotse sa aming harapan. Rinig kong sabi ng tao sa aming unahan.
Doon pala nagmula ang malakas na pagsabog.
Biglang may bumaba na lalaki. Nakapang uniporme ng mamahalin din. Pero sa tingin ko ay isa siyang driver ng kotse.
Sinilip niya ang gulong. Dito ay pumutok pala ito. Napailing siya. Napakamot sa kaniyang ulo at napapalatak. Kinatok niya ang bintana ng kotse.
Rumolyo ito pababa. "Master," at nagbow siya. "I must say that the tire was in not so good condition. It exploded and tear up into pieces,"
Taray! Mga inglisero pala. Pero sabagay kung pag-oobserbahan ang lalaki. Maputi siya. Pero baka nagpa inject lang ng gluta? O di kaya ay pinaglihian sa guyabano? Basta. Maputi siya.
"Call Baldwin and let him fix this quick. Told him also to bring my Porsche. And lastly, find me something edible. I'm starving," saad ng tinatawag niyang Master. Tumango ang driver.
Nagkatitigan kami ni Arturo. Pareho pala kaming pinapakinggan ang tao sa aming harapan. "Asawa ko, kilala mo ba sila?" Tanong niya. "Hindi. Ngayon ko palang sila nakita,"
Biglang lumingon ang driver. Nagulat kaming dalawa. Tinitigan niya kami at biglang pumunta papalapit sa amin. Kinabahan ako.
"Ah. Eh. Ka-Kakain na tayo, Arturo," sabi ko. Magkukunwari nalang kaming nag-uusap sabay tayo. Baka sabihin na nakikinig kami sa kanila.
"Si-Sige," tumayo si Arturo at papasok na sana kami.
"Stop!"